Weird feelings
"Tagay pa Hint!" natatawang usal ng katropa. Natatawa akong umiling at tinangap ang baso ng alak na kanilang ibinibigay sa'kin.
Damn, I'm already tipsy.
Matapos ko tumagay ay agad kong kinuha ang cellphone ko at tinignan ang messenger ko. Napangiti ako nang makita ang pangalan ni Summer.
Wag kayong malisyoso at malisyosa pektusan ko apdo at appendix niyo eh. Kaibigan ko lang siya.
Oo naging mag kaibigan kami mula noon. She's really a good friend of mine. She's very thoughtful, and caring.
Hindi ko maitatangi, nasa kaniya lahat ng katangian ng babae na gusto ko. Pero we're really just friends. Nothing more, nothing less.
Kung hindi ka maniniwala edi sige. Mga baklang to!
My lips curved again when I had read her message.
Summer:
Please leave me a message when you're home.
I told you. She's really one of a kind. She's like some kind of a rare stone. Na gugustuhin mo ingatan at alagaan. She's Summer, indeed.
Pangalan pa lang, unique na.
I chuckled at that thought.
"Aha! Kaibigan pala ha? Pero grabe yung ngiti sa message." Binatukan ako ni Kier. Agad akong napangiwi at sinamaan ito ng tingin.
"Oo nga! Todo deny pa si gago, halata namang inlove na inlove na. Tanga sobrang obvious na dre, wag mo na itago. Utot nga di maitago feelings mo pa kaya?" Gatong naman ni King na siyang lumalagok ng alak sa baso.
Eh kung ipalunok ko kaya sa kaniya yang basong yan.
"Tang ina niyo, tagayan niyo na lang ako ng matuwa ako sa inyo." Sarkastiko kong usal matapos ay nag-tawanan sila.
"Oh gago, tagay mo." Inabot sa'kin ni Cole ang baso. Agad ko itong tinunga, marahan akong napangiwi sa pait ng inuming 'yon.
Sana naman makauwi pa ako ng hindi gumagapang mamaya. Mahina ang tolerance ko sa alak. Pero di ko alam bat tumagay pa ako ngayon eh hard drink ang iniinom ng mga kupal na ito ngayon.
Ah basta, minsan lang naman eh. Kaya sulitin na.
Pag tapos ng ilang sunod-sunod na tagay ay umiikot na ang paningin ko.
Fuck.
Lasing na ba ako?
Hoy sagutin niyo ako! Mga demonyong 'to.
~*~
Napahawak ako sa ulo ko ng biglaan akong bumangon sa hinihigaan. Teka, bakit ako nandito?
Hindi ko kwarto 'to ah?
Ha?
Don't tell me, ibang bahay ang napasukan ko? Hindi naman siguro? Di ba?
Kinusot ko ang aking mata matapos ay inilibot ang paningin sa kabuuan ng kwarto. Punong-puno ito ng libro. May mga sticky notes pa na naka-ipit sa parang maliit na sampayan. Yung parang sa mga detective, gan'on.
Black and white ang theme ng kwarto. Mula sa kurtina, hangang sa bedsheets at punda ng mga unan.
Napakunot ang aking noo. Di naman 'to kwarto nila Kier. Masyadong pambabae ang kwartong ito, maliban na lang kung binabae sila.