Dahil sa nangyari kagabi ay halos lahat kami ay walang maayos na tulog. Hindi naman inaasahang gano'n ang mangyayari sa magkapatid.They're just junior agents, and their mission got a bit messed up. Right now, Knacks is still being watched, and unfortunately, Fretzel is in a bad way.
We're all feeling down about what went down. That whole thing was seriously heartbreaking. The whole lab crew pitched in to help the girl. Hopefully, they figure something out soon to get Zel and Knacks back on track.
I kind of feel like a useless heiress, relying on the agents. Even though my brother's the big boss, we still share the load equally.
Dahil okupado masyado ang isipan ko ay hindi ko na namalayan ang oras. Tila ba napakabilis.
Parang kakapasok pa lang namin tapos lunch time agad. Nagsabay-sabay na kaming pumunta sa canteen. Walang mga imikan dahil na rin siguro sa nangyayari sa camp namin. Gano'n kami. Problema ng isa ay problema na ng lahat.
"Parang nabagsakan tayo ng mga planeta, ah? Sa pagkakaalam ko ay nasa RAO ang mga planet, bakit parang nasa atin na?" pabiro pang sambit ni Gab pero wala ni isa sa amin ang nakisakay.
She's referring to the names of the new generation in the RAO, our sister agency. They're named after planets. Well, aside from XJ, Calla, and Summer, I've only met Earthe and Marce, the identical twins.
"Imik-imik din naman kayo. Bahala kayo diyan, mapapanis ang laway ninyo," patutsada na naman nito.
"Tayo na nga ang um-order ng pagkain," sabi ni Crystal sabay hila kay Gab.
Nakita kong pumasok sina Jelo at Rheanne kaya naman awtomatiko na pumasok sa isipan ko si Dailann.
Nasaan na kaya ang isang iyon? Hindi ako nakapag-reply sa kaniya kagabi. Hindi ko rin siya nakita kanina sa flag raising ceremony.
"Kanina ko pa talaga napapansin ang katahimikan sa grupo niyo, ha? Ano bang ganap? Para kayong namatayan," pamamarangka pa sa amin ni Sir Deni na napadaan sa mesa namin.
Nasamid pa si Kenshane na umiinom pala ng tubig.
"Stress lang kami pare-pareho, Sir Den," sagot ni Marci.
Nang makabalik na sina Gab ay may dala na silang pagkain. Tumulong na rin si Jinro at Faller sa pagdadala ng mga iyon sa table namin.
Kinuha ko ang phone ko at sinuri kung may text ba galing kay Stranger pero wala naman. Puntahan ko na lang mamaya sa office.
Napadapo ang tingin ko sa table nina Rheanne at tumama iyon sa kay Jelo na nakatingin din pala sa akin. Nginitian ko siya kaya parang napilitan na rin naman siya na ngitian ako.
At dahil pare-pareho kaming wala sa hulog at ganang kumain ay mabilis kaming natapos.
Nagpatiuna na ako sa kanila at dumiretso sa office ng chairman. Nadismaya ako dahil sa nakita kong nakapaskil. Restricted area na naman, ibig sabihin ay wala siya rito. Nakasapo sa noo na bumalik na lang ako ng RR.
Saan naman siya nagpunta? Alam kaya ni Kuya Ash kung nasaan siya?
Nakasimangot lang ako na pumasok ng RR at inabala ang sarili sa mga paperwork. Dalawa lang din ang session ko sa hapon kaya mabilis lang na natapos iyon.
"Let's go! Uwian na sa wakas!" anunsiyo ni Jeannie na mukhang nasa mood na ulit.
"Tara na," yaya sa akin ni Marci.
"Sige na. Sunod lang ako," sagot ko at mabagal ang mga kilos na niligpit ang aking mga gamit.
Nauna na nga sila sa akin. Ang rinig ko rin kasi ay may mission din sina Marci at Gab ngayon at balak kong tumulong.
BINABASA MO ANG
Wild Night With My Stranger (Guieco Clan Series 1)
ActionKenya Guieco, a high school teacher and Prime Agent of the Guieco Clan, faces a heartbreak when her long-term partner ends their relationship. However, one night, she meets a stranger and shares a passionate encounter. Despite thinking it was just...