WIFI NG KAPITBAHAY

3.8K 153 78
                                    

WIFI NG KAPITBAHAY

Wifi ng kapitbahay, Bakit nga ba ako nasisiyahan pag andiyan ka?

Wala na nga akong babayarang internet nang dahil sayo ay libre na

Ikaw lang ang bumubuo ng araw ko, alam mo ba?

Pagka't sa'yo ko lang naramdaman ang tulad nito, Promise pa!

Hinack ang password ng walang kahirap-hirap

Saya'y di maexplain parang nasa ulap

Nang ika'y maabot, di na nagawang mang-irap

Araw at gabi ikaw ang laging hinahanap-hanap

Malamok outside the balcony pero okay lang

Basta't konektado sa'yo, aba'y wala ng makahahadlang

To stay connected, I'll just tiis-tiis lang

Sandamukal na lamok pumapapak, Ay keri lang

Pero batugan yang amo mo talaga, Peksman pa!

Sarap itapon sa planet Mars para masaya, pwede ba?

Lakas makapagpalit ng password mo, Kairita!

Pakibatukan nga yang amo mong hugis balyena

Sarap din kasi niyang konyatan e no?

Kitang gumagamit ako, may lakas pang patayin ang tulad mo

Wala akong karapatang magalit, alam ko

Pero kasi, nakakabwisit din na ilang beses na nauulit 'to

Pero swerte na din ako kung iisipin talaga

Nakigamit na nga ako sa'yo, ako'y choosy pa ba?

Meant to be talaga tayo, alam mo ba?

Pag connected sa'yo, napapatalon pa sa saya

Pero alam mo, wag ka ng mag-alala

Malapit na kitang bilhin, ilang tulog pa

Nag-ipon upang ikaw ay makamit na

Sumakto lang yung pera ko aba'y mapapasakin ka na

Ha-Ha-Ha! Tatlong tawa para sa sarili ko

Nagsulat pa ng ganto, parang timang 'to

Sa gusto ko e, pakialam mo?

Nais ko lang naman sabihin ang nasa loob ko

We live in a democratic country, We can say what we want

Ang kalimutan ka? Oh no! I can't

You're just so cool, sometimes too hot

Oh wifi ng kapitbahay, you're all I've got :D

WIFI NG KAPITBAHAYTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon