His Jealous Heart
A/N:part 2! trip ko gawan ehh.. I need some comments para mapaganda ko pa yung mga susunod, yun ay kung may susunod pa! ahahaha! sige na nga! tama na nga ng mabasa na! WAIT~ ANG ORAS NGAYON?.... 5:14 am... ganito na talaga pag walang pasok!
ps: antagal ko ng nigawa to pero ngaun ko lang ipa publish
<--UnknownNgOVRLDS-->
Bianca's POV
Minsan badtrip magmahal.. iwasan mo, kaw din masasaktan, sundan mo kaw din yung iiyak, bigay mo lahat pero kulang parin.. magpakatanga ka na.. gagag*hin ka pa. Minsan hintay ka ng hintay, hindi mo alam iniwan ka na pala.
Sinabihan ko na kasi 'tong si Jhen ehh. Ngayon umiiyak kasi iniwan ng boyfriend nya. Buti na lang kami ni Baboy, okay naman kahit na selosa ako tapos sya possesive naman. Ahahaha!
"sayang yung luha mo. Isang walang kwenta yung iniiyakan mo." sabi ko habang hinihimas yung likod nya.
"Dapat pala naniwala na ako sayo nun. Kasi ang bait nya sakin sobra, sabi nya hindi nya daw ako iiwan ehh. *huk*" ayan sininok na kanina pa kasi umiiyak ehh.
"oh eto tubig." tinignan ko kung sino. Classmate namin si Jonas. Himala? namansin, snabero kasi yan ehh.
Inabot ko naman kay Jhen yung tubig.
"thank you." Jhen
"Tama na kasi iyak ehh! papabugbog ko ba kay Joji at Kenji?" sabi ko.
"Wag na, Ako na gugulpi dun." sabi nya. Ayan buti naman mukhang okay na sya.
"gwapo nga yung ex mo, manloloko naman" sabi ko.
"bakit ikaw? gwapo din naman bf mo bakit hindi manloloko?" Jhen
"kasi alam nyang ilalampaso ko sa daan yung mga lalandiin nya!" panloloko ko sa kanya.
"Wag ka ng iyak ahh. Mahal gatas." Ako.
"heh! hindi na nga ehh!" Jhen
"mabuti. Mahal kasi gatas. Sabaw lang ng sinaing meron tayo!" ngumiti din sya. Salamat naman.