Chapter 2

6.6K 51 5
  • Dedicated kay Gene Marie Macalincag
                                    

Chapter 2

Maaga akong nagising para ipaghanda ng breakfast ang nakakainis kong amo.

Grabe, inaantok pa din ako dahil sa paggawa ng project at assignment.  Huhuhu T_T pwede bang matulog ulit ang hapdi pa ng mata ko.  Makapag luto na nga…

Teka ano pala lulutuin ko??  Makapunta nga kay Sir para matanong…

TOK. TOK. TOK.

Hala, walang sumasagot.

TOK. TOK. TOK.

Hala, wala pa din. Amhp!

TOK! TOK! TOK!

Nagulat na lang ako ng bigla nyang buksan ang pinto.  AHHHHHHHH!!!!!! >///<  Bakit ba wala syang damit??  At naka… naka… naka BOXER lang sya!! AHHHHHH!!!

Tsk! Kahit hot ka dahil sa six pack abs mo di ko pa din nakakalimutan yung ginawa mong pag-aasar sa akin.  Hmp!  Patayin kita jan eh…  hahaha mali, mali, mali di dapat.   Sayang lahi mo, gwapo ka pa naman sweet pa, kaso… mapangtrip!  Hmmp!

“Sir, ano pong gusto nyong breakfast?!” sarcastic kong tanong.

“Hmmmmm…” nakahawak pa sya sa ulo nya habang nag-iisip.

“Sir, ano nga po ba kas--?” di nya ko pinatapos magsalita ng bigla nya akong hilain papasok sa kwarto nya at hiniga sa kama nya.

Hala, ano bang problema ng isang to.  Nababaliw na ba sya?  Gusto na ba nya mamatay?  Sabihin nya lang.  Makabangon na nga.

“Sir, ano po bang prob--” di nanaman nya ako pinatapos magsalita.

“Shhhhhhh.”  At hiniga nya nanaman ako sa napakalambot nyang kama.

“Pero sir may ga--”

“Shhhhh…  wag ka maingay di ako makatulog.  Diyan ka lang at wag ka maingay.  Matutulog ako.”  utos nya habang humihiga sa tabi ko at ang masaklap ginawa nya pang unan ang tiyan ko.

Hala, ano bang meron sa kanya?  Di ko na sya maintindihan.  Bakit ba kasi ang sweet sweet ng napakagwapo kong amo?  Nakakainis ka sir James, bakit ka ba ganyan? >.<

Di ko namalayan nakatulog din pala ako.  Kaya nang magising ako nilipat ko na ang ulo nya sa unan at nagulat ako ng…

“Hala!  Sir, ang init nyo!  Inaaapoy po kayo ng lagnat.” natatarantang sabi ko.

Di sya umimik.  Pero kita mo sa mukha nya na masama ang pakiramdam nya.

Naku, wala pa pala syang damit. Tsk!  Kung makatulog kasi ng nakahubad kala nya napakalakas ng resistensya.  Sakitin naman pala.  Makakuha na nga ng damit nito at baka lumala pa lalo…

“Dito ka lang, please.” nagulat ako ng hawakan nya ang kamay ko.

“Ano ba sir?!  Kukuha lang ako ng damit mo, okay?”  naiinis kong sabi.  Naman kasi parang bata. Amp!

“Matutulog tulog ng nakahubad di naman pala malakas ang katawan.” Pabulong kong sabi.

“Ano?”  malumanay nyang tanong.

“Wala!” sabi ko at kumuha na nga ako ng damit nya.

Pagkatapos ko sya bihisan at kumutan.  Nakita ko na giniginaw pa din sya kaya pinatay ko ang aircon.  Pero giniginaw pa din sya.  Kaya wala na akong nagawa kundi…

“Sir, pagaling ka na nga.  Mamaya sabihin pa ni Manager Ria na pinababayaan ko ang alaga nya.  Tyaka di ako sanay na walang nang-aasar sa akin.” sabi ko habang niyayakap ko sya.  Hmmm… wag mag-isip ng kung ano… may kumot po… M-A-Y  K-U-M-O-T.

Yung bang nakapatong ako sa kanya habang yakap yakap ko sya.  Pero wala yung malisya no.  Tinutulungan ko lang sya para gumaan na ang pakiramdam nya. (hahaha… defensive)

Ilang minuto din kaming ganon ang posisyon namin at mukhang okay nanaman sya ng bigla syang dumilat at tumingin sa akin.

“Ang ganda mo pala sa malapitan”  sabay ngumiti sya ng nakakaloko.

Ahhhhhh… ano ba sinasabi nito.   Ang lakas ng tama!

Napaatras naman ako. >///<  Hala, sya ba talaga si sir? o pinagtritripan nya nanaman ako?  Nakakahiya ang lapit ko sa mukha nya.

Nilapit nya pa lalo ang mukha nya sa mukha ko kaya naman napapikit ako ang lapit kasi talaga ng mukha nya sa mukha ko.  Nakakahiya. >///<  Ito na ba ang moment ko? Ito na ba?

At syempre dahil feelingera ang lola nyo. Hinihintay kong dumampi ang labi nya sa labi ko. 

Hahaha… ako na assumera thahahaha :D

Pero pag dilat ko nakita ko syang ngumiti na parang nang-aasar.

O.O

Pinagtritripan nya nanaman ba ako?  Grrrr…  di ko na sya nag bago.  Patayin ko na lang kaya to habang natutulog wala namang makakaalam eh. Hahaha…  Tapos sasabihin kong namatay sya sa lamig. Hahahaha (Evil Grin)

Nakakainis kasi kala ko pa naman totoo na. Amp!  Kahit pala may sakit sya hilig nya akong pag tripan.  Nakakainis!  Nakakaloka!

YOU ARE CRAZY JAMES ALVAR!!!

-------------------

(later)

Thahaha… weirdo no? :D

Salamat sa mga nagbabasa.

Next chapter na. :D

Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon