JUST_01

35 2 0
                                    


THAT BOY IN THE LIBRARY

"Hi"nag-angat ako ng tingin sa taong bumati sa'kin "Hello" tipid na ngiting sabi ko, ngayon ko lang nakita dito.

Nasa library kasi ako ngayon ,nagbabasa about sa topic namin sa Science, may pagka mahina kasi ako sa subject na 'to kaya kailangan kong pag-aralan

"Ngayon lang kita nakita dito" sabi ko sa kaniya

"That's weird, lagi ako dito" nagtatakang sabi niya, tinignan ko siyang mabuti at inalala kung nakita ko ba siya dito or hindi, pero wala talaga akong maalalang nakita ko siya

"Seryoso ka ba? lagi din ako dito e" nagtatakang sabi ko "I know" nakangiting sabi niya. Mas lalo akong nagtaka sa sinabi niya, alam niya?paano? Mukha namang nabasa niya yung iniisip ko at nagsalita siya ulit

"Sabi ko nga lagi ako dito at lagi din kitang nakikita dito, dito mismo sa mesang to"nakangiting paliwanag niya

"Pero, bakit ngayon lang kita nakita?" Nagtataka pa ring tanong ko, kasi imagine kung lagi ako dito at nandito rin siya, hindi ba dapat makikita ko siya? Magsasalita palang sana siya pero naunahan siya ng tumawag sakin

"Shai!"humahangos na tawag sa'kin ni Lenny "Bakit? " tanong ko sa kaniya "Halika dali may nangyari"nagmamadaling sabi niya

"Wait lang! Ano ba yun? " medyo inis na tanong ko "basta, sumama ka nalang" pagpipilit.

Nagligpit muna ako ng gamit at magpapaalam sana ako sa lalaking kausap ko kanina, pero wala na siya sa inuupuan niya

"Len, nakita mo ba yung kausap ko kanina dito? " tanong ko kay Lenny "kausap? " nagtatakang tanong niya "Wala namang tao diyan kanina ah" kunot-noong sabi niya.

Tumaas ang balahibo ko sa sinabi ni Lenny, bigla akong nakaramdam ng takot "Len,meron! " pagpipilit ko sa kaniya

"Oo na!meron na! " napipilitan na sabi niya at hinatak ako palabas ng library.

Pagdating namin malapit sa Computer Lab ang daming estudyanteng nagkukumpulan "anong meron Len? " tanong ko kay Lenny habang iniikot ang tingin sa paligid

"Ito na nga, may nakita daw na bangkay diyan sa loob ng Computer Lab" tinignan ko si Lenny ng SERYOSO-KA-BA-DYAN? look at ang chismosa kong kaibigan ay tumango lang

"Sino daw? " nagtatakang tanong ko, nahawa na ata ako sa pagka-chismosa ng taong 'to "yun na nga,naalala mo pa yung sinasabi ko sayong may gusto sayo na ICT student" seryosong sabi niya, nagtaka naman ako sa kaniya kasi ano namang connect nun sa nangyari sa ComLab

"hindi e, wala akong maalala"sabi ko at tumingin-tingin sa paligid at baka makita ko yung lalaki kanina sa library

"Girl! yung lalaking patay na patay sayo pero hindi mo man lang pinapansin" nagdadabog na sabi niya.

Kinunot ko lang ang noo ko sa sinabi niya, di ko kasi siya maintindihan "yung lalaking patay na patay sayo ay totoong patay na"seryosong sabi niya, nagulat ako sa sinabi niya at tinignan siya ng HINDI-AKO-NAKIKIPAGBIRUAN look .

Bumuntonghininga siya at may pinakitang picture sakin at mas lalo akong nagulat nang makilala ko ang lalake sa picture

"Len! " kinakabahang tawag ko sa kaniya "Siya yung lalaking kausap ko kanina" natatakot na sabi ko, nagulat siya sa sinabi ko

"Pero Shai, mahigit isang linggo na daw siyang patay"seryosong sabi niya.

:)

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Sep 13, 2020 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

JUST StoriesWhere stories live. Discover now