*JASP*
Ang sakit ng katawan ko. Sh*t ang sakit talaga. Ano bang nangyari sakin?
Iminulat ko ang aking mata kahit mabigat ito. Sa paligid pa lang ay masasabi ko ngang nasa ospital ako, pero bakit? Ang sakit ng ulo ko."A-Anak?" mangiyak-ngiyak na sabi ng aking nanay.
"Nay! Bakit po ako nandito? At bakit ang sakit-sakit ng katawan ko?" hawak na ni nanay ang aking kamay. Patuloy ito sa pagiyak pero makikita mo sa kanyang mukha ang kagalakan.
Sa panahong ito ay wala akong matandaan kung ano ang nangyari sakin. As in wala. Pero kilala ko naman si nanay, si nanay Myrna pa kaya. Lalabs ko yun!
"Anak, hindi mo ba natatandaan? naaksidente ka kagabi... Papauwi ka na sa atin pero nasagasaan yung kotse mo ng truck" humagulgol na sabi ni nanay, Pero wala talaga akong matandaan. Paniniwalaan ko na lang talaga na nasagasaan ako. Pero saan ako galing at nasa kotse ako?
"Nay, saan po ako galing? bakit po ako umalis?" Ang dami kong gustong itanong kay nanay pero pinagpahinga na nya muna ako.
"Galing ka daw kila Jenny, hinatid mo raw sya galing sa socialization nyo" tanging sagot ni nanay bago ko pinikit ang aking mga mata. Sino kaya ang sinasabi ni nanay na Jenny at bakit ko naman siya ihahatid, at anong socialization? sa club ba iyon? sa organization? Sumasakit nanaman ang ulo ko.
Hindi ko namalayan ay nakatulog na pala ako. May mga bisita ako sa tabi ko ngayon, pero hindi ko sila makilala, tatlo sila, isang lalaki at dalawang babae.
"Sino sila nay?, kakilala ko ba sila?" tanong ko kay nanay. Makikitang halos umiyak sila sa sinabi ko, pero sino nga ba sila? kaibigan ko ba sila? kasama ba nila si Jenny na sinasabi ni nanay?
"Oo, mga kaibigan mo sila, siya si Jenny na sinasabi ko sayo kanina na hinatid mo kagabi, at sila din ang kasama ko sa socialization nyo" mahinahong sabi ni nanay.
"Pre naman, wag kang magbiro, diba kilala mo kami, ako? diba ako si Jeric? bestfriend mo?" mapapansin mong hindi talaga makapaniwala ang lalaking katabi ko ngayon. Jeric? bestfriend ko?
"Bestfriend? bestfriend ba kita?" mahina kong tanong sa kanya, hindi ko matandaan kung saan ko siya nakilala.
"Oo pre! hindi mo ba talaga matandaan? ako ito! si Jeric!!!! Magkaibigan tayo simula pa lang nung first year tayo... Wuy!! Ano ba Jasper!!" naiiyak na siya. Hindi ko rin maiwasang umiyak dahil sa dalawang babaeng sakama ni Jeric ay naiyak na din. Lalo na yung isa dun, maganda siya.
"Pagpasensyahan nyo na talaga ako, lalo na sayo Jeric, wala akong matandaan sa mga nangyayari." pagaanunsyo ko sa kanila.
May kumatok sa pintuan sa labas. Isang lalaking naka-puti, mukhang doktor ko sya.
"Mabuti at gising ka na Mr. Canadillo, mas mabuti na ding marinig mo na itong sasabihin ko... Mrs. Canadillo, si Jasper po ay may Amnesia, dahil sa matinding impact na nangyari sa kanya ng banggaan, naalog ang ibang parte ng kanyang utak at eto ho ang nangyari, hindi ko pa po alam kung short-term or long-term ang kanyang amnesia, pero mas mabuti na rin ho na ipatanda nyo na po sa kanya ang mga pangyayari. Malaking bagay na rin sa kanyang pagrerecover ang kanyang mga kaibigan." pagtatapos ng doktor.

BINABASA MO ANG
Expect The UnExpected :DD
RomanceIibigin mo ba ang isang taong nakasalo sayo ng LITERAL?? Naniniwala ka bang may FOREVER?? O hindi kaya DESTINY?? Isa itong kwento ng dalawang taong pinagtagpo sa hindi inaasahang pangyayari. Ika nga nila "Expect the Unexpected"