Chapter Thirty-one

13.5K 335 25
                                    

Chapter Thirty-one: The Impostor

'Flame's pov'

Masaya ako na bumalik na ang aking mahal. Alam ko na harsh ako kay Dannaya.. Pero para na rin to sa kanya. Ayaw ko ng saktan siya... Mahal ko siya pero mas mahal ko si Czaquia. Nandito pa kami sa cafeteria na ka upo bigla namang nagsalita si Czaqary..

"Hindi ko rin gusto ang mga sinasabi mo, Flame dapat pa ring respetuhin ang desisyon ni Dannaya.."- sabi nito sa akin.. Ang kwarto ba ang tinutukoy niya? Dapat lang naman na doon si Czaquia ah sa kanya yun...

"Tama lang ako, Czaqary kay Czaquia yun dapat siya doon.."- giit ko sa kanya..

"Hindi pa natin na siguro na siya nga ang kapatid ko, Flame.."- wika niya..

"Anong hindi sigurado, Czaqary kita natin ang mga palatandaan niya.."- sabi ko dito at isa pa lumitaw na ang mark ko at may mark rin siya tulad ng sa akin..

Hindi na natuloy ang aming bangayan ng tinawag kami ng nurse. Kaya dali dali kaming pumunta sa clinic at pumasok.. Nakita naming gising na si Czaquia kaya nilapitan namin ito..

"Allenna?"- tawag ni Czaqary lumingon naman kaagad si Czaquia sa amin.. At kita kong bahagyang natigilan si Czaqary.

"Kuya? ikaw na ba yan?!"- naluluhang tanong ni Czaquia. Tumango naman si Czaqary at lumapit sa kanya at niyakap ng mahigpit si Czaquia.. Ng pakawalan ni Czaqary si Czaquia ay lumingon ito sa akin..

"Flame..?" tanong niya... Kay lamyos ng kanyang tinig...

"Czaquia.. Mahal ko.."- madamdaming wika ko at niyakap siya...

'Czaqary's pov'

Naawa ako kay Dannaya feeling siguro niya inabandona na namin siya. Babawi lang ako sa kanya.. Nagsagutan kami ni Flame kanina hindi ko kasi gusto ang lumalabas sa bibig niya.. Kairita... Pero hindi na natuloy ang aming bangayan ng tawagin kami sa nurse kaya dali dali kaming pumunta sa clinic at pag pasok namin ay nakita naming gising na siya. Kaya tinawag ko ito.

"Allenna?"- tawag ko sa kanya agad naman siyang lumingon bahagya pa akong natigilan ng makita ko ang kanyang mga mata. Hindi kami parehas ng mga mata... Light blue ang mata namin at instead black ang iris ay dark blue ang sa amin pero black ang sa kanya..

"Kuya? Ikaw na ba yan?!"- naluluha niyang tanong.. Pinakiramdaman ko ang paligid ni isang patak ng ulan wala.. What the f?! Tumango lang ako at lumapit sa kanya niyakap niya naman ako ng mahigpit.. Wala akong maramdamang bond.. Bumitaw na ako sa yakap niya para kasing ibang tao ang kayakap ko... Hindi ko rin maramdaman ang lukso ng dugo..Nilingon naman ni Allenna si Flame...

"Flame?"- paano niya nalaman?

"Czaquia... Mahal ko.."- sambit ni Flame at niyakap ng mahigpit si Allenna.. Ewan ko parang nagka goose bump ako ng banggitin ni Flame ang pangalan nito...

"Ilabas mo na siya dito, Flame ihanda ko lang ang silid niya..."- sabi ko sa kanila at umalis na...

Pagdating ko sa dorm ay nandito na ang iba naming kasamahan..

"Gising na ba siya?"- tanong ni Agua na para bang kay hirap banggitin ang pangalan ni Allenna...

"Oo gising na siya.. Ihanda ko lang ang silid niya.."- wika ko...

Nilinis ko ang bakanteng silid katabi ng akin.. Dito na lang si Allenna ayokong kuhaan ni Flame ng silid si Dannaya.. Tapos na ako sa paglilinis kaya lumabas na ako nakita ko na man si Dannaya na pumasok sa kwarto niya.. Hanggang ngayon palaisipan ko pa rin kung paano niya nabuksan ang silid na yan...

Sapphire Diamond academy: The Long Lost Princess (COMPLETED)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon