[TULA 01]
OH GINOO, IKA'Y NAPAKAGWAPO SA AKING MGA MATA,
MAKITA LANG KITANG MASAYA TILA AKO'Y NASA LANGIT NA,
MGA NGITI MONG MATATAMIS NA ARAW-ARAW KONG NAKIKITA,
OH GUSTO KITANG PASAYAHIN SA ABOT NG AKING MAKAKAYA.PARA KANG ISANG BITUIN PAG IKA'Y PINAGMAMASDAN,
NAPAPATULALA SAYO NA HINDI MALAMAN LAMAN ANG DAHILAN,
OH GINOO, NABIHAG MO ANG PUSO KO NG 'DI KO MAN LANG NALALAMAN,
IKAY AKING IIBIGIN HANGGANG SA DULO NG WALANG HANGGAN.GINOO, IKAW LANG ANG LAMAN NG NG PUSO'T ISIP KO,
AT KAHIT ANONG GAWIN KO AY IKAW PARIN ANG NAIISIP KO,
AKO'Y NABABALIW NA DAHIL HINDI KO NA ALAM ANG GAGAWIN KO,
GUSTO KITANG KAUSAPIN NG TAYO LANG PERO PAANO KO SISIMULAN ITO?BUMIBILIS ANG TIBOK NG AKING PUSO PAG IKA'Y NASA TABI KO,
PINAGPAPAWISAN AT KINAKABAHAN ANO BA ITONG NARARAMDAMAN KO?
NGAYON KO LANG NARANASAN ANG MGA BAGAY NA ITO SA IYO,
TOTOONG MAHAL NA NGA KITA AT HINDI KO TINATANGGI PA ITO.
BINABASA MO ANG
TULA PARA SA IYO [Under Editing]
PoesíaMga tulang aking ginawa. Walang halong panggagaya.