Pagbukas palang ng pinto nila crista ay bumungad agad si kyla at seola. kasama si taeyong at jaehyun na parehong may bangas ang muka.
"jusko, sino yang mga yan bat may sugat!?" patili na si crista pero tinakpan ko nalang bibig nya.
"hindi namin alam na ang dami palang lasinggero dito sa lugar nyo. dapat sinundo nyo na kami sa kanto pa lang. papasukin nyo kami" inis na sabad ni kyla
"ay wow sorry naman. hindi ko naman alam na pupunta kayo. kala ko naman iniindyan nyo kami" sagot naman ni crista habang papasok kami ng bahay.
Tinignan ko ng masama ang si jaehyun. hindi sya ngayon makatingin ng maayos saakin dahil sa mga sugat nya sa muka.
"sinong may sabing makipag basag ulo kayong dalawa ha!? taeyong? jaehyun?"
nakaupo silang dalawa sa sofa habang si kyla naman ay nag hahanap ng gamot para sa mga sugat nila
"sorry" mahinang sambit nito.
"ano? sorry? taeyong ikaw, bakit mo kasama tong si jaehyun?"
"ah. kasama ko sya kanina pa kaso nag chat si kyla kaya kumaripas na kami ng takbo papunta dito"
napatingin ako kay jaehyun ng hawakan nya ang kamay ko.
"Anong problema mo?"
nakayuko sya habang hawak hawak ang kamay ko. naririnig ko din ang mga pigil na tawa ni taeyong.
hindi pa din sila nag babago
"kasi naman seola. kung pupunta kayo sa lugar na to mag pasama ka sakin o kay lucas. alam mo namang delikado dito oh tignan mo kung hindi pa kami agad nakapunta malamang iba na ginagawa sa inyo nung mga yon"
"so dapat talaga bugbugin nyo silang apat!? god yoonoh, taeyong may muntikan ng mamatay sa pambubugbog nyo kanina"
"dapat lang sa kanila yon" abas ni taeyong
"walang dapat mambastos sayo seola."
"mabuti nalang at nasa inyo naka kampi ang ibang mga nakatira dito kung hindi nasa kulungan na kayo"
"eh sabi naman ng mga kapitbahay makakabulabog sila. kaya dapat lang daw yong mangyari sa kanila diba hyung?"
tumangi tangi naman ang tanga.
napa face palm nalang ako sa sobrang inis.
"piste ka crista ni bulak wala kayo!? walangya ka" sigaw ni kyla mula sa taas.
hindi na din napigilan ni taeyong ang mga tawa nya at tumawa na ng tumawa.
"Sorry, para kasi kayong boyfriend kung mag away. hahahaha" hinampas hampas ni taeyong si jaehyun at agad din naman itong gumanti
"bakit kami naman talaga ah--ah aray ko"
Napatigil sila sa ginagawa nila ng biglang bumukas ang pintuan. niluwa noon si Ara at Ariza
Sasalubungin ko sana sila pero may isa pang pumasok sa eksena
"Ashtel"
BINABASA MO ANG
stay | j.jaehyun ✓
Fanfiction"to the one whom i love the most" ✓ᴄᴏᴍᴘʟᴇᴛᴇᴅ #1 nct127, haha tf