yena
" yan na ice cream mo para hindi kana topakin masyado" saad ko at umupo sa tabi nya at ginulo yung buhok nya
agad naman nya kong sinamaan ng tingin kaya agad naman akong natawa dahil sa muka nya " hindi kaya ako topakin" saad nya at tinaasan ako ng kilay
ang cute naman ng batang to sarap ampunin. "anyare nga pala dun sa jaehwan ? " tanong ko at dinilaan yung ice cream "wala break na kami nun diba" saad nya at binuksan yung ice cream nya
tinignan ko naman sya at tumango. break na sila pero kung makaasal parang mag jowa pa din.shshs " tara na hatid na kita sa bahay nyo mukang uulan eh tas wala pa tayong payong " saad ko kay yuri at tumayo tsaka kinuha yung bag nya
"kailangan makarating tayo sa bahay nyo ng 7:30pm kundi lagot ka kay tita tara na bilis" nag mamadaling saad ko at binuksan yung pinto ng 7/11
habang nag lalakad kami papunta sa bahay nila yuri napansin ko na nahihirapan sya mag lakad "bat may dugo yang medyas mo anyare ?" saad ko at tinignan
"masikip kasi tong sapatos mali yung size na binili ni daddy kaya pinilit kong sootin kaya ayun nag ka sugat paa ko" saad nya at ngumiti
"ngingiti ngiti kapa tangalin mo yang sapatos mo pumasan ka sakin bili uulan na oh wala pang kalahati yung nalalakad natin" saad ko at umupo sa harap nya para makapasan sya ng maayos
habang pasan pasan ko sya naramdaman kona na naambon pero di pa naman sya gaanong malakas kaya pinag patuloy ko yung pag lalakad ko habang nakapasan si yuri tsaka mukang tulog na din ang mokong sa balikat ko napagod ata
"yena ayos ka lang ? pahinga muna tayo dun sa tindahan naambon na din naman" saad nya at tinitigan ako
"ayos lang takpan mo nalang yung ulo mo baka mag kasakit kapa mahirap na." saad ko at pinag patuloy yung pag lalakad
habang nag lalakad ako nagulat ako ng may nilagay na libro si yuri sa ulo ko "Ayos ba ?" tumatawang saad nya
mukang monggoloyd amp. "wait baba ka muna yuri natawag si mama" saad ko sakanya at binaba sya sa upuan ng tindahan
"hello ma"
"oh anak wala daw yung kuya mo sa bahay eh kami ng papa mo bukas pa uuwi"
"asan poba yung susi?"
"dala dala ng kuya mo nasan kaba?"
"papunta po sa bahay nila yuri hahatid ko kasi sya"
"sabihin mo sa mommy ni yuri baka pwede dun ka muna te text ko nalang yung mommy ni yuri ha dun ka muna"
"pero ma ayoko nakakahiya"
"gusto mo sa lansangan ka matulog?"
"ayaw po"
"dun ka muna matulog"
call ended.
"a-ah tara na pasan kana ulit" putol putol na saad ko
"oh uminom ka muna ng tubig sure naman na napagod ka" saad nya at inabot yung tubig. habang nainom ako bigla syang nag tanong "sa bahay kana matulog ako na mag papaalam" saad nya at ngumiti
"w-wag na aakyatin ko nalang yung bahay namin" saad ko sakanya at ngumiti pabalik
"sige susumbong kita kay tita" saad nya at nag seryosong muka
"sige na nga tara na" saad ko at pinasan sya ulit