Chapter 13: The Truth

214 6 1
                                    

LEX'S POV


"Daddy... where's Mommy?"  tanong sakin ni Zander pag-uwi ko galing kanila Za.

"Ahh-umm.. Baby Ok lng ba sa'yo kung hindi muna uuwi si Mommy? May importante pa siyang gagawin eh." 

"Ohhhh... Daddy? Are you alright? Why are you eyes red?"  lumapit siya sakin at tinitigan ako ng maiigi.

"Ahhah binigay kasi ni Sasuke yung Sharingan niya sakin eh." I lied. Ayoko kasi makita siyang nag-aalala sakin. 

"Totoo?! Inggit ako! Gusto ko rin ng red eyes!!!" sigaw niya. Mali yata ung palusot ko.. -____-" 

"Daddy.. Pano na yung surprise natin kay Mommy?" 

Sh*t. Bumabalik nanaman ang mga luha ko. Bakit kasi hindi ko sinabi in the first place? Ang t*nga ko talaga... Masaya na eh.. bakit pa kailangan mapunta sa ganto?

"Daddy? Are you really ok?"

"Yes, Baby.. siguro next time na lng ung surprise natin.. "

O baka hindi na talaga mangyayari... 

*Knock Knock*

Sino naman kaya ito? Sana si Za. Oo kakapalan ko na ang mukha ko. Umaasa akong babalik siya. Umaasa akong may pag-asa pa...

Binuksan ko ang pinto. 

Nakita ko ang isang babae... 

Si Sheila.

1 month later...

ZA'S POV

"Ate.. I'm watching basketball... why can't you watch on your own room?" suway sakin si Zach

"Nasira TV ko.. eh ikaw... why can't you watch on your own room?" -____-  Bakit nasira? Buong araw ako nanood ng Naruto. As in bumili pa ako ng DVD.

"Tsss.. You're already old and stil you're watching cartoons." 

Piningot ko ung tenga niya. 

"Ikaw.. lalaki ka.. Unang- una.. 22 pa lang ako. Pangalawa.. anime ung pinapanood ko!" 

"Ok.. ok I get it.. Ouch..." sabay hawak niya sa tenga niya

Maya-maya nakikinood narin si Zach sa pinapanood ko.

"Ang gwapo talga ni Sasuke..."

"Tsss.. "

"Alam mo favorite ni Zander ung Naruto... Sabay kaming tatlong nanood nito.." bigla ko naalala ung times na sabay kaming masaya na nanonood. Tapos nagrorole play kami. Si Zander si Naruto... ako si Sakura tapos si Sasuke si... Shete naman hindi ba nauubos ung luha ko?

*Ding dong* 

"Miss Zarinah.. May naghahanap po sa inyo." sabi ng isa sa mga maids namin.

Sana si Lex.. Ang labo ko naman.. tinutulak ko palayo pero gusto ko hinahabol parin ako.. hayy buhay..

"Uhhh Hi?" 

Si Sheila.

-_____-

"What do you want?" cold treatment mode!

"Can we talk for an hour?" tanong niya

"Mahaba masyado. 1 second na lang para masaya."

"I'm not the kontrabida here."

"Maghanap ka ng kausap mo." sabi ko habang aakmang aalis na ako.

"Mandy... Zander's biological mom.. She's dead."

Napatigil ako.

"Anung gusto mo? Mag-alay ako ng flowers?"

"Look... I'm trying to fix something here. Don't you know Lex is in the hospital?"

....

...

...

Parang nahulog ang sikmura ko nang marinig ko yun. Si Lex? Nasa hospital? Paano? May sakit siya? Ano? Kelan pa? 

"See.. I bet you want to talk to me right now." sabi niya

"Sino nag-aalaga kay Zander?" naiiyak kong tanong

"Ako." 

"Zarinah.. can we talk? Yung seryoso please.."

"In my garden." sabi ko "Ate! Pakidala naman ng tea and cookies sa gazebo. Thanks!" sabi ko sa isa sa mga maids.

Pagka-upo namin agad niyang ikwinento sakin ang totoong nangyari.

---Flashback---

Si Lex ay may kambal who is Lester. Dahil magkamukhang-magkamukha sila... laging magkaiba ang school nilang dalawa. Si Lester ay isang pilyong lalaki. Mahilig siyang magloko-loko at gumawa ng pranks sa ibang tao. Naisip ni Lester na magpalit sila ni Lex ng identity. Naisip din ni Lex na magiging masaya un. At iniisip niya kung meron bang makakahalata sa gagawin nila. Pumayag si Lex sa plano ni Lester.

Sa school ni Lex, na-love at first sight si Lester sa seatmate ni Lex. Si Mandy. Si Mandy ay ang cheerleader ng batch at hindi pagkakaila ang kanyang kagandahan. Ang bestfriend niya ay si Sheila. Matagal na may gusto si Mandy kay Lex. Ngunit hindi nagkaroon ng interes si Lex sa kanya. At dahil may gusto si Lester kay Mandy... niligawan niya ito. Hindi naman siya pinigilan ni Lex. At makaraan ang tatlong buwan, naging sila. Tumagal sila ng mahigit isang taon. Kalat-na kalat na ang MVP sa basketball at ang cheerleader ay nagdedate. Cliche diba? Umamin si Lester kay Mandy na hindi talga siya si Lex. Tinanggap ito ni Mandy at mas lalong minahal ni Mandy si Lester dahil nagsabi siya ng totoo. Ang sikreto ni Lester ay nanatiling sikreto. Isang gabi, nangyari ang hindi dapat mangyari.

Nabuntis si Mandy. Nag-away ang pamilya nila Lester at Mandy. Ngunit handa si Lester panagutan ang bata. Nanatiling sikreto ang pagbubuntis ni Mandy at ang katauhan ni Lester. Lihim sila na nagpakasal sa korte at namuhay sila ng masaya na hindi kapiling ang kanilang mga pamilya. Nagtratrabaho si Lester bilang isang messenger sapagkat wala pa siyang certificate. Ngunit tinutulungan parin sila ng mga magulang ni Lester. Si Sheila naman ay ang nagbabantay kay Mandy pagkatapos niya sa eskwela. Hindi alam ni Sheila ang totoong katauhan ni Lester. Sa araw ng kapanganakan, naging araw ng trahedya ang araw na iyon. Nang malaman ni Lester na manganganak na si Mandy, agad siyang pumunta sa hospital... ngunit biglang nabangga ng truck ang kanyang sinasakyan. Habang si Mandy ay nasa delivery room, naroroon ang kaniyang pamilya. Naging matagumpay ang naging pagdedeliver sa bata.

Ang pamilya ni Mandy ay puro matataas and pride. Gusto nila walang dumi sa kanilang pangalan. Habang walng malay si Mandy, kinuha nila ang bata at itinapon kung saan man. Agad silang nakita ni Lex at sinundan niya sila. Kukunin sana ni Lex ang bata nang maunahan siya ni Za. 

Sinabi ng pamilya ni Mandy na namatay ang anak niya. Hindi matigil ang iyak ni Mandy. Agad namn siya pinakalma ni Sheila. Pagkalabas niya sa hospital, nalaman ni Mandy na na-comatose si Lester. Agad niyang pinuntahan si Lester. Nagtagal si Lester ng tatlong araw. Hindi nagtagal binawian siya ng buhay. Nawalan na ng gana si Mandy upang mabuhay. Ilang beses niya sinubuakan magpakamatay ngunit lagi siyang napipigilan ni Sheila. Hindi nagtagal, nagkasakit si Mandy dahil hindi sa kanyang depression at hindi pagkain ng maayos. At hindi nagtagal, siya ay namatay.

---End of Flashback---

Proud Mom Ako! (MP/MG Sidestory)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon