She's Amorous

19 11 2
                                    

Kenzy's POV........

Ang boring naman dito kahit ang ingay na dahil sa nag aasaran parin sila dadyy. Bored na bored na ako. Wala akong matinong makausap! Busy mga tita ko sa pag aabyad ng matutulogan namin mamaya. Actually naka pag check in na naman kami kanina, kaso 4 rooms lang yung available kaya sila yung nag lalagay nong mga gamit namin sa mga respective rooms namin.

*Sigh*

Naka upo lang ako katabi ni kuya, yes! Kuya ang tawag ko sa kanya kahit kambal naman kami. Sabi kasi yun ni mommy. Speaking of mommy! Wala parin sila dito ni Felicity kanina pa sila umalis, pero di parin sila bumabalik.

Nacucurious tuloy ako!! >.<

"Kuya? Pwede ba natin sundan sina mommy?"
bulong ko sa kanya tapos medyo nag paawa ako nong tumingin sya sakin at sabay iniling yung ulo nya

"Daliiiiiiiiiiiiiii na kasi!"
pamimilit ko sa kanya, pero hanep to! Nag saksak lang ng earphones nya sa tainga nya. Arghhh! Nakakapikon na sya.

"Kenzy my baby, gusto mo ng itlog?"
Napalingon ako sa nag salita na yun! Bwesit na Lawrence talaga ito! Wala atang balak na tigilan ako!

"Kainin mo itlog mo mag-isa!"
Pagalit na sabi ko sa kanya at pinagpatuloy kong pilitin yung kakambal ko. Gusto ko kasi sumama kanina, pinigilan lang ako ni daddy! Asar!!

"Ang hirap naman nong pinapagawa mo Kenzy my baby. Kakainin ko itlog ko mag-isa? Mahir----
Di ko na sya pinatapos sa pag sasalita nya, ako ay naaasar na talaga kaya sinubuan ko sya ng isang buong boiled egg! Take note may egg shell pa yun!!!

"Oh! Para di kana mahirapan sa pagkain nyan! Ako na nag subo sayo!" Tapos tumalikod na ako sa kanya. Bwesit sya! Kanina pa sya! Arghhhhhhh! ANG SARAP MANAPAKKKKKKKKK!!
"WAG MONG ILULUWA YAN! SINASABI KO SAYO!!"
Tapos tumayo na ako at nag lakad lakad sa may tabi ng dagat!! Ang hangin naman dito, napalingon ako sa mga nag sisigawan sa di kalayuan sa may bandang kanan ko. (OoO) WoOooOw may bonfire sila. Tinitigan ko lang sila sa ganong angulo habang naka upo ako sa buhangin. Mayamaya pa ay utay-utay na din silang nag aalisan. Pagod na ata XD

Saan kaya nag punta sina mommy?

Dapat talaga sumama nalang ako sa kanila ihhhh

Humugot ako ng napaka lalim na hininga tapos humiga ako sa buhangin at tinitigan ang langit na napaka daming bituin at yung liwanag ng buwan ay talagang napaka lawak ng nararating..

*Sigh*

"Nakakailan ka nang ganyan ah"
Nagulat ako ng may mag salita at biglang humiga sa tabi ko (OoO) Wahhhhhhh sinetch etey? Jowk! Nilingon ko kung sino ba yun --,

"HOY! ANONG GINAGAWA MO DITO?"
Napabangon ako nong nalaman ko kung sino yung katabi ko.. bwesit na Lawrence talaga ito!

"Relax ka lang. Higa kana ulit dali. Tingnan mo na uli yung kalangitan pero sa ngayon kasama mo na ako" naka tingin parin ako sa kanya ngayon at napaka seryoso nya nong sinabi nya yun.. humiga nalang uli ako pero lumayo layo ako sa kanya ngayon ng unti.

"Bat ka andito?"
tanong ko sa kanya habang naka tingin parin sa maliwanag na kalangitan

"Kasi naisip ko lang na baka mamiss mo kagwapuhan ako" Sabi nya at halatang ngumisi pa sya non

"Kapal mo din e no? Sino makaka-miss sayo?"

"Ikaw"
agad nyang sagot sakin

"Hoy! F-Y-I di ka gwapo kaya hindi kita type at lalong lalo na hindi kita mamimiss"
dumakot ako ng kunting buhangin at tsaka yun isinaboy sa kanya

"Talaga lang huh?"
paninigurado nya, wari ko'y di nya nararamdaman yung buhangin na isinaboy ko sa kanya. Tumango lang ako bilang sagot.

"Aalis din pala si Felicity, alam mo?"
Seryoso nyang sabi, napalingon ako bigla sa kanya dahil sa sinabi nya

She's AmorousWhere stories live. Discover now