Ako:
You did it! Congrats, Raph! I am so proud!
I texted my bestfriend that same night because I couldn't get a hold of her after the competition. We also can't celebrate together kasi may nakalaan ng special dinner sa kung sino mang mananalo kasama ang mga bigating bisita sa kompetisyon at iyong ibang mga candidates. Pagkatapos din kasing i-announce kung sino ang nanalo ay unti-unting lumalabas na ang mga tao sa civic center, kaya naging mahirap sa akin ang magmadaling lumusot para sana mapuntahan si Raphela sa backstage.
Raphela:
Akalain mo iyon? Beauty queen na bestfriend mo! I'll see you tomorrow. Thanks for believing in me always. Nakakasuka to pero, i love you.
I chuckled and I sent my short reply right away. Nang umuwi na kami ng mga classmates ko ay naki-hitch na muna ako sa sasakyan nila Ara. Same subdivision lang naman kami sa uptown so I might as well use the opportunity. At hindi rin naman ako nahihiya sa kanya kasi nga magkasama kami sa Council.
"Mga after lunch na pala ako makakapunta bukas," biglang sabi sa akin ni Ara habang nasa loob kami ng sasakyan nila.
"It's fine. Marami namang naka-duty bukas." I replied.
"May appointment kasi ako bukas dahil kukuha ulit ako ng passport. Alam mo namang nawala ko 'yun last month, e." she slightly chuckled.
Right. She was mugged last month somewhere in Divisoria. All her personal belongings were gone so she's back to square one, which is very hassle.
I bid my goodbye to Ara when we finally arrived in front of our house. Pagkabukas ng guard namin sa gate ay binati ko muna siya bago ako tuloyang pumasok sa bahay.
My parents are already asleep when I went to their room. It was a good thing to see that my father is home before midnight and my mother is sleeping peacefully. I guess, I can also sleep peacefully tonight.
The next day, nataranta ako nang makitang malapit ng mag alas dose. I woke up very late unexpectedly. Then I realized...nakalimutan ko pa lang mag-alarm. Napahilamos ako sa aking mukha at inabot kaagad ang phone ko na nasa side table. When I opened my phone, I got quite a lot of notifications. Pero mas inuna kong binuksan ang text message ni Sir Eron sa akin.
Sir Eron:
Where are you, Lavienne? We're preparing for the Music Festival later.
Sir Eron:
Are you sick or what? If yes, then atleast inform me so I can also inform the officers.
Hindi lang text messages ang natanggap ko galing kay Sir, kung 'di ilang missed calls din. Inuna ko muna ang pag-reply kay Sir bago tuloyang mag-prepare para makaalis na ako.
Ako:
I'm sorry, Sir. I will be there immediately. Diyan na ako magpapaliwanag.
I did everything so fastly. Sa pagmamadali ko ay iyong unang nakita kong mga damit na lang ang naisuot ko. A baby blue fitted button-down crop top and a plaid mini skirt, then I partnered it with my Rhyton Gucci leather sneakers.
Nagpahatid na agad ako sa aming driver, buti na lang at available na siya kasi maagang umalis sina Mama't Papa. Dumaan na muna kami ng drive-thru para makakain ako kasi sa sobra ko ngang pagmamadali kanina ay feeling ko wala na akong time para kumain.
I was half-running when I finally arrived at the University. May ilan akong kakilala na nakasalubong pero tanging pagkaway na lang ang ginawa ko. I have no time for small talks for now.
Naabutan ko sa tent ang mga kasamahan ko sa Council habang kausap nila si Sir Eron. Bahagya pa akong inihingal nang lumingon silang lahat sa akin.
"Sir, pasensya na. Nakalimutan kong mag-alarm kaya natagalan akong gumising. Late na rin kasi ako nakauwi at nakatulog kagabi." I explained.
BINABASA MO ANG
Baptism of Fire
RomanceA first experience of something, something difficult and frightening... written in tagalog-english