CHAPTER 1: ANG BIDA

35 1 0
                                    

“Isabella, Isabella!”

Mula sa mahimbing na pag kakatulog ko ay nagising ako dahil sa malakas na katok ng nanay ko, iignorahin ko na lang sana ang mala shot gun na katok at bunganga niya na naging routine na ata niya tuwing umaga, kumbaga eh morning exercise. Sa dalawampung taong buhay ko rito sa mundo ay nasanay na ako sa everyday shot gun sermon ng nanay ko, mula sa agahan na kakainin hanggang sa mga teledrama sa tv na carried away na carried away ang nanay.

“Nay naman! Wala pa ngang alas otso e.” Pero bumangon na rin ako para pag humirit ang nanay ko at maisipan na sugurin ako sa kwarto ay ready to fight na ako. Tinignan ko ang orasan ala-sais pa lang ng umaga, ang klase ko ay mamaya pang alas-onse.

“Mag tigil ka nga Isabella! Bumangon ka na at mag luto ng almusal, aalis na si Dorothea maya maya! Mag paplantsa pa ako ng uniform ni Matteo! Mag karoon ka naman ng silbi kahit minsan!”

Ako ang panganay na anak, pero minsan pakiramdam ko ampon ako. Hindi to pang chick-flick movie kung saan magiging “bad girl” ako at makakatagpo ako ng “Good guy” na makakapag bago ng buhay ko. Utang na loob at labas buti na lang hindi ako nahilig manood ng mga sine at ganiyan bagay dahil: Una, mahal, pangalawa, wala akong hilig at pangatlo lagot ako sa nanay ko.

Hindi rin pang MMK ang buhay ko na mala drama sa radio at kailangan basahin ni Madam Charo, jusko, hindi nga ako nahilig sa radio e. Ang nangyari ay maagang nabuntis  ang nanay ko at ako ang bunga ng mapusok nilang limang minutong pag mamahalan at nung panahon na yon ay hindi uso ang condom o ang nakakatakot na advertisements tungkol sa maagang pag bubuntis. Pinanganak ako, pinanganak si Isabella Rodriguez, at iniwan kami ng magaling ko tatay dahil sabi niya hindi pa raw siya handang maging ama, pero handa siyang ipasok ang sundalo niya sa kweba ng nanay ko. Aba diba?

Simula non ako na ata ang nag bayad ng kagaguhan ng tatay ko, pero hindi ako physically abused or psychologically abused, mahal pa rin naman ako ng nanay ko kasi kung hindi, hindi niya ako pakakainin ng higit pa sa tatlong beses o bibigyan ng pang tustos sa pag-aaral. Mahal naman niya ako yun lang malas ko dahil hawig na hawig ko raw ang tatay ko, ang tatay ko na ni latay ng mata ay hindi ko na nakita. Siguro hindi pa rin siya handang maging ama hanggang ngayon.

May kaunting swerte pa naman sa buhay ng nanay ko, nakilala niya ang asawa niya ngayon ang tatay-tatayan ko, nag karoon pa ako ng kambal na kapatid sila Dorothea at Matteo, pinagamit rin sa akin ni tatay ang apelyido niya. All is well that ends well sabi nga nila pero minsan talaga hindi pa rin maiwasan ang hagupit ng nanay ko, kahit mahal niya ako halata mo pa rin ang favoritism, eto na ata ang pamana ng magaling kong tatay sa akin ang maging taga salo ng galit ni nanay.

“Sige na Nay, huwag ka na mag harumintado diyan, mag luluto na.” Sagot ko na lang at lumabas ng kwarto, salubong pa rin ang kilay ng nanay ko at nginitian ko na lang siya panigurado mas lalong maiinis ‘to sa akin.

“Martha, huwag mo naman masyadong utusan si Bella, late na ngang nakauwi yung bata e, ako na ang mag luluto at matulog ka na uli iha.” Sabi ng butihin kong ama-amahan, nasabi ko na ba na siya ang pinakamabait na tatay sa lahat? Kahit hindi niya ako tunay na anak ay tinanggap niya ako ng lubusan. Tulad nga ng sabi ko ang buhay ko ay hindi MMK na puro luha at sakit, ang buhay ko ay parang isang textbook na pang academic purpose, kailangan pero hindi interesting.

“Huwag na tay ako na lang. Gising na ang katawang lupa ako at ready to fight na.” Pumunta ako sa kusina at nag umpisa ng kunin ang takuri at kawali.

Naramdaman ko ang pag lapit ni tatay “Pag pasensiyahan mo na yung nanay mo, mukhang wala lang sa mood ngayon.”

Nako tay, parang araw-araw naman wala sa mood yon pero siyempre hindi yon ang sinabi ko. He-he.

“Okay lang tay, sanay na ako kay nanay noh.” Naramdaman ko ang marahang pag tapik ni tatay sa balikat ko senyales na ako na lang ang mag pasensiya, ako na lang mag adjust at wala naman akong iba choice kundi um-oo.

“Ate Bella, have you seen my wallet?” Buti na lang nakatalikod ako dahil hindi makikita ni Dorothea ang eye rolling ko sa maarte niyang pag i-ingles. Hindi naman ako against sa pag-iingles kaso nakakayamot lang sa kapatid ko ay yung tono ng pag-iingles niya na halatang pilit.

“Di ko nakita wallet mo.”

“Whatever, wala naman laman yon.”

Hindi na ako sumagot maya maya pa ay ang kambal naman nito na si Matteo ang sumunod sa kusina.

“Ate, iron my clothes!” Isa pa tong kutong lupa na ‘to. Hindi ko alam kung protocol ba sa isang private school ang mag ingles, sabagay never naman ako napunta sa private school swerte lang ako ngayong college dahil scholar ako, varsity scholar to be exact dahil ang talino ko ay hindi pang henyo, swerte ko lang dahil na spotan ako ng isang scout at inalok ako ng scholarship sa St. Francis University, sino ba naman ang tatanggi di ba?

Humarap na ako sa dalawa, sa kambal na kutong lupa na half tyanak na hobby na ata ang pag tripan ako, na kung hindi kasing lawak ng Great wall of China ang pasensiya ko ay malamang sa alamang ay pwede na ako mag sulat kay Madam Charo at pag piyestahan sa twitter at facebook ang buhay ko. Ano kaya ang magandang trending?

“Sige Matty, ako mag paplantsa ng uniporme mo pero ikaw mag luto ng kakainin niyo.” Malumanay kong sabi sakanila pero ang isipan ko ay hindi malumanay gusto ko silang sakalin at batuhin sa tatarus.

Sumabat si Doro, este si Dorothea “Diba you’re the maid? Why we would do all your task?” sabay ihip sa kuko netong di naman mahaba.

Ngayon hindi ko na tinago ang pag eye rolling ko at ang inis ko. “Excuse me lang kahit mukha akong maid, ang ganda ko namang maid noh. Higit sa lahat, wala tayong maid!”

Sasabat pa sana si Dorothea nang biglang pumasok sa kusina ang tatay “Dorothea! Matteo! Anong maid, maid ang sinasabi niyo diyan? Ate niyo yan hindi katulong!”

I love you talaga tatay.

Noong bata pa ang dalawang kutong lupa na ‘to, nung cute pa sila at masarap laruin ay close na close kami. Yun nga lang lumaki sila na nakikita kung paano ako utusan at pagalitan ni nanay kaya siguro napapagkamalan nila akong katulong imbes na ate at kailanman hindi sila tinama ng nanay.

Si tatay lagi ang nag tatanggol sa akin, si tatay ang laging sumasalo at kumakampi sa akin pag napag tripan nanaman ako ni nanay. Siguro nga ang buhay ko ay hindi pang MMK na mala Dear Charo, ako ay pinag titripan ng kambal kong kapatid at tunay kong nanay. Ang buhay ko siguro ay mala Cinderella, except nga lang na may kapatid akong lalaki at hindi ako ulila sa ama. Ay jusko! Tama na nga ang ilusyon!

Pero eto na ang main event, ang climax sa mga kwento dahil pumasok ang nanay ko sa kusina

“Ano ba naman to Isabella?! Araw-araw na lang ba ganito? Ikaw naman Ramir! Kinokosinte mo tong si Isabella! Umalis ka na nga diyan at mag plantsa ng uniporme ni Matteo, ako na lang mag luluto! Kay simpleng bagay hindi magawa!”

Hindi ako psychologically o physically abused, emotionally abused lang pero habang lumalaki ako natuto ako mag cope up sa kadramahan ng nanay ko, sa drama ng buhay na ‘to. Minsan gusto kumawala, gusto ko mag sarili pero minsan din naman ay naisip ko ano naman mapapala ko pag nag layas ako? Eh hindi pa nga ako graduate. Kaya ang pangarap na mag sarili ay ibubuntong hininga ko na lang at ipipikit, pupunta na lang ako sa magandang panaginip.

Ang buhay ko ay parang textbook, kailangan pero hindi interesting. Pakshit na life.

CLASHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon