01

75 18 14
                                    

Chapter 01
Jealousy thives

Edrianne Maelester Gilton's

“Nak! Gumising ka na! Edrianne! Anak!” napabangon ako sa sigaw ni Mama sa akin. Hayst! Si Mama talaga, walang araw na hindi sisigaw parang naka unlimited yung bunganga siguro unlimited yung load niya.

“Ma!!!!!!!” padabog kong sanabi kay Mama.

“Ano ha? ‘Di ka na papasok? Sige sabihin mo lang at pag-aaralin kita sa kaldasa! Gusto mo ‘di ba?” bulyaw sa akin ni Mama.

“May sinabi po ba akong ‘di na ako papasok? May guro po ba sa kalsada? May sinabi po ba akong gusto ko? Kailan po mag-eexpired bunganga niyo Ma?” kainis kasi si Mama, ‘yan tuloy nagiging pelosopo na naman ako.

“Anak ng----“ ‘di ko na pinatapos si Mama

“Oooppss! Ma, ‘wag mo ng I long speech baka tatalsik pa laway mo diyan sige ka? Mahal pa naman ang laway ngayon” tinakpan ko lang naman yung bunganga ni Mama. Medyo galit na siya sa akin kaya yun, pumunta na ako sa dining area at kumain ng beacon and egg. My peborit!

Ako nga pala si Edrianne Maelster Gilton, your Knight in Shining Pinggan hahahaha uy tawa naman diyan! I’m a knight in her darkess days chourrr. Nag-aaral nga pala ako sa Krypton High- ang paaralan ng mga mayayamang dubwit sa Pilipinas. Sabi nila ang Krypton High ay magaling pag tungkol sa academics so doon ako nag-aral. At doon ko rin naman nakilala ang mga bastardo ko mga kaibigan. Sophomore na ako this year, lumelebel-ap kagaya ni Mama lumelevel-up rin yung bunganga sa kakasalita.

“Ma! Alis na po ako!” nagpaalam ako kay Mama at pumasok na sa limo namin

“Galingan mo sa school nak hah?” – Mama

“Bobo po ba ako?” mapang-asar kong tanong sa kanya.

Napatawa na lang si Dad na nasa driver’s seat. Siya kasi yung driver ko e ayaw kasi nila na magha-hire pa sila ng driver ko.

-meanwhile-

Nagpaalam na ako kay Dad at naglakad na papunta sa main gate ng Krypton High. Shit! I forgot! Lunes pala ngayon…which means meron na naman yung mga buwisit na SSG officers na magbabantay sa main gate!

Mga SANTO SA GATE ay ‘di pala, mga BUWISIT SA GATE (BSG) dapat name ng mga ‘yan e.

“Opppps! Edrianne nasan na naman ID mo?” tanong sa akin ni Haizek.

Isa lang naman siyang miyembro ng BSG ay este SSG pala and take note classmate ko rin siya

“Uy! Classmate tayo ‘di ba?” pagmamakaawa kong sinabi sa kanya

“Oo nga, classmate tayo. Bakit? Ngayon mo lang alam?” aba! Magjo-joke na naman si Break-a-Leg a?

“Pvta. Lintik kang babae sa akin mamaya pag ‘di mo ko papapasukin baka mabali ko pa yang mga kay payat-payat mong mga buto” takot siya sa akin kaya natuluyan siyang papasukin na ako sa gate kahit wala kong ID. Salamat na lang at si Break-a-Leg yung isa sa nagbabantay ngayon.

Siya nga pala si Haizek Carolla- isa sa mga chaka kong classmate. Siya rin yung tinaguriang WALEY QUEEN sa room naming e. Break-a-Leg tawag namin sa kanya kasi payat na nga nabali pa pati buto niya.

“Edrianne! Mag hintay ka naman!” napa-agaw pansin ako ng may tumawag sa akin sa likuran ko. Si Luis Dark
“Yow men! Sorry ‘di kasi kita nakita, ang lupit kasi ng ginagamit mong sabon imbes na pang whitening naging blackening” isa si Luis sa mga topak kong tropa.

Love Me Not HimWhere stories live. Discover now