chapter II Si Yuna ng Ozeana

149 9 5
                                    

"Hayyz" malungkot na wika ng isang dalagita, maputi at kulay asul ang buhok. Siya si YUNA SEREN, rookie pirate ng bansang OZEANA.

Ang OZEANA ay bansang matatagpuan sa hilaga ng planetang ANKORHA, tintawag din itong bansa ng tubig, matatagpuan ito sa isang malaking bula na nakalubog ang kalahati sa dagat ng planeta. Hindi nababasag ang bula na ito na pinaniniwalaang ginawa ni OZEAN, water pirate god na lumikha sa bansang ito sampu ng mamamayan nito. meron itong pinto na gawa sa umaagos na tubig pataas. Tanging taga Ozeana lang ang nakakabukas nito. Abilidad nila ang paghinga sa tubig at paghuli at pagpapaamo sa Aquinox, isang malaking water monster sa pamamagitan ng water crossbow.

Tulad ng Ablaza, pinamumunuan din sila ng fleet admiral.

"Makabalik n nga sa OFU (Ozeana Fleet University), mukhang walang magandang mahuli ngayon". Ani Yuna. Bumalik na siya sa paaralan dala ang crossbow na binibigay sa rookie student ng section Aqua 1.

Sa deck ng OFU, tulad ng unibersidad sa Ablaza, ang OZEANA FLEET UNIVERSITY ay isang malaking pirate ship, may apat na bandila na kumakatawan sa apat na clan. Sa itaas nito ang pwesto ng class AQUA 1, binubuo ito ng rookie, novice at master class.

"San ka galing Yuna?" Tanong ni Mina Yoku, sexy, long green hair at kikay, galing sa YOKU CLAN, (green water fleet), bestfriend ni Yuna.

"Dyan lang sa Ozean Arena, wala naman ako mahuli gamit ang rookie crossbow na to, puro maliit. Kainis!" iritableng wika ni Yuna.

"Eh ikaw naman kasi, pinagbabawal sa ating mga rookie pirates ang pumunta dun at hindi talaga makakahuli yan ng class B man lang na Aquinox," sermon ni ARAN KARPA, payat, nakasalamin at matalino mula naman sa Karpa clan (orange water fleet)

"Tara na sa deck, baka simula na ng navigation class ni mentor QUIN YOKU!."tarantang sigaw ni MARYLL POSEI, mataba, short hair, nerdy at tarantahin mula sa Posei clan (red water fleet)

Sa deck,

"Ok class thank you for listening and see you tomorrow" masayang wika ni mentor Quin, ang sexy na navigator ng Yokuz clan.

"Thank you mentor" with matching heart eyes ng mga boys sa Aqua 1. Lol

Next subject nila ang Element Enhancement (same sa Ablaza). Tinawag ni Mentor Roi Seidon ang unang rookie pirates na magpapakita ng skills gamit ang crossbow.

" Rina Seidon from Red water fleet, mauna ka na" ani mentor Posei.

Agad lumapit si RINA SEIDON, sexy, maputi, matalino pero may pagka maarte at mahilig makipag kumpitensya "Yes mentor" aniya

Agad itinutok ni Rina ang rookie crossbow sa targel na dummy Aquinox, lumabas ang maliit na size ng red water dragon mula dito na tumama sa dummy. Agad itong nasira.

" Magaling, pamangkin! Este Rina pala" natutuwang sambit ni mentor Roi.

"Salamat Tiyo, ay mentor pala" ngiting ngiting sabi ni Rina.

"Ang susunod naman ay si Yuna Seren mula sa Blue water fleet" si mentor Proi.

Parang tinatamad na lumapit si Yuna, agad tinutok ang crossbow sa dummy at pinalabas ang asul na blue water serpent pero pagkasira ng unang dummy ay dumeretso ito sa apat pa at nadurog ito. Palakpakan ang mga Seren clan. Clap clap clap

" Ang lakas naman ng batang to" sa isip ni Roi.

" Sa susunod ay kung isa lang ang pinapatamaan ko sayo, un lang ang gagawin mo, understood?!?" Pasigaw na sabi ni Roi.

"Yes mentor, (watevah!) " tinatamad na sambit ni Yuna sabay upo sa tabi ng grupo niya.

"Sunod naman ay si.....blah blah blah.." hanggang matapos ang kinseng rookie pirates na lahat naman ay nagpamalas ng galing dahil kabilang nga sila sa Aqua 1 ayon na rin sa water mask.

Umuwi na si Yuna ng ipatawag siya ng chief pirate MARTIN SEREN office nito...

Next chapter .... Si Kronos ng Faunaz

Note:
Isa uling intro sa second character from different place. Nagsusulat ako para malibang. Inspirado sa mga nabasa kong storya. Sana mainspire kayo. Chow
-ebay

PIRATES ELEMENT QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon