Part 5.

41 0 0
                                    

Baby, I’ll just say goodbye.

                With my hands under my chin, I looked up in the sky. Ahh. Ang ganda ng langit, ang sarap maglakad sa park o kaya sa mall. Aish! Kapag ganitong maganda ang araw dapat nagliliwaliw ang lahat ng tao, tulad ko.

                Haha. Andito ako sa mall kasama sina Eyna, Nia at Tami. Nagkayayaang mag-MOA at eto naman akong si bored, ayun pumayag. Sembreak na kasi namin, mga walang magawa sa bahay, wala pa kaming gig, matagal pa ang enrollment for 2nd Sem kaya ayun, mga tambay sa bahay ang peg.

                Kaya naisipan ni Nia na mag-MOA kaming apat, ayun nagkita-kita na dito. At ngayon, andito ako sa harap ng Dunkin’ Donuts, occupying a table with four seats.  Hinihintay ko ‘yung tatlo na bumibili ng pagkain nila sa nagkalat na restaurants sa MOA. Ako, doughnut at hot choco lang. On-diet kasi ako. Charot! XD Trip ko lang ang mag-doughnut.

                Speaking of the trio, dumating na sila. May kanya-kanyang dala ng paperbag ang tatlo, doon ata nakalagay ang mga in-order nila. Yep, paperbag na, bawal na ang plastic. Maging Eco-friendly na daw ang mga Noypi. ^_^

                “Ang tagal niyo naman. Gutom na ako eh.” Sabi ko habang umuupo sila.

                “Halata nga eh, inubos mo na ‘yang binili mo.” Sabi ni Tami, inilabas na niya ‘yung binili niyang pagkain na … naka-styro? Akala ko ba walang plastic? Eh bakit may styro?

                “Same here, Aki, same here.” Sabi ni Eyna, naka-styro din ‘yung order niya at mukhang alam na niya ang iniisip ko.

                “Ang weird kasi, bawal ang plastic tapos may styro? I mean, what the hell, right?” sabi ko sabay inom ng hot choco.

                “Yaan mo na, at least may pagkain kesa wala.” Sabi ni Nia, kumakain na sila. Tahimik na lang si ako. Pft.

                “Teka, anong balak niyo pagkatapos nating kumain?” tanong ko. Wala eh, pinapanood ko na lang kasi silang kumain since tapos na ako.

                “Ewan? Mag-Ice skating o kaya mag-arcade.” Si Nia ang sumagot.

                “Ice skating na lang, para masaya!” sabi ni Eyna.  :))

                “Hindi ako marunong.” Sabi ko.

                “Hindi ka marunong?” – Tami O.O

                Actually marunong na ako, may nagturo kasi sa akin. Guess who? Sino pa ba? Eh di ang first and last boyfriend kong si Hunter. Pft. Naalala ko tuloy ‘yung niyaya niya akong mag-Ice Skating kami …

                Nagbabasa ako ng libro ng may biglang lumapag dun. Tiningnan ko kung sino ang naglagay, si Hunter. Ooh lala! Ang gwapo talaga ni Hunter! Ang swerte-swerte ng magiging girlfriend neto. At ako ‘yun. Meaning ang swerte ko. Wahahaha. :D

                Kinuha ko ‘yung  nilagay niya sa libro ko, tickets ‘yun sa Ice Skating Rink ng SM Mall of Asia, tiningnan ko siya with anong-gagawin-ko-dito look.

                “Mag-Ice Skating tayo.” Sabi niya :D

                “Hindi ako marunong.” Sabi ko, totoo ‘yun. Hindi ako marunong mag-Ice Skating, pinagtatawanan ako ni Ali nun dahil siya marunong tapos ako hindi. Pft.

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon