Sana lang noon pa (ONE SHOT)

1.3K 32 10
                                    

Isa na siguro sa pinakamasayang pakiramdam ay ang mahalin ka ng taong mahal mo ng higit pa sa inaakala mo. Hindi masamang mangarap pero masakit lang umasa , lalo na kung alam mo namang wala kang pag asa.

~

*Beep*Beep*Beep* ~Arrrrrrgh. nakakatulig na pagbusina ng mga sasakyan

"Kuya dito nalang po ako" ~Sabay abot nung bayad .

Wooooaaah! Gumising na nga ako ng maaga para hindi malate tapos nagtraffic pa dahil sa banggan , kung sinuswerte ka nga naman eh no ?Ang  layo pa ng lalakarin ko papasok ng school

"TABI"~Sigaw na nanggaling mula sa likod ko , at naramdaman kong may tumulak sa akin .

"Sa susunod tumabi ka sa kalsada"~Sigaw nung babae mula sa Tricycle na muntik ng makabangga sakin na siya din namang tumulak sa akin para hindi ako mahagip ng Tricycle. Hindi ko masyadong nakita ang mukha niya pero parang estudyante lang rin

"Sorry"~Pabulong kong pagkakasabi ,kahit na malayo na ang pagitan ko mula sa tricycle. 

~

Mga ilang minuto rin ang inabot bago ako makarating dito sa school. Sakit sa paa , at ramdam ko padin yung braso ko na kumikirot dahil sa lakas ng impact ng pagkakatulak sa akin nung babae.

"Kim!" ~ Sigaw ng bestfriend ko na nasa labas ng gate . Lumapit siya sa akin.

"Good Morning neng" ~ bati niya sakin

"Anong Good sa Morning? Muntikan na nga akong mabangga eh"

"So kasalanan ko pa kung tatanga tanga ka?"~ sagot niya

"Kaibigan ba talaga kita o ano?"

"Joke lang eto naman eh"

*Tooth*Tooth*~ 1 new Message Fr. Leslie my Crush

GoodMorning! Ingat

"Oh? anong nginingiti-ngiti mo diyan?"

"Ah. Wa-wala"

"Nako! Umagang umaga Kim Tumatalandi ka nanaman ! Akin na nga yan" ~ Hinablot niya sa kamay ko yung Cellphone ko

"uyy, Wag!"~Pilit kong kinukuha yung Cellphone ko , pero hindi ko kinaya ang lakas niya

"Bruha ka! GM niya lang yan no wag kang assuming"~ Sabay bigay ng Cellphone sa akin at pairap-irap na nagsalita sa akin

"Alam ko! bakit? masama bang ngumiti? Diyan ka na nga"~Tumakbo na ako papuntang sa 4th year lane at iniwan siya ng nag iisa

"Teka lang Neng! Hintayin mo ko"

Napatigil ako sa harap ng couple's garden ng makita ko ang isang pamilyar na mukha , isang gwapo , matangkad , may kulay green na bag at may kaakbay na babae. Makikita sa mukha niya ang mga ngiting tila hindi maipaliwanag at mga titig niya sa babae na animoy nakatutunaw. Sino siya ? Siya lang naman si Leslie Madrigal , Classmate ko siya nung 1st year at 2nd year at ang Ultimate Crush ko , alam kong alam niya na Crush ko siya pero Hindi niya lang yon pinapansin at mapapansin ang tila unti-unti niyang pag-iwas sa akin tuwing magkikita kami sa personal buti na nga lang at hindi siya ganon sa akin sa text. First time ko siyang makitang may kasamang babae at sa couples garden pa. Kung tutuusin kahit sabihing Crush ko lang siya , ang sakit sakit sa dibdib na makita ko siyang may kasamang iba. Mahal ko na nga yata talaga siya kahit na wala siyang pakialam sa akin.

Sana lang noon pa (ONE SHOT)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon