Soul Ante Series: Switch (On-going)

143 0 0
                                    

Hello? Never mind.

                “EARTH to Aki?” Napalingon ako bigla. “Wala ka na naman sa sarili mo.” Sabi ni Nia. “Ha? I’m sorry.” Sabi ko. Tama siya, wala na naman ako sa sarili ko. I sighed, nakakainis! Palagi na lang bang ganito? Hindi na ako nagsawa, ay mali, hindi na pala ako natuto. Pft. Bakit ko pa kasi siya nakita? Ayan, naaalala ko tuloy siya. Pft.

                “I’m sorry,” umayos na ako ng upo saka humarap sa kanila, “Ano ngang pinag-uusapan natin?”

                “Alam mo naman na malapit na ang College Foundation natin diba?” Tumango ako, makikinig na po talaga ako, “Siyempre may mga program chorva tayo, tumugtog daw tayo dun sa isang event.” Sabi ni Eyna.

                “Tutugtog lang pala eh, okay lang.” sabi ko sabay binatukan ako ni Tami. “Aray ah! Masakit.” Pinandilatan ko siya ng mata.

                “Nag-a-astral projection ka na naman dyan eh,” I gave her a knotted forehead, “Sa tingin mo ba madadala dito ‘yung drum set mo? Eng-eng ka talaga!” Nag-exaggerated gasp naman ako sabay sabing, “Hindi ako eng-eng ah!” Nag-smirk lang si Tami at bumalik sa kung anong ginagawa niya.

                “Madali lang dalhin ang gitara at amp namin, ‘yung sayo ang problema.” Sabi ni Nia habang may kung anong sinusulat sa maliit na notebook niya. Malamang ‘yung kakantahin namin sa event.

                “Pft. Di wag niyong problemahin, ako ng bahala dun,” napatingin ‘yung tatlo with their entire eyebrows rose, “Come on guys, wala ba kayong tiwala sa akin? Pft. Sabagay ganyan naman kayo lagi.”

                “Ay wala na ‘yan.” – Si Tami.

                “Pft. What I mean is, minsan lang tayo tutugtog sa school, pagbigyan na natin since sila ang nag-yaya, wag niyong hayaan hindi tayo makatugtog dahil lang mahirap dalhin ang drums ko.” Sabi at tumango-tango lang sila.

                “Sabagay, may point ka.” – Si Eyna.

                “Yosh! New experience ‘to!” – Si Tami.

                “Sige, sabi mo ‘yan ah Aki, ikaw ang bahala sa drums mo.” – Si Nia, tumango lang ako. “Yosh! Kakausapin ko na lang ang Student Council President para sa setup.” sabi pa niya with a smile. Minsan, feeling ko panggulo ako sa banda pero hindi naman sila maku-kumpleto kung walang magaling na drummer gaya ko. Yabang ko ‘no? Hahaha.

                “Ah Nia, pwede na bang umalis? May aasikasuhin kasi akong importanteng mahalaga.” Sabi ko habang nagliligpit ng gamit.

                “Sige ingat!” sabi ni Nia pagkatayo ko dala ‘yung bag.

                “Ingat rin kayo! Babye!” Kumaway ako sa kanila sabay labas ng room.

                Saan kaya ako pupunta?

Switch (On-going)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon