Chapter 2

81 5 3
                                    

Chapter 2 

-------------

"Reese."

"Reese?"

"REESE!"

"WAAH!" nahulog tuloy yung lapis na na-balance ko na sa ilong ko. Tinignan ko naman ng masama yung istorbo sa magaling kong achievement.

"Hindi ka naman nakikinig paano ka matutu nyan?"

"Sorry Sir."

Masama na tinging sakin ni Sir. Bat naman kasi tulala pa sa labas. Wala naman dun si Edward Cullen or Percy Jackson.

"Okay, class. That is the person you don't want to be in front of me. Dreaming in the middle of the class is not allowed. That's why natutulog ang mga tao. How could you pass my subject kung palaging lumilipad ang mga isip niyo?"

Public Humiliation. Yan ang parusa ni Prof. Humanities ko kapag may istudyanteng gumawa/gumagawa ng ayaw niya. "Fair" daw yun.

"Now, where were we?"

Kung hindi lang teacher itong bakulaw na 'to kanina ko pa yata ito nasabunutan. Palagi nalang ako ang tinintira.

Nawala naman yung nagrereklamo kong isip nang maramdaman kong may nagtext. Pasimple akong sumilip sa bag ko at tinignan kung sino yun.

From: CASSuka

Heeeeyyyyyyyy~

-end-

Ano nanaman kaylangan nito. Alam namang hindi pa tapos ang klase ko.

To: CASSuka

Ano yun? -_-

-end-

May kalokohan nanaman itong babaeng 'to.

*bzzt bzzt*

From: CASSuka

Hay? PMS?
Hahaha wala lang. kamusta Humanities?

-end-

Hindi ko na siya ni-replyan. Bahala siyang mag-antay ng reply. Inis daw ako ngayon. Pupuntahan ko nalang siya mamaya. Sa ngayon haharapin ko na muna ang pagsubok na ibinigay sa akin ng Diyos dahil alam ko namang malalampasan ko ito.

*Le Pace(pache)* 

 Isang lugar lang naman ang tambayan namin kapag hinihintay yung isa. 

Nandito na ako sa dating Cafe kung saan ina-nounce sakin ni Castillo ang pinaka-masamang balita sa buong buhay ni Jose Rizal. Tapos na classes ko buong araw eh.

Nandun siya sa dulo. Nagtetext.

"Hey." bati niya kahit nakatingin pa sa phone niya. Stalking Douglas Booth on Instagram.

"Yeah. It was nice. Naging artista nanaman ako and everything. I relly like the spotlight you know. Binibigyan ako nito ng respeto sa aking sariling paniniwala na ang katamaran ay and magdadala sa akin sa kapahamakan."

"Hehehe, yan kasi. Kung nakikinig ka lang kasi." nakatingin parin siya sa phone niya. Scroll ng scroll.

"Nakakaantok kaya. Alam mo yung feeling na nakatingin naman ako kay Sir tapos lumipad yung isip mo tapos mapapansin mo tapos na pala yung lesson."

"HAHAHA, NAMAN! Para saan ang Math? Habang nagde-daydream ako dun naka punta na 'ko sa Egypt. Or maybe in Douglas' arms. Yiee." kinilig naman daw ang babae.

"Hahaha yeah right."

Natahimik naman kami at napaisip nadin ako.

Kamusta na kaya sila Mama. Iniinom kaya niya yung mga gamot niya. Si kuya baka puro trabaho lang inaatupag. Hayy..

Malayo kasi itong University samin. Mag-isa akong nakatira sa isang apartment na pagmamay-ari ng Auntie ko. Nasa Bahrain siya ngayo kaya ako ang bahala muna dun. Okay lang naman lahat kaso Boys Dorm yun. Sanayan nalang siguro.

"Don't worry, okay lang sila. Tumawag kuya mo. Wag daw magpapalipas ng gutom, blah, blah, blah, wag papabayaan ang pag-aaral, blah, blah, oh, he's so hot."

"What?!" 

"Ah, sorry look," pinakita niya sakin yung picture ni douglas sa phone. Yup. 10 thumbs up for that one. "So, sinasabi ko nga. Nasan na ba ko? Oh right! Wag ka daw mag-alala sa kanila something. Saka sama ko sayo pauwi."  nakatingin naman siya sakin ngayon na may hearts pa sa mata.

"Hindi pwede." I need caffeine kaya tumayo na 'ko. Kahit gaano namang isipin ko sila wala akong magagawa. Mas mamimiss ko sila nito eh.

"Huh? Andaya naman sinosolo monanaman yung mga dudes!"

"Tumigil ka nga sa pa-pout-pout mo," nagcrossarms ako. "Nagsabi ni Kevin sakin na wag ka daw papuntahin dun dahil ang ingay mo." naglakad na ko papuntang counter.

"Choco muffin please!" sumigaw ba naman yung babae.

Mabuti naman sanay na yung staff dito. PInandilatan ko naman siya. Pero kahit ganyan ugali niyan bestfriend ko parin yan.

"Hi, Reese." naka-smile na bati sakin ni Zig. Cashier.

"Hey. Coffee. Strong please. Saka isang chocolate muffin." syempre naka-smile din ako. Ang bait bait kaya ni Zig saka dun siya sa Apartment complex din nakatira kaya medyo close kami.

"Okay, coming right up."

Tinalikuran na niya ko para gawin yung kape ko.

Hayy...

Yung report ko.

"Oh. Bat nakabusangot ka?" tanong ni Zig. Nilalagay na niya sa tray yung coffee ko.

"Ah, may kailangan kasi akong gawing report sa History. Not very fond of the subject may I add."

"Hahaha, gusto mo tulungan kita?"

Waaahh! Bat ba ang cute ng lalaking to kapag naka-smile. Parang ang sarap pisilin ng cheeks. Pero i'm pretty sure na huhulihin ako kapag ginawa ko yun so both hands at my pockets.

"Wow. Thank you for the offer pero okay lang ako. Kasalanan ko kung bakit kailangan ko 'tong gawin so gotta face the consequences right?"

"Okay. If you say so. Here's your coffee."

"Salamat."

---------------------------------------------------------------------------------------------------------------------

Author's Note:

HEEEEEYYYYYYYYYYYYY.
Sorry kung may hindi gusto sa story ko.
This would be my first published story i guess (kasi lahat sinulat ko sa notebook). 
Ang masasabi ko lang ay... i'll do my best next time.. okay... so don't give up on me yet. i'm not giving up on myself either soo.. happy reading.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Dec 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Missed Me?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon