Dedicated saü Mushy^-^
isa sa mga friend ko dito sa mundo ng wattpad:))
Sana ma-enjoy mo story ko :))
Sana kayu din ^_<
====+====+====+====+====+====+====+====+
#Chapter 1#
"Excuse me, excuse me!" Halos makabunggo ko na ang mga taong nakakasalubong ko dito sa hallway.
Sa wakas nagkamalay na sya. Kung tutuusin halos tatlong araw na din syang walang malay. Sobra akong nag alala kaya di ako nag atubili na puntahan sya agad-agad ng malaman ko ang magandang balitang gising na sya.
Halos hindi na ko makahinga ng marating ko ang kanyang kwarto Napayuko nalang ako at napahawak sa mga tuhod ko habang hinahabol ang hininga.
Tinakbo ko lang naman mula school hanggang dito sa hospital, ilang kilometro din yun ha. Sobrang traffic din kasi kaya naisipan kong takbuhin nalang.
Ganon ako ka excited na makita sya...
makausap...
at
makakulitan.
"Lex?"
Napatunghay ako sa taong tumawag sakin...
[pause]
By the way I'm Alexis Sammie Ocampo and I prefer to call me Lex. At ako lang naman ang bida sa storyang 'to. ^3^
###scratch###
Wait...
Ako nga ba?? o.O
Hmmp!
Fine! Whatever!Isa lang pala ako sa mga bida dito  ̄3 ̄
Sophomore sa isang University.
Taking up BS Tourism at....
at wala ng masyadong interesting sakin kaya i-continue na natin.
[play]
Nang marinig ko ang tawag nya, mangiyak-ngiyak akong nagtatakbo sa kama nya at agad syang niyakap.
"Ate Miiiiiich!"
[pause ulet] ^_^v
Meet ate Mich, my beautiful loving sister. Her real name is Michelle Grace Ocampo and I was the one who gave her nickname Mich. She was hit by a car 3 days ago.
[play again]
"Ate Mich *sniff* i miss you *sniff.sniff* (hinaplos nya ang likuran ko) Stupid talaga ng mga Dr. *sniff* Sabihin ba namang nasa coma ka at di nya alam kung kelan ka gigising. Such a dorky! Tinawag pa silang Doctor! Tusukin ko mala-buteteng tiyan ng doctor mo ea"
"Ahahah! Sira ka talaga Lex, wag mo na nga sisihin Dr. ko. Tignan mo nga oh, gising na 'ko at nakakausap mo" Sabay pisil nya sa magkabilang pisngi ko
"Aray ateeee! (Inalis ko ang kamay nya sa pisngi ko) Ah basta! Hate ko talaga mga doctor. Scary na liar pa!"
Nakita kong tumatawa si ate. Sarap lang ulit mapakinggan ang mga tawa nya. Yan ang isa sa mga na-miss ko sa kanya.
"Ano ka ba Lex, para ka namang bata. Hanggang ngayon ba naman ganyan pa rin tingin mo sa mga doctor? Teen-ager ka na noh baka nakakalimutan mo"
"Ehem"
Napatingin kami pareho ni ate sa lalaking tumighim. Ngayon ko lang napansin, may ibang tao pa pala bukod sa amin dito sa loob.
BINABASA MO ANG
One of a Kind Doctor
Teen FictionI hate doctors... I really do. But when I met him, there's something that inculcate my mind to change my perception on them. All I can say, he is rare, a one of a kind Doctor who invade my life and filled my heart with love.