Chapter 3 (end)

5.9K 70 17
  • Dedicated kay Joyce Ann Marie Sanz
                                    

Chapter 3

Ilang araw na din ang lumipas simula ng magkasakit sya. Kaya balik nanaman sya sa kanyang napakahectic na schedule.

Grabe, buti na lang magaling ako at napagsasabay ko ang pag-aaral at pagtratrabaho ko. Syempre dahil yun sa napakabuti at napakabait na si Manager Ria.

Sya lang naman ang nagpasok sa akin sa trabahong ito syempre dahil alam nya ang estado namin sa buhay kaya naman maluwag sya sa oras ko. Syempre pag may kailangan sa school pumapayag naman sya :D Ang bait bait talaga ni Manager. Itong si sir James lang naman ang may topak eh. Ahmp!

"Megan, wag kang umalis. Mahal kita!" sabi ni James sa babae..

"Eriol, mahal din kita." sabi naman ng babae.

"Cut!" sigaw nanaman ni Direct.

"Good job! Ang galing talaga ng alaga ko" nakangiting sabi ni Manager Ria kay James.

"James, tubig oh." malambing na sabi ni Almira yung kapareha ni James sa pelikula.

Nakakairita tong manlanding ito. God! Nakawala ng poise yung ginagawa nyang pagpapacute kay James. Naku, nakakapang-init talaga ng ulo. Tsk!

"Thanks, Almira." nakangiting sabi ni James.

Aba, nakuha pang ngumiti. Nakakainis talaga. Grrrrr... palibhasa alam nya pano papakiligin ang mga babae. Tse! Magsama sila pareho silang malandi. Makaalis na nga nang...

"Lian, saan ka pupunta?" sabi nya habang nakahawak sa braso ko.

"Mag c-CR! Sama ka?!" naiinis kong sabi.

"Ang init nanaman ng ulo mo." sabi nya.

"Meron ka noh?" pahabol na sabi nya pero mahina.

"He! Ewan ko sayo!" sabay tinulak ko sya.

Nakakainis. Nakakainis! >.< Bwisit talaga panira ng araw! Nakakairita!

"hahaha... kaya gusto kita eh." sabi nya ng mahina habang tumatawa.

>_<

Gusto? Gusto your face! Alam ko namang pinagtritripan nanaman nya ako eh. Nakakainis talaga! Grrrrrrrrrr!

Nang makarating ako sa banyo. Naghilamos ako para mahimasmasan.

"Nakakainis sya ang dami nyang babae. Grrrr..." kausap ko ang sarili ko sa salamin.

"Mahal mo sya noh?"

Napatingin ako sa nagsasalita na nakatayo sa pintuan at nagulat ako sa taong nakita ko.

O.O

"B-bakit n-nandito po kayo?" mautal utal na tanong ko.

"Hahaha... bakit? Nasorpresa ba kita?" sabi nya sabay ngumiti.

Sino bang hindi? Grabe, nagulat talaga ako sa kanya.

"hehehe" nagpekeng tawa na lang ako.

Nagulat ako nang pumasok sya at sinara ang pintuan ng banyo.

Hala, anong gagawin ko? Bakit kailangan nya isara ang pinto? Shocks! Kinakabahan ako!

Dug. Dug. Dug.

Grabe, lakas ng tibok ng puso ko. Parang malapit ng pumutok.

Lumapit sya sa akin habang nakatingin sa mga mata ko. Habang ako naman paatras ng paatras hanggang sa napasandal ako sa dulo at...

Di ako mapakali at iniwas ko ang tingin ko sa kanya.

"Bakit ka umiiwas ng tingin?" tanong nya.

"H-hindi ah, b-bakit ko naman gagawin yun? sabi ko.

Personal AlalayTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon