Chapter VIII - Ang mga Hinirang (part 2)

80 6 4
                                    


"Pero tiya, ano po ba ang misyon na sinasabi nyo? Alam mo naman na malaki lang ako pero lampa, duwag at hindi mahilig sa pakikipaglaban, paanong ako ang napili?" Nagugulumihanang tanong ni Krono kay Lara.

"Wag ka nang madaming tanong dyan! Pinatawag tayo ni Vice Admiral Silverwing at siya ang magpapaliwanag sa iyo" nakukulitang sagot ni Lara.

"Pero bakit hindi po kay lolo dahil sya ang pinuno ng ating bansa diba?"

"Hindi sya maaring makausap ngayon Krono, sya ay nasa Guzta upang makipagpulong sa iba pang pinuno kasama ang piling kawal at emisaryo ng ating bansa" paliwanag ni Lara."

"Ah ganun po ba" sagot na lang no Krono pero hindi maialis ang takot nya dahil ang vice admiral ay kabaligtaran ng lolo nya, masungit ito at parang galit sa mundo.

"Andito na tayo!" pahayag ng kanyang tiya.

Ang admiral ship ay matatagpuan sa gitna ng magkakatabing clan ship. Ito ang pinakamalaki. Kulay lupa o brown ito, elegante ang dating at mukhang kastilyo na may mga disenyo ng tulad sa ancient rome. Matatagpuan sa pinakatuktok ang dalawang tanggapan.ang mas malaki sa kanan na tanggapan ng admiral at ang mas maliit sa kaliwa na tanggapan ng vice fleet admiral.

"Sigh, eto na ang nag iisang dragon ng Faunaz " sa isip ni Kronos

Agad umakyat ang mag tiya sa tanggapan ni Pento.

"Tuloy kayo Lara, madami akong katanungan sa mga naririnig ko sa ating "hinirang daw". Ang nakangising sabi ni Pento pero halata ang galit sa kanyang mata.

"Magandang araw po vice admiral, kaya po nandito kami ng pamangkin ko ay dahil sa pinamalas nya sa EE class namin kanina. Sa nakita ko po ay taglay nya ang katangian ng legendary pirate Faun." paliwanag ni Lara.

"Hmmm, sigurado ka ba o pinapaboran mo lang nag iyong pamangkin, hindi kaya?" Ngising aso pa din si Pento.

" Alam nyong hindi pedeng basehan ang pagigig pamangkin ko sa pagpili ng hinirang, kahit si ama ay gayon din" medyo iritableng sagot ni Lara.

" At paano naman ang aking apo? Alam kong taglay nya ang spirit ni Faun mula pagkabata na hindi naman natin nakita kay Krono dati".medyo galit na din si Pento dahil hindi niya matanggap ang nangyayari.

" Pero.....

"Tama na!" Sigaw ni Pento."Ipaubaya natin kay admiral ang pagpili at hindi sa desisyon mo!" Sigaw ni Pento.

"Vice a....a....amiraaaaaalllll!!!!" Hindi alam ni Krono ang nangyayari pero parang may sumanib sa kanya nang makita niya na pinapahiya nito ang tyahin nya na syang nag alaga sa kanya mula ng mamatay ang mga magulang nya.

Bigalang nayanig ang buong fleet sheep, nakita din ang mga crack sa sahig ng tanggapan. Nagulat naman ang dalawa sa kanilang nakikita. Ang mahiyain at duwag na si Krono ay nagwawala na tila halimaw.

" Mga......mga... kawal!!!!" Ang takot na sigaw ni Pento.

"Agad nagsipasok ang Earth fleet soldier upang pigilan si Krono ngunit sa labis na lakas nito ay nagliparan na tila laruan ang mga ito. Nilapitan ni Lara si Krono upang pakalmahin ito. Agad namang kumalma si Krono ng makita si Lara.

"Magsilabas kayo dito!!!!" Anh sigaw ni Pento pero nakatago sa likod ng kanyang mesa. (Lol)

Agad lumabas sina Lara.

"Ti....ti..tiya, ano po ang nagawa ko? Hundi po ako yun" natatakot na sabi ni Krono.

" Wag kang mag alala, sasanayin natin ang abilidad mo upang makontrol mo yan at hindi makapamindala ng iba" sambit ni Lara.

Kasabay ng pagbaba nila ay ang tunog ng pagyanig na tanda ng pagdating ng kanilang pinuno.

"Andyan na si Lolo!" Ang sabik na tila batang si Krono.

"Puntahan natin sya para makausap na rin bago makagawa ng kwento si Vice Admiral". At lumapit na sila sa paparating na barko.

"Magandang araw po lolo, salamat kay Faun sa ligtas na pagbalik" sabay yuko tanda ng paggalang.

"Pagpalain ka ni Faun" sabay hawak sa ulo ni Krono. Sya si Admiral Krato Ironclaw, matikas pa din oahit matanda na, 6'0 ang heigt, puti ang buhok at may maaliwalas na mukha.

"O apo, ano ang inulat sa akin na nagwala ka daw sa tanggapan ni Pento?" sermon pero tila natutuwa pa na sabi ni Krato.

"Lo, d ko sinasadya yun, bigla na lang parang nawala ako sa sarili ko at ayun yumanig na ang barko" kinakabahang paliwanag ni Krono.

"Wag kang mag- alala apo. Isa yun sa nagpapatunay na nasa iyo ang spirit ni Faun apo"

"Lara, gawin mo ang lahat upang sanayin si Krono sa loob ng isang taon dahil pagkatapos nun ay pagsasamasamahin na ang mga hinirang hindi upang maglaban kundi magtulungan." Utos nito sa anak.

"Pero ama, diba nakalagay sa propesiya ng mga pantas na maglalaban laban ang apat sa harap ni Izun?"

"Napag usapan namin sa pagpupulong ang bagong premonisyon ng huling pantas na buhay pa sa isla ng Izuna, ayon sa kanya, may paparating mula sa ikalimang bansa na maghahatid ng kadiliman sa mundo ng Ankorha at tanging ang apat na hinirang lamang ang pipigil dito" paliwanan ng admiral.

"Kung ganun ay magsisimula na tayo bukas Krono" baling ni Lara sa pamangkin.

"O....o....o...opo tiya" ang kinakabahang sagot ni Krono.

To be continue....

Guys sorry sa.sobrang tagal na muntik na tumigil na update. Subukan ko ulit kahit wala magbasa.. (comment if meron pls.) Lol

-ebay-

Next chapter: Ang mga Hinirang part 3

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Sep 23, 2015 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

PIRATES ELEMENT QUESTTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon