---**YE XIN POV**
:Teka, nasaan ako?
Ang paligid ko ay puno ng mga lumang gusali at malalaking palasyo na tila naglalaman ng mga alaala mula sa nakaraan. Ang mga tao sa paligid ay nakasuot ng mga makukulay na damit at may nakapalibot na kabighanian sa bawat kanto ng lugar.
Habang naglalakad ako sa madilim na pasilyo, nakita ko siya - isang matangkad na lalaki, ngunit bakit hindi ko makita ng malinaw ang kaniyang mga mukha? nakasuot ng mahahabang damit na kulay itim at ginto. Ang kanyang buhok ay mahaba, umaabot hanggang sa likod, at ito'y mahigpit na nakatali sa isang tradisyunal na estilo. Tinitigan ko siya, at naramdaman ko na may kakaibang koneksyon sa kanya. Hindi ko maipaliwanag, ngunit parang may nararamdaman akong pamilyar sa kanya.
Habang lumapit siya, tumingin siya sa aking mga mata na puno ng kalungkutan, at sa hindi ko inaasahang sandali, lumapit siya sa harapan ko. Ang kanyang mga mata ay namumugto sa luha, at bago ko pa man magawa ang anumang bagay, niyakap niya ako nang mahigpit.
"Yexin..." ang sabi niya, ang boses niya ay puno ng sakit at pighati. Humikbi siya at hindi mapigilang magluha.
Ang lahat ng nararamdaman ko ay parang bumangon mula sa isang napakatagal na panahon. May isang hindi maipaliwanag na koneksyon na nag-uugnay sa amin, ngunit wala akong sapat na alam upang maintindihan ito.
Bakit siya umiiyak? Bakit ganoon na lamang ang sakit na nararamdaman ko? Ang kanyang tinig, ang kanyang mukha... May mga piraso ng alaala na dahan-dahan ko nang nararamdaman, ngunit hindi ko maintindihan.
Habang ang lalaki ay patuloy na umiiyak sa aking mga braso, may mga pangyayari na nagsimulang pumunta sa aking isipan. Mga imaheng magkasama kaming naglalakad sa isang kagubatan, mga larawang puno ng kaligayahan at kasiyahan. Pero hindi ko pa ito maipaliwanag,
hindi ko pa matukoy kung bakit ako naroroon at kung anong kahulugan ng lahat ng ito. Sino siya? Bakit ako tinatawag niyang "Yexin"?
---
**(Pak! Buhusan ng malamig na tubig)**
"Shit! Ang lamig!" Bigla akong nagising mula sa isang malalim na panaginip.
Basang-basa ako ng malamig na tubig, at muling bumalik ang aking katawan sa realidad.
"Kuya!" sigaw ko habang hawak ko ang aking ulo.
"Tama na 'yan, baka nakakalimutan mong may pasok ka pa!" ang sigaw ni Kuya, sabay hatak sa akin papuntang kusina.
"Tumingin ako sa oras. Hala, oo nga!" sabi ko, naguguluhan, "Pero ba't kailangan mong gawin 'to sa akin?!"
"Anong oras na kaya? May pasok ka pa pero sarap na sarap ka pa sa panaginip mo!"
"Kuya, kasi may napanaginipan ako–"
Hindi ko na natuloy ang sasabihin ko dahil bigla akong hinila pababa ng hagdan.
"Ahhhhhh! Kuyaaaa! Wahhh, nangigigil ako sayo!"
"Mama, anong nangyari sa'yo, anak?" tanong ni Mama.
"Si Kuya po, hinulog ako sa hagdan. Huhuh!" sagot ko habang umiiyak.
"Anong oras na kaya? Di ka pa rin tumatayo?" Mapangasar na sabi ni kuya.
"Edi waw, ba't kailangan mong gawin yon?" tanong ko, naguguluhan.
"Tama na 'yan! Kumain na kayo," sagot ni Mama, sabay tapik sa aking likod.
"Mama," sambit ko ng mahinahon.

YOU ARE READING
When Badboys Accidentally Inlove With A Good Girl
FanfictionYe Xin had always believed in fate, but after years of separation, she never expected to meet him again. Walking into her new university, she carried the weight of forgotten memories, wondering if the love she once shared with a mysterious man would...