CHAPTER 2: ANG ROXTON AY HINDI BRAND NG CLOROX, ETO AY PANGALAN.

23 0 0
                                    

Hindi ako palaiyak pero ang katawan ko palaiyak sa pawis, kaya eto naka tatlong towel na ako hindi pa rin natigil sa pag patak ng pawis, tapos na ang training naming para sa inter-collegiate qualifying match at puno ang lahat ng shower room, no choice kundi ang mag pahid ng pawis bago sumabak sa langit na shower room.

“Bells, hanap ka ni Sir Mauro.” Sabi sa akin ng ka teammate ko na si Charee, tulad ko ay hindi rin to naka swerte sa shower room, lintek na school to walang budget pang upgrade! Mahal ng binabayad ng mga estudyante nila tapos ganito? Exempted ako dahil scholar ako at walang binabayaran. Ha-ha.

“Bakit daw Chang?”

Kumibit balikat lang ito pag katapos ay pumunta sa locker nito. Mukhang sa pasko pa ako makakaligo, kaya nag hilamos na lang ako at nag palit ng damit at nag ayos ng kaunti sa bahay na lang ako maliligo.

Nang makapag ayos na ay agad kong pinuntahan si Sir Mauro. Si Sir Mauro ang dean ng college namin, may ipapagawa nanaman ito sa akin na hindi ko magugustuhan. Sa school na ito, pag scholar ka kailangan mabait ka, kailangan wala kang reklamo tutal pinag-aaral ka naman nila ng libre pero minsan kasi sobra na.

Narating ko naman ang dean’s office, yumakap sa katawan ko ang preskong lamig hatid ng air conditioner sa opisina. Nakita ko ang dalawang secretary na chumichismis sa isang cubicle mukhang may kausap si Sir Mauro.

“Grabe Mars, ka poging bata!”

“Oo nga, kung bagets lang sana ako sinunggaban ko na yang batang yan.”

Pinigil ko ang matawa kasi ayokong matawa, kawalang galang yon at tulad nga ng sinabi ko dapat sa school na to mabait ka. Tumikhim ako para makuha ang atensyon nila.

“Ay, Isabella andiyan ka na pala. Saglit lang, may kausap pa kasi si Sir Mauro.”

“Gwapong kausap” sabat ng isa.

Naki tsismis na rin ako “Eh, sino po ba yong pinag kakaguluhan niyo?”

Halatang halata sa isang sekretarya ang kilig dahil halos mapangiwi ito na tila pinipigil lang tumili “Roxton iha,”

“Roxton? Di ba pang damit yon? Pang tanggal ng makapit na mantsa at pwedeng pang hugas ng masebong kaserola?”

“Luka! Clorox yon! Zonrox naman ata tinutukoy mo. Roxton! Roxton Samaniego.”

Roxton Samaniego? Roxton? Ano kaya ang naisipan ng magulang nito na pangalanan ng Roxton? Na sa unang rinig mo ay maiisip mo ay sabong panlaba? Naisip kaya nila na i-associate ang pangalan nito sa sabong panlaba para madaling matandaan kapag minalas at mag karoon ng amnesia? Para maging ‘anak, ang pangalan mo ay Roxton? Isipin mo ang Clorox, ring a bell?’

Jusmiyo.

Hihirit pa naman sana sila nang lumabas na sa cubicle si Sir Mauro at kasama ang pinag kakaguluhan na si Roxton.

Magiging mantra ko na ata na ang ROXTON ay pangalan ng tao hindi ito brand ng Clorox. Pasimple kong tinignan si Roxton, swak! Bagay ngang i-associate ang pangalan nito sa Clorox, dahil ang itsura nito ay swak, swak sa mantsa, swak sa sebo at swak sa bulsa. Maputi ito at makinis halatang anak mayaman, ang mata nito ay brown na brown kitang kita ang pag didilate ng pupils nito pag nag kataon. Matangkad din ito, maganda ang pangangatawan halatang alaga sa gym pero hindi yung tipong mukhang bouncer sa bar. Ang ayos ng buhok nito ay bagay rin sa gwapong mukha nito, naka wave hindi korny hindi nakakaumay. Swak!

“Isabella, glad you are here. I wanted you to meet Roxton Samaniego.”

Minsan sa mga ganitong eksena naiisip ko yung mga sikat na movies na laging chismaks ng mga kaklase ko, yung mga plot na “pinakilala sila ni ganito ganiyan, tapos ganito yung nangyari tapos nag ka inlaban sila the end.” Pero movies yon, real life to.

Nilahad ko ang aking kamay upang mag pakilala rito. “Hello, my name is Isabella Rodriguez, it is good to meet you.”

Kung sa movies may hero na mabait sa real life naman may assholes na nag eexist na hindi ko alam saan at paano sila nag papalahi, tulad netong nasa harap ko na ang tinignan lang ako at ang kamay ko.

“You looked like you’ve just got out of marathon or something, have you heard the word shower?”

Agad ko naman binawi ang kamay ko, ang tolerance ko sa mga ganitong uri ng tao ay kasing lawak ng tolerance ko sa kambal kong kapatid. Sanay na ako sa mga ganito. Pero nakakapuno

“I cannot believe you present yourself that way, how horrible and awful.” Dagdag pa nito.

Ha. Papatalo ba ako? Kinuha ko ang kanang kamay nito at nakipag kamay at nang aasar na sinabi “Oh thank goodness we are on the same page, now sir why don’t you stop being an asshole for a while?”

Natigilan ito sa sinabi ko at naging awkward ang paligid mas lalo pang naki chismis ang dalawang sekretarya.

At nakita ko ang pinaka nakakakilabot sa lahat, mas nakakakilabot pa sa urban legends at banyo myths sa bawat paaralan. Ang ngiti ni Roxton, ang ngiti na sumisimbolo ng “Game on.”

Ang ngiti na maaring dala ay panganib na maari kong ikapahamak pero kung nakaya ko nga ang ratrat ng nanay ko sa loob ng dalawampung taon eto pa kaya?

Kaya ngumiti rin ako bilang sagot sa GAME ON nito. 

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 25, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

CLASHTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon