CHAPTER 1 ( ARRIANNE VILLAMOR)

22 7 0
                                    

Third Person POV

Siya si Arrianne Villamor, nagmahal, nasaktan, iniwan, pinagpalit sa malapit. 
Ilarawan natin ang ating bida. Siya ay 25 taong gulang. Isang butihing guro. 
Hindi naman sa pagbubuhat ng upuan sa ating bida. Si Arrianne ay may magandang mukha at pangangatawan na kinaiinggitan ng karamihan lalo na't makinis at namumula ang kanyang pisngi na parang pinaglihi sa blush on. At ang pinaka natatangi sa kanya ay ang kaniyang busilak na kalooban. Napaka bait at buti niya bilang anak at bilang isang tao. Kinagigiliwan siya ng mga matatanda kaya naman siya lagi ang ikinukumpara nila sa mga anak nila kung kayat maraming kasing edad niya ang mga galit sa kanya dahil pakiramdam nila eh pabida si Arriane.

Lalo pang nainggit ang mga ito dahil pag graduate niya noong college eh nanligaw ulit noon yung high school sweetheart niya na noo'y isa nang sales manager sa isang malaking kompanya sa kanilang probinsya. Sina Arrianne rin naman ay may kaya sa buhay. Mayroon silang Grocery store sa kanilang bayan at trucking business. Isa sila sa mga nakakaginhawa sa pamumuhay sa kanilang bayan. Mag-isang anak si Arrianne kaya sabik na sabik ito sa kapatid. Isa ito sa dahilan kung bakit niya piniling maging guro. Iyan ang ating bida na si Arrianne Villamor. Perpekto na sana ngunit isang pangyayari ang makakasira sa mala fairy tale niyang buhay.


A/N: Support support lang mga sisz!!! Paki vote na rin. Huehue. loveyouALL! Sana all! hahaha

GODSENTWhere stories live. Discover now