yuri
"uy yena sabay tayo uwi"hinihingal kong saad. nakakapagod naman palang habulin tong bibeng to
"may kasabay ako ngayon eh bukas nalang tayo mag sabay okay? promise bukas bibilhan kitang ice cream" saad nya ng tuwang tuwa
bat ang saya nya pa. sino kayang kasabay neto.
"uy lia tara na!" rinig kong sigaw ni yena habang kumakaway
wtf.
iniwan ako dito palibhasa may bago."yuri unnie" rinig kong tawag ni wonyoung sa likod
"tara sabay tayo umuwi" saad nya at niyakap ako
buti pa si wonyoung sasabayan ako. samantalang si yena. hmmm nvm
"bakit patang ang sama ng mood mo yuri unnie?"tanong ni wonyo habang nag lalakad kami
"huh? hindi ah ang saya saya ko nga eh" saad ko at ngumiti ng pilit
si yena kasi sinira yung mood ko. argh. nakaka bwisit sana di ko nalang sya hinabol sasabay din naman pala sya dun kay lia
dun sya masaya edi dun na sya. ang sakit kaya non ang sakit.
(mama bunny awie)"matagal na bang magkaibigan si yena tsaka si lia?" tanong ko kay wonyo
"bago lang din nakilala ni yena si lia dahil kay chaeyeon unnie" banggit ni wonyo
medyo nabawasan yung inis ko ng marinig ko yun, anong nangyayari sakin? hindi ko naman gusto si yena pero bakit ganito yung nararamdaman ko.