My Crazy Heart

81 1 0
  • Dedicated kay Bianca Antonio
                                    

Foreword:

Just because something isn't happening for you right now doesn't mean that it will never happen.

Nakakainis kasi kahit na anong gawin ko hindi ko mapaamin yung sarili ko na may gusto ako sa kaibigan ko. Nakakainis kasi ang daming lumalapit sa kanya. Maraming gustong makipagkilala sa kanya. Nagseselos ako pero wala naman akong karapatan. Nababaliw na siguro ako. Hindi sa nalilito ako kaso kapag umamin ako, natatakot ako na baka mabalewala yung pagka-kaibigan namin. Baka mailang sya sakin. Natatakot akong layuan nya ako. Ano bang dapat kong gawin? itatago ko na lang siguro kasi MUKHANG WALANG PAG-ASA!

Bianca's POV

"knock knock!" sabi ko sa kanilang dalawa

"uhmmm gawa ka munang pinto" sabi ni Kenji.

"Basta! Knock knock!" tinignan ko sya ng masama.

"O sige na nga! Who's there?" sabi naman ni Joji.

"Fire woman"

"fire woman who?" Joji.

"Kamukha mo si... Fire Woman. nong tayo'y bata pa...~ (gets? Corny no?)" Ahahaha. Ang boring kasi ehh. Walang magawa sa school.

"tatawa na ba kami?" sabi Kenji. Kahit kelan talaga to eh! Panira ng trip.

"Last na talaga to!"

"sige na nga! pero LAST MO NA TALAGA YAN AHH!" sabay pa nilang sabi at nag apir pa sila. Ah ganun? sakin parin ang huling halakhak!

"Knock knock mga pogi!"

"who's there?"

"Ako MABA"

"AKO MABA WHO!" Ang bilis nilang sumagot then nagkatinginan silang dalawa. Ang lakas pa naman ng pagkakasabi nila.

"AHAHAHA! You are what? Maba Who?" pang-iinis ko sa kanila.

"Ang Lakas kasi ng boses mo ehh! dapat hininaan mo para onti lang nakarinig" siniko ni Kenji si Joji.

"anong ako? Ikaw nga yun ehh. nangunguna ka pa nga ehh" siniko rin nya si Kenji. AHahahahaha! anong sabi ko? Nasa akin parin ang huling halakhak at tama ako! ahahahaha!

Oo nga pala hindi pa pala ako nagpapakilala. I'm Bianca Antonio and I'm studying college na. ehehehe. ano pa ba sasabihin ko? friends? Wala masyado eh siguro bilang lang as daliri pero meron akong super duper close as in simula bata bff na kami. Si Joji at si Kenji. si K tsaka si J, pagpinagsama... yun silang parehas, KJ. Kapag may trip ako ayan sila mga KJ pero thankful ako kasi lagi nila akong pinoprotektahan, only child lang kasi ako eh. One time nga na may nabalitaan silang nanligaw sakin ay binantaan nila kaya ayun iwas yung ibang lalaki sakin, konti lang naglalakas loob. Okay lang naman na walang dumiskarte eh kasi wala pa sa isip ko yun tsaka gusto ko muna tapusin yung pagiging engineer ko no.

"ano? hindi pa ba tayo uuwi?" tanong ni Kenji.

"oo nga! boring naman dito eh" Joji

"bakit ba kayo nagmamadali eh ang aga aga pa naman. Wala rin naman akong gagawin pagdating sa bahay kundi mag computer o kaya i-text kayo. sayang lang sa load eh pwede naman akong makipag usap senyong dalawa!" yan na naman sya sa pagkaKJ. syempre nagsa-sight seeing pa ako, baka may gwapo. ehehehe. naghahanap pa ako eh sa harap ko, may dalawang parang artista na nag-aaya saking umuwi.

HEARTSTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon