1

6 0 0
                                    

Ordinaryong buhay ang meron ako. May kumpletong pamilya at maayos na pamumuhay. Pumapasok ako sa isang maayos at sikat na University sa Manila.

Nagboboard ako at nabibigyan ng sapat na allowance ng parents ko. Kuntento na ko sa kung anong meron ako. Pero isa sa pinakapinapasalamat ko na biyaya na dumating sa buhay ko ay ang lalaking alam kong mamahalin ko buong buhay ko. Si Raven, ang boyfriend ko.

Sya yung tipo ng lalaking alam kong maraming nagkakagusto. Magaling kase sya sa basketball at sumasali sa singing contest sa school. Ang ganda kase ng boses nya. Bonus pa yung kagwapuhan at pagiging maginoo nya. Pero kahit ganoon, lagi nyang pinaparamdam na ako lang ang mahal nya at wala ng iba. Napakaswerte ko talaga sa kanya. Ramdam na ramdam ko na mahal na mahal nya ako.

Tatlong taon at apat na buwan na kame. Nakilala ko sya nung first year college pa lang ako. Legal kame sa parents nya at sa parents ko, botong boto sila sa relasyon namen. Ang saya lang di ba? Wala na talaga akong mahihiling pa.

~~

Nakaupo ako sa isang bench sa tapat ng school. Maya maya dumating na sya. Kahit kailan hindi talaga sya pumalya na sunduin ako on time. Ngumiti sya akin at hinalikan ako sa noo, pero mabilis lang, tapos niyaya na nya ako sa park.

Nasanay na kase kame na araw-araw pumunta sa park para kumaen at magkwentuhan.

Hawak nya ang mga kamay ko ng makarating kame sa park.

Tapos bumili kami ng paborito nyang siomai.

Masaya na kame sa ganon. Kapag alam nyang late na, iuuwi na nya ako sa dorm.

Pagdating namen sa dorm, nag isstay pa sya don ng 1hr. Baka daw kase mamiss nya ko.

Nagkwentuhan at tawanan lang kame na parang wala ng bukas.

Maya maya hinalikan nya ako sa labi, mabilis lang. Napangiti ako at sinabi ko sya kanya "i love you". Hinalikan nya ako ule, yung halik na matagal at mapusok, punong puno ng pagmamahal tapos niyakap nya ako ng mahigpit yung halos hindi na ako makahinga.

"Mahal na mahal din kita" sabi nya.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 19, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

When You're Gone (Short Story)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon