Aksidente

48 3 0
                                    

"Pumasok ka nga don, hindi makapasok yong mga magkakabit. Baket ba nakahara kayo sa daan?" ang aga aga ang bunganga ng pinsan ko parang ng armalite. "Dyan, dyan. Para madaling masagot at pwedeng makipag usap habang naka upo" dinig kong sabi nya sa techinician ng isang telecom.

"Te sa tindahan lang muna ako" sabi ko sa kanya habang palabas ng pinto at lakad pa-tindahan nila sa kabilang kalye tapat ng bahay ng may-ari ng apartment na inuupahan ng mga pinsan ko.

Si Ate ay pinsan ko sa Mama ko at si Kuya ay pinsan ko kay Tatay. Nagkakilala sila sa isa sa mga reunion namin noon and the rest is history.

"Uy uy uy baboy, san ka punta? Ikaw na muna tumao dito sa tindahan, may titingnan lang muna ako sa bahay!" sita ko sa pamangkin kong palakad papuntang basketball court. Kakamot kamot syang pumasok ng tindahan, sabay pitas sa chippy at diretso sa ref.

"Hay, kaya ang taba taba" bulong ko sa sarili ko.

Dumiretso na ako sa taas ng kwarto tapos kong sabihin kay ate na nilantakan ng anak nyang PG ang paninda nila. Dahan dahan kong ni-lock ang pinto at pumunta sa bintana. Hinawi ko ng kaunti ang manipis na kurtina na nagsisilbing harang sa init ng araw. Sa puntong ito, tanaw na tanaw ko ang dirty kitchen nila mommy - ang may ari ng apartment. At don, sa likod ng kurtina, tanaw na tanaw ko si Kuya Raffy habang naghuhugas ng plato!

"Aaaaaahhhhhhh" pigil at mahina kong tili. Ang cute talaga nya. Ang sipag. Ang gentleman. Magalang. At reserved. My dreamboy!

Laging ganon. Tuwing after lunch, ginawa ko ng bisyo ang likod ng kurtina sa kwarto. Tinititigan ko sya habang nangangarap kung kailan nya mapapansin ang beatuy ko. Habang iniisa isa ang mga katangian na nagustuhan ko sa kanya. At sa tuwing matatapos na syang maghugas baba na ako at babalik sa tindahan na parang walang nangyari. Pathetic di ba. E sa ganon ako masaya. Hindi ko keri ang lantarang pag rampage at pag alembong.

Nasa malalim akong pag iisip ng biglang may sumigaw sa bahay na katapat namin!

"Hoy Cherry! Anong sinisilip silip mo dyan ha?!"

Panic mode on! Omg, pagtingin ko sa dirty kitchen nila Mommy, nakatingala si Kuya Raffy sa direksyon ko! Dali dali kong binalik sa ayos ang kurtina. Nakita kaya nya ako? Alam kaya nyang pinapanood ko sya? Na pinapanood ko sya kanina pa? Lagi? Eeeeeee, dyahe!

Bwiset tong si BJ e. Pag kulot talaga, salot!

"Hoy sorry! Para yon lang nagalit ka na? E baket ka ba andon ka na parang may ini-spy-an ha?" si BJ yan. Siempre salot nga. Ang kulet pa. Madalas syang tumatambay dito kapag galing sa klase. Bagay na bagay sya sa course nya dahil mukha syang syokoy. Pagka seaman at sa Pamantasang Malapit sa Ilog (PMI) sya pumapasok.

"Ewan ko sayo. Lumayas ka nga, wala ka naman binibili panay tambay mo dito. Nakaharang ka sa bibili o. Anong sayo? " tuloy tuloy kong dakdak at pagtapos ay inasikaso muna ang batang nabili.

"Wala naman magawa sa bahay. Saka wala din mga pinsan ko. Bumili naman ako ng Pop ah!" yabang naman nya.

"Yabang neto, wala pang sampung piso yong nilabas mong pera uy - " hindi ko na natapos dahil natulala na ako. Katapat ng tindahan ay ang bahay nila mommy di ba - na sinabi ko kanina don sa taas. :) Yong mismong tapat ng tindahang ito ay dating sari sari store nila Mommy na ginawa na ngayong patahian/electronic repair shop/payphone - all in the same place. At ngaun, ang dahilan ng pagkatulala ko ay si Kuya Raffy na nakatingin sa akin - I mean sa gawi namin at kumakaway. My gas, I think I just died.

"Anong - " hindi na rin natapos ni BJ ang sasabihin nya. At bago ko pa maibalik sa normal ang nganga ng bibig ko, nagpalipat lipat na ang tingin nya kay Kuya Raffy at sa akin - sabay ngiting aso.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jul 25, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

My CenterpieceTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon