Chapter 8: Chocolate!

45 3 3
                                        

A/N: If you didn't notice, I titled the chapter chocolate, why? kasi Chapter 8 rhymes with chocolate :). Sorry korni aku ehhh. Tsaka tungkol rin sa chocolate yung story :)

Enjoy! :) [Sorry na SUPER SOBRANG LATE ang pag-update ko nito :( ]


--------------------


Jennette's P.O.V.


Si Mam Alex dumating na... okay skip skip

*dismissal*

Sa wakas dismissal na, kasama ko si Penny palabas ng school, sabay kami uuwi. Nag-usap naman kami.. about Taylor

"So ano, may gusto ka pa kay Taylor? xD" tanong niya sakin. Anong klaseng tanong yun!? -_- MALAMANG

"Malamang oo!" sagot ko

"Ahhh, sige. Chat nalang tayo sa facebook mamaya, nandito na bahay ko." sabi niya

"Ummm... sige" sagot ko.. anong gagawin niya?

Si Penny ganyan talaga pag-uwi, parang scripted yung mga sinasabi niya hahaha xD. Lagi siyang stressed pero matalino naman siya, nangongopya ako minsan sa kanya ng homework pag di ko alam xD, pero linilibre ko naman siya..

Pero may sinususpect ako kay Penny........................................ parang................................... uhhhhhhh.................... di niya talaga sinasabi sakin kung sino yung gusto niya sa klase...


Taylor's P.O.V.

Naglalakad na ako pauwi... bored. Grabe ang araw ko, ito ang worst first day of school ko. Kalimutan ko nalang yun, alam kong bukas magiging okay na ang lahat :)

*sa bahay*

"Daddy, nandito na ko." sabi ko. Oo, daddy tawag ko sa tatay ko xD

"Oh Taylor, okay ka lang? Mukhang masama araw mo ngayon ah sa tingin ng mukha mo.

"Okay lang po.." sabi ko nang nakangiti

"Ah.. sigurado ka? Kanina uyng mukha mo parang hindi ka okay, sabihin mo sakin problema mo." sabi naman ng tatay ko. Atleast may pakielam siya sakin.

"Okay lang po, pramis ^_^" sagot ko

"Sige ah." sabi naman niya

*pumasok sa kuwarto*

Pagpasok ko sa kuwarto lagi kong binubuksan agad yung laptop ko xD Gusto ko laging updated sa mga kung anong nangyayari dito hahaha xD 

*binuksan ang laptop, nag-online sa facebook*

"Huh?? Bakit ang dami kong notifications?" sabi ko sa sarili ko.

Ano kayang meron, may event ba? Di ko naman birthday ah ang dami kong notifications, di naman ako naglalaro ng Candy Crush. Ano kayang nangyari? Kahapon wala akong notifications ngayon 46 notifications tapos may messages.

"Huhh? hmmm ano to?" sabi ko kasi may biglang nagmessage sakin

Bakit kaya nagmessage sakin nanay ko??? Tignan ko nga. Hmmm

Sa chat...

Mommy: Namatay ang lolo mo Taylor :'( LOL :'(

What the....??!! 'LOL'?! Talaga mommy?  Yes mommy tawag ko sa kanya

Grabe, pagkabasa ko nito umiyak ako, patay na pala si lolo :( sa mother side.. sasabihin ko to sa tatay ko di pa niya yata alam.. Sobrang close kami ng lolo ko nung bata ako, huling beses ko yata siyang nakita last year pa... naaalala ko lahat ng ginawa namin nung bata pa ako, siya nagturo sakin maglaro ng basketball, patintero, ang dami niyang tinuro na games sakin.. pero nung lumipat sila sa Amerika ang tagal ko silang hindi nakita... :'(

Ako: Mommy, 'LOL'? Bakit LOL? tapos may crying face pa? alam mo ba ipigsabihin nun?
Mommy: Oo, bakit?
Ako: Ano sa tingin mo ipigsabihin nun??????????????
Mommy: Di ba Lots Of Love????

*facepalm*

To be honest naman, medyo natawa ako dun.... okay sobrang natawa xDDDD ano ba yan nakakainis kung sad at funny toh... sobrang sad kasi namatay lolo ko sobrang funny kasi akala ng nanay ko ipigsabihin ng LOL Lots Of Love xDDDD :(((( xDDD :((( xDD :(( xD :(

Ako: Mommy.... laugh out loud ipigsabihin nun
Mommy: Ahhh!! Hala! Sinabihan ko lahat ng relatives natin ng LOL... di bali sabihin ko nalang na akala ko lots of love..
Ako: Sige..............

GAHHHHHH....

*iyak-tawa*

HAHAHAHAHAHA.... huhuhuhuhuhuhuhu :'(.... 

*tumigil ako sa pagtatawa ko*

Salamat tapos na yun, grabe iyak-tawa ako... mukha akong baliw kanina, pero tumigil na tawa ko... yung luha ko parang bumuhos nang nalaman ko to... tinignan ko na notifications ko... eh yun pala ang dahilan... puro post na 'Namatay na si lolo :(' sa mga relatives ko tapos nakatag ako... may nagcocomment ng condolence..... Sobrang lungkot ko na :(

*may kumatok sa pinto*

"Taylor?" narinig kong boses sa labas ng kuwarto ko.. parang tatay ko.. nawala talaga ako sa mood... ito ang 'worst day of my life' 

"Taylor? Narinig ko na yung news.. alam kong malungkot ka." sabi ng tatay ko

Tumayo ako tapos binuksan ko ang pinto tapos kinausap niya ako.

"Taylor, alam kong malungkot ka, nangyari rin sakin yan nung kasing-edad mo lang ako, namatay rin ang lolo ko.."  sabi ng tatayu ko

"Isipin mo nalang ang mga magandang mangyayari.. wag ka nang malungkot...." sabi ng tatay ko

Sinubukan kong itigil ang pag-iyak ko, hindi talaga... bumubuhos parin, di ko talaga matiis. Hindi ko alam na ganito pala pag nawala ang isang taong importante sa buhay ko.. hindi ko akalain na sobrang tagal ng magiging pag-iyak ko..

"Iyakin mo nalang ang pakiramdam mo, yan ang sabi sakin ng tatay ko kahit ganyan parin ang edad ko, umiyak ka para medyo bumilis ang pagkawala ng masama mong pakiramdam." sabi ng tatay ko

Napansin kong lumuha ang tatay ko nang tinignan ko siya sa mata... Ako lumuluha talaga.... Hindi ko mapigilan...


Jennette's P.O.V.

Sa sunod na araw...

Second day of classes, yay! Papunta na ako sa school ^_^ I want to see Taylor again, gwapo niya <3

*pagpasok sa classroom*

May regalo ako kay Taylor kasi alam kong masama ang nangyari sa kanya kahapon... binasa siya ng dalawang yun... mga bully.. non-stop ang ingay pa... Regalo ko kay Taylor chocolate para gumanda naman  pakiramdam niya. Sana magustuhan naman niya.

Ayan si Taylor, bakit mukhang malungkot msiya? Di ko pa siyang nakita ganyan kalungkot.. Ano kaya nangyari?? :(

Okay, umupo na ako... kakausapin ko ba siya o hindi... ako ba magsisimula o hindi..?????? Hintayin ko siyang makiusap o hindi??????? lagio nalang ganyan nasa isip ko tuwing pumupunta ako tapos nandyan na si Taylor.... uhhh... ako nalang..

"Ahh ahhh.." sabi ko tapos tinignan ko siya, tinignan niya rin ako tapos lumingon ulit ako... 

Inhale exhale... Inhale exhale.. natatakot ako baka mapahalata ako.. Okay,.... eto na..

"Taylor, okay ka lang?" tanong ko..

"Ah.. okay lang ako." sagot niya sakin tapos ngumiti siya... halatang fake smile.. alam kong malungkot siya.

"Hindi ka okay Taylor, halkatang peke yung ngiti mo.. sabihin mo na sakin problema mo..." sabi ko

"Okay lang talaga ako promise" sabi niya sakin.. hindi siya okay.... 

Kinuha ko yung chocolate sa bag ko, nasa package na square... tapos tumabi ako sa kanya

"Taylor, eto chocolate para umokay yung pakiramdam mo." sabi ko sa kanya, sana tanggapin niya.. please please tanggapin niya... sana okay lang talaga siya o maalis na yung kung-anong nagpapalungkot sa kanya..

Sana tanggapin mo... please... nakakahiya naman kung hindi mo tatanggapin.. please Taylor..



--------------------


A/N: So... okay lang ba yung chapter na to??? :)

         (Sorry ulit dahil sobrang late ng update ^_^)


Lab StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon