New Job
I wasn't sleeping for days(not literally). There's something inside me that's keeping me awake. I don't know. Maybe sadness? Pain? Anxiety? Overthinking?
I don't know what is it but I know exactly who caused me this.
My ex boyfriend, Rime Louverd. Ilang linggo na din ang nakalipas mula nang maghiwalay kami pero binabagabag pa din ako mula ngayon nang pagkawala nya.
Sinaktan nya ako. Dinurog nya ang buong pagkatao ko. Sinira nya ang natitirang pag-asa sa puso ko.
At ang masakit pa doon, wala syang dahilan.
Bigla bigla nya na lang akong iniwan ng walang sinasabing dahilan. Unfair isn't it? Wala naman akong naaalalang nag-away kami. Masaya naman kami. Masaya kami... masaya ako. Tapos biglang "ayoko na"?
At ang isa ko pang problema ay; kahit anong sakit ay hindi na ako naiiyak. Kahit sobrang sakit na ay hindi ako naiiyak. Hindi ko alam, siguro dahil naubos na ang mga luha ko sa ilang linggong pag iyak. Hindi ko na talaga maintindihan. Naguguluhan na ako.
Ang unfair nya. Sobrang unfair nya. Deserve ko ba talagang iwanan ng walang sinasabing dahilan?
Hindi naman ako masamang tao, malinis ang record ko. Pero bakit? Hindi ko talaga maisip kung bakit bigla na lang syang kumawala.
Dahil ba may iba na sya?
"Aaarggghh!" inis na sinabunutan ko ang sarili ko. There! I'm overthinking again! "hindi ko na kaya! Kailangan ko ng lumayo sa kanya! At sa lahat ng bagay na nagpapaalala sa akin sa kanya!" sigaw ko.
Ilang ulit ko pang pinagisipan ang pinaplano ko bago ako gumawa ng mabigat na desisyon. Ilang oras ang inabot bago ko tuluyang napag-desisyunang tutuloy ako! Aalis ako ng Maynila at magbabakasyon sa isang hanggang sa makalimot at tuluyan ko ng mabuo ang sarili ko.
Hanggang sa tuluyan ko ng makalimutan ang sakit na naidulot ni Rime sa akin. Hanggang sa maging msasaya na ako.
Naghintay muna ako hanggang makatulog ang mga magulang ko bago ako lumabas ng bahay upang tumakas. Nagda-dalawang isip pa ako nung una pero tinuloy ko na lang dahil ayokong masayang ang pagpapagod ko sa pagaayos ng gamit.
Nag iwan ako ng sulat sa kwarto nila Mama bago ako umalis at kumuha na din ng kaunting pera sa wallet ni Papa para may pamasahe ako.
Tumungin akong muli sa malaking bahay namin. "Mami-miss ko kayo, Ma, Pa" huling sambit ko bago naglakad palabas ng Village.
Sana pala ginamit ko na lang yung Kotse. Ang hirap maglakad ng malayo
Napagdesisyunan ko ng pupunta ako sa isang Resort sa Cebu at doon na lamang magtatrabaho. Ayon lang kasi ang alam kong Resort kung saan ay walang koneksyon sila Mama at Papa. Ayoko din kasi na mahanap nila ako.Kusa akong babalik.
Natulog lang ako sa buong biyahe papunta sa Resort na iyon.
Sana doon ko na mahanap ang tunay na magpapasaya sa akin.
Ma, Pa, bago ako bumalik sa Maynila ay sisisguraduhin kong buo na ako.
•-♥-•
Nang makarating ako sa Resort ay hindi na ako nagaksaya pa ng oras. Agad akong nagpunta sa office para mag-apply ng trabaho. Wala akong dalang Bio Data or Resume dahil nakalimutan ko rin. Kaya nagpa-interview na lang ako sa Manager. Sinabi ko rin na gusto kong maging Receptionist.
"what's your name?" tanong nya habang nakataas ang isang kilay at pinagmamasdan ang mukha ko. She looks like she's analyzing my face.
I cleared my throat "Hope Elizeah Soleranza""Bakit hindi ka man lang nag-abalang magprepare ng bio data or resume?" masungit na tanong ng babae.
"What's the purpose of that? I mean, you're still gonna interview me with or without resume or bio data, right?" I answered.
Nanlaki ang mga mata ko nang mapagtanto na mali pala ang paraan ng pagsagot ko! I mean I should be polite and kind while answering so they'll accept me right? But I DIDN'T! I even rolled my eyes at her! I'm being such a brat!
She smirked "you seem so confident with your self, huh?" she commented.
I smiled awkwardly "y-yeah, maybe I am"
Sh*t! This is hard.
"I don't wanna know some unimportant sh-ts about you so, let's skip to the main question: Why should I hire you?" she asked.
Inaamin ko, this is my first time na ma interview dahil ngayon lang naman ako nangailangan ng trabaho ay ngayon ko lang naramdaman ang kaba! Ngayon ko lang din napansin kung gaano kalakas ang dating nya.
She looks so strict! Feeling ko isang maling galaw ko lang ay hindi nya na ako tatanggapin. Nakaupo sya sa swivel chair habang nakapatong ang mukha nya sa kamay nya.
Black din ang aura nya for me kasi from head to toe, black ang suot nya. Nakasuot din sya ng salamin at naka neat bun ang buhok nya. Para syang si Miss Minchin! Mukha din syang nasa 30-40 ang age.
Ngayon ko mas lalong pinagsisihan ang pagsagot ko ng pabalang sa kanya kanina! Ngayon ko lang din naalala na kahit na mayaman ako sa Maynila ay kailangan ko pa rin ng trabahong to! Wala akong pera ngayon! At isa pa, ayoko ring masayang ang haba ng biniyahe ko para dito tapos mababalewala lang? No way!
My answer needs to be perfect! But at the same time, it's hard because I am brutally honest and I don't wanna lie just for this interview. Haay! Bakit ko pa ba kasi naisipang mag-out of town?! Edi sana di ako nahihirapan ng ganito!
Bahala na nga! Bahala na si Batman!"I guess you should hire me because, ang haba haba ng biniyahe ko para lang makapag-trabaho at makapag-padala ng pera sa pamilya ko sa ibang probinsya. Lahat sila ay umaasa sa akin ngayon at ayoko silang biguin. At isa pa, ayoko ring masayang ang perang inutang pa ng nanay ko sa kapitbahay namin para lang makapunta ako dito at makapag trabaho. Kaya, sana tanggapin nyo na ako" mabilisang sagot ko.
OKAY, I LIED! OBVIOUSLY, pero anong magagawa ko?! Kailangan kong magpaawa sa kanya para tanggapin nya ako sa trabaho.
Naisip ko rin na kapag hindi ako natanggap ngayon ay wala akong choice kundi bumalik sa Maynila. AYOKO YUNG MANGYARI! Kaya kailangan matanggap ako.
"You know what,...." she raised her eyebrows before leaning.
Mukha syang naiinis! Hindi ba ako tanggap?!
AYOKO PANG BUMALIK SA MAYNILA!
"I like you.... You're very honest, and that's what I like the most. At isa pa, pwede ka ngang receptionist. Pang front desk ang face mo! You're hired. Bukas ang start mo. Mukha ka din namang mapagkakatiwalaan kaya... hindi ko na kailangan ng Resume" she said before standing.
Nanlaki ang mga mata ko. Tanggap ako!
Napatayo na rin ako at nakipag kamay sa kanya. Inutusan nya naman akong sumunod sa kanya dahil ituturo nya daw sa akin ang magiging tulugan ko.
May dalawa din akong room mates ayon sa kanya. Pareho naman daw silang babae kaya safe ako. This is going to be exciting!
Nang maka-alis sya at agad kong inayos ang mga gamit ko at natulog.
I guess, I need to get some sleep and rest.
Dito na yata matatapos ang lahat ng sakit at kalungkutang idinulot sa akin ni Rime. At baka dito ko na rin mahanap ang sarili ko at ang tunay na makapag-papasaya sa akin.
•-♥-•