Chapter 20 : Britney Gomez

3.9K 135 4
                                    


Continuation

" Tara hatid na kita." - yaya ni brandon pag tapos namin kumain ng ice cream.

Tinignan ko ang wrist watch ko at napansing maaga pa naman. It's 3:30 in the afternoon.

" Let's have a date. " - nakita ko syang natigilan kaya dinagdagan ko agad. " A friendly date. hehe " - sabay ngiti. nakita ko naman syang tumango sakin. Kaya nilahad ko sa kanya ang kamay ko. Nung una tinitignan nya lang yun at parang ayaw tanggapin.

Ako na lang ang kumuha ng kamay nya at hinawakan. Ang tagal eh. Ngalay na ko.

Alam ko. Deep inside nasasaktan si brandon. Ang nakakainis pa don alam kong dahil sa akin.

Kaya sana kahit papaano mapasaya ko sya date na ito.

I clearly at him na ' friendly date' lamang ito. Ayoko syang umasa.

At ang loko tinawanan lang ako. Susulitin nya na daw at minsan lang ito. haha

Alam ko namang walang gagawin masama si brandon kaya bahala na sya kung saan kami patungo at mga gagawin namin. Go with the flow na lang ang peg ko.

**

Ang oh-so-called date namin ni brandon ay nauwi sa pag sstay namin sa bahay nila. Haha

Wala kaming mapuntahan e. Kaya dito kami napunta. Wala naman sigurong gagawin masama si brandon diba? Tsaka may tiwala naman ako sa kanya. At alam kong hindi sya bad person.

Andito ako sa sala nila nagmamasid-masid lang. Actually may kaya naman sa buhay sila brandon. Malaki ang bahay nila at modern ang design, Karamihan sa gamit nila ay antique na halata mong hindi basta basta ang presyo.

Nasa kusina nila si brandon nagluluto ng dinner. Dito na din ako kakain kasi ayun yung gusto nya kaya pinagbigyan ko na.

" Iiiiimmmmm Homeeeee !!!! " - napatayo ako bigla nung may sumigaw galing sa likod ko.

Paglingon ko, Isang magandang babae ang nasa harapan ko ngayon.

" Who are you? " - Madiing sabi nito saken. Packing tape naman! Sino ba ito. nakakatakot sya ah. Wagas pa makatingin, Tama ba namang i-head to foot ako at to foot to head ulit habang nakataas pa ang isang kilay saken.

" A-h Ka-si ano e-h -- "

" I said who are you? " - medyo napalakas na ang tono ng pananalita nito. Sasabihin ko sana kasama ako ni brandon kaso bigla nya na akong pinutol sa pagsasalita.

Ang taray ni ateng siguro jowa ito ni brandon pero kung may jowa pala si brandon at ngayon nasa harapan ko at tinatarayan ako at sinisigawan, bakit pa 'to nag confess sa akin kanina with matching paiyak-iyak pa!? Ako ba pinagloloko ang taong iyon?!

" Oh andyan kana pala, Anyare sayo? " - sabay labas ni brandon galing kusina nila habang nagtatanggal ng apron nya. At ngayon ko lang napansin na hindi pala sya sa direksyon ko nakatingin kung hindi dun kay ateng mataray.

" Who's that girl brandon? " - madiin pa din sabi nya sabay turo sa direksyon ko. Aba't manuno sana 'to kakaturo nya. hehe

Nakita kong papunta sa kanya si brandon. Sabi na nga bang mag-jowa itong dalawa na 'to eh. Siraulong brandon 'to ako pa pinagloloko.

" Ouuuch!! " - nakita kong binatukan ni brandon si ateng mataray. Ehh?

What happening here? Ganyan na ba magbatiian ang mag-jowa ngayon nagbabatukan? Srsly?

" Wala ka talagang galang kuya mo ko pero brandon lang tawag ko saken at maka-who's that girl ka dyan. Pch! Si kai yan babaeng hinu-who's that girl mo. " - brandon said. So this is brandon younger sister huh?! Kala ko talaga kanina jowa nya. hehe Maganda sya ah hindi na ako magtataka kung kapatid nga talaga sya ni brandon. He's handsome and She's pretty too.

Courting Mr. Poker (COMPLETED/ UNDER REVISION )Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon