Chapter 7 : Smile

4.3K 179 4
                                    

  Simula ng malaman ko na magkapit-bahay kame ni aero, Lagi ko na syang inaabangan dito sa labas ng gate namen tuwing papasok sa school. Nag Effort pa kong gumising ng maaga para lang makasabay ako at syempre para sakin advantage yun kasi simula nung ginawa ko to e hindi na ko nalelate sa pag-pasok.

Pero simula din ng ginawa ko ito , Kahit isa kahit minsan e hindi ko pa nakasabay manlang si aero. hays! Katulad ngayon 7am pa ang pasok namen pero 6am pa lang nandito na ko sa labas ng gate namen at nagaantay sa kanya. Kahit antok na antok pa ko kanina pinilit ko pa din tumayo para lang magkasabay kami. Take note ah halos 2 weeks ko na tong ginagawa. Kaya 2 weeks na din nasasayang yung mga rose na dapat ibibigay ko sa kanya kung sakali mang magkasabay kame.

Tinignan ko ang wrist watch ko 6:30 na. Kaylangan ko ng umalis para di ako malate. Tumayo na ko at nagpagpag ng skirt ko tsaka pumunta sa tapat ng gate nila. Sinuksok ko yung stem ng rose dun sa mail box nila. Laging ganito ang ginawa ko, Bahala na kung sino ang kumuha nyan sa kanila. May sticky note naman yun na nakalagay at nakapangalan kay aero.

* University *

Pagka-dating ko dun sinabi kaagad ng isa sa mga classmate ko na may meeting daw ang faculty teachers kaya ang next class namin ay 9am pa. Anu ba yan inaantok pa ko. Dapat pala natulog na lang talaga ko kanina kung alam kong wala din naman akong mapapala sa pag aantay kay aero na yan. hmmp!

Pumunta na lang ako ng room kasi alam ko sa mga oras na 'to wala ng mga tao dun. Like ni bianca and gray nasa cafeteria daw sila. tinext nila ko kanina at sinabing pumunta daw ako doon kung sakaling dumating na ko dito. Pero dahil sa tinatamad ako at inaantok mas pinili ko na lang matulog sa room.

Pag dating ko dun tama nga ang hinala ko. Wala na dito ang mga classmate ko , Pero meron pa kong isang classmate dun. Isa sa mga weirdo kong classmate. Silent type sya at nakakatakot. May pagka-gangster chuchu kasi yung aura nya. hehe ^^ kaya weirdo para saken ,Si Brandon ata ang pangalan neto. I think.

" Hi! "- bati ko sa kanya , medyo awkward kasi hindi ko naman sya close. Nagkibit balikat na lang ako nung akala kong hindi nya ko papansinin, Kaya dumiretso na ko sa upuan ko sa dulo.Pero akala ko lang pala yun.

" Hi! "- serious face sya nyan ah. hehe. Gusto ko sanang tumawa kaso baka bigla kong suntukin neto. Mahirap na. ^^

" Matutulog ako. ok lang ba? Baka kasi mas gusto mong mapag.isa dito. ok lang saken, lalabas na lang ako. "- sabi ko sa kanya.

" No! ok lang , sige matulog ka lang dyan. Ganon din naman ang gagawin ko." - sya habang inaayos ang upuan nya ng pahilig sa pader. Bale yung sandalan ng upuan nya e ayun yung nakasandal sa wall. Bale kung nandito ka sa pwesto ko, Kayang kaya nya kong lingunin ng walang kahirap hirap. Nakakailang tuloy.

Hindi na ko nagsalita. Inilapag ko na lang yung bag ko dun sa upuan ni aero, Para medyo maluwag sa pwesto ko. Bago pa ako tumungo sa desk ko nilingon ko muna si brandon kung tulog na. Pero ganon na lang ang gulat ko nung nakita ko syang titig na titig saken. Creepy!

Dun na lang ako humarap sa upuan ni aero. Dun ko na din tinungo ang ulo ko sa desk nya, Hanggang sa dumilim na ang paningin ko.

-----

Dahan-dahan kong minulat ang mata ko nung may naramdaman akong nakatingin saken. Dun ko lang napansin si aero na seryosong nakatingin saken habang yakap yakap nya yung bag ko at bag nya.

Dali-dali kong kinuha yun sa kanya. Anu ba yan. Kahiya! Nung tinignan ko kung anong oras na eh 30 mins pa bago mag start ng class. Medyo madami na din ang tao sa room pero mga wala naman silang pakialam. Nung nilingon ko yung upuan ni brandon nandun pa din sya pero nakaayos na ang upuan nya sa dati. Hindi na din sya nakatingin. Bumaling ako kay aero na nag-aayos ng gamit nya.

" Sorry kung dyan ako nakatulog, Pasensya na. "- nahihiya kong paumanhin sa kanya.

" May panis na laway ka pa. " - sh*t ! dali dali kong hinawakan ang magkabilang gilid ng labi ko at pinunasan.

Wala naman ah' Damn! Pinagtritripan ba nya ko. Kainis ' to! Humarap ako sa kanya para sana bulyawan sya sa pangtritrip nya saken.

Kaso Kusang nalaglag ang panga ko nung nakita ko sya. Darn! Totoo ba to. Nakangiti sya.

Oh my god! nakangiti talaga sya. Damn!

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon