CHAPTER 5- ALIBI

3.1K 114 2
                                    

Saglit na natigil ang pagbabasa ko nang nagdadabog na pumasok si Kenshane at umupo sa harap ko.

"Nakakainis," rinig kong sabi nito.

"Anong problema mo bukod sa pagmumukha mo?" pabirong usisa ko naman.

Nakanguso lang ito habang nagsalpukan ang mga kilay. Mukhang maling pinansin ko pa ito.

Sa kamalas-malasan ay ako lang ang masusumbungan nito ng kaniyang hinain ngayon dahil may session sina Gab. Wala nga pala talaga itong best friend. Kung sino ang available sa amin, iyon ang magiging sumbungan niya.

Si Marci naman, nandito nga pero tutok din sa libro kaya walang sino man ang pwedeng mang-abala dahil baka mahampas niya nang wala sa oras.

Tsk.

"Sarap niyang upakan, zsss. Ang landi talaga. At ito namang si Faller, ang bulag. Mas maganda naman ako sa babaeng iyon, ah? Bakit hindi na lang ako? Geez, bakit hindi na lang ako?"

"Kenshane?" untag ko sa rito.

"Ano!" mataray pang asik nito.

"Slow down, baby girl. Maraming nakikinig sa bunganga mo," paalala ko pa. Baka mamaya ay may magsumbong pa kay Eliza na nilalait-lait niya ito. "Haduf ka. Ikaw pa nagtataray diyan, eh ikaw na nga itong nang-iistorbo! Can't you see? Nag-aaral ako."

"Eh di mag-aral ka nang mag-aral hanggang sa manuyo ang brain cells mo. Nag-aaksaya ka lang ng oras," pambabara nito sa akin .

"Excuse me? Learning is a continuous process. Paano na lang ang knowledge na ibabahagi natin sa mga kabataan na pag-asa ng bayan sabi nga ni Rizal?"

"Sus! Ang daming kaartehan. Isa pa 'yang Rizal na 'yan. Bayani raw? Bakit hindi niya nailigtas ang sarili niya, ha? Tangang bayani pa nga."

Nagkatitigan pa kami sabay napahagalpak ng tawa. Ito rin ang nakakatuwang ugali ng pinsan ko kapag badtrip, maraming nadadamay kahit mga santo.

"Haduf ka! Mag-sorry ka kaya, 'di hamak na mas matalino iyon sa atin," saway ko pa.

"Sorry pero opinyon ko 'yon kaya totoo naman. Walang mali sa opinyon."

"Paano ngang ililigtas ang sarili eh nakatalikod nga, 'di ba? Ikaw kayang barilin nang nakatalikod, tingnan natin kung makakapalag ka pa," bwelta ko naman.

Bakit nga biglang si Rizal ang naging subject namin? Tsk. Ang random talaga ng usapan kapag itong babaitang ito ang kausap ko.

"Ha? Nakatalikod ba si Rizal no'n? Talaga ba?" parang naguguluhan niya pang tanong sa akin. Saglit naman akong nag-isip.

"Eh? Bakit? Hindi ba?" Mas naguluhan pa yata ako.

"Parang hindi eh, nakatihaya yata."

"Gags! Nang nabaril na siya, baka pa."

"Oo nga, ano ba sinabi ko, nang buhay pa siya?"

"Ha? Eh? Iyon yata ang sinabi mo, eh."

"Hala ka! Wala akong sinabi, Neng."

"Bakit may sinabi ba akong may sinasabi ka?" Inihampas ko sa kaniya ang libro na PD na nasa tabi ko lang din. Manipis lang naman ito at mahina lang din ang panghahampas ko.

"Aray! Lahat na lang kayo, sinasaktan ako. Makaalis na nga."

Sakto ring pumasok si Faller at Eliza. Kaya naman pala nagmamaktol na naman ang haduf na Kenshane.

One day, Faller, mare-realize mo rin kung sino ang binabalewala mo, mark my words.

Masyadong clingy si Shane sa taong nagugustuhan niya pero kapag nagsawa na siya, 'yong naisagad na ang pasensiya niya, baka ni siring ng tingin ay hindi niya na maibigay sa isang tao. Gano'n ang personality ng pinsan kong babaita.

Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon