JSV2

8 1 0
                                    

Maria Leonara's POV

Pagkarating ko sa bahay ay nadatnan ko sina mama at ang aking mga kapatid na nagliligpit na ng mga pinagkainan nila.

Lumapit ako kay mama at magmamano.

"Ma, mano po" sabi ko kay mama. Kukunin ko sa ang kamay ni mama ng bigla nyang iniwas sakin ang kanyang kamay.

"Pagod ako. Wag mo ng painitin ulo ko." Sabi ni mama. Tulad ng aking inaasahan, ganyan palagi ang sinasabi nya pag magmamano ako. Atleast sinubukan ko pa din kahit na alam kong hindi nya tatanggapin. Oh diba may english! Charr lang.

"Hoy ikaw ang maghugas ng mga pinggan! Pagod na yang mga anak ko at gusto ko na silang pag pahingahin! Ayusin mo ha!" Sabi saken ni mama na medyo pasigaw. Naramdan ko na parang  kumirot ang puso ko. Ano ba Leonara! Hindi ka pa ba sanay? Hindi pa ba sapat para mamanhid na lang?

"Sige po." Yun na lang ang sinabi ko. Tila ba nawalan bigla ako ng gana.

Umakyat na si mama at si ate jane sa taas. Sila ate Jasmine at kuya Jack ay pumunta ng salas para manood.

At ako ay tinignan ko muna kung may natirang pagkain upang kumain.
Binuksan ko ang Rice Cooker at nakahinga naman ako ng medyo maluwag. Mag natira pang mga apat na subong kanin at 2 pirasong gayat ng talong. Bigla akong nabuhayan ng loob. Ngayon na lang ulit sila nagtira ng pagkain para saken. At labis ko iyon na ikinatuwa.

Inumpisahan ko ng kumain. Pagkatapos kong kumain ay sinimulan ko na din hugasan ang mga pinagkainan namin.

Pagkatapos kong hugasan ay dumeretso na ako sa aking kwarto at humiga sa aking kama.

"Hays. Nakakapagod naman." Sabi ko sa sarili ko. Hindi ko na pinaltan ang aking mga damit dahil sa sobrang pagod. Sa tuwing hihiga ako ay naiinggit ako. Naiinggit ako sa mga kapatid kong babae dahil katabi nila si mama pagtulog. Ni ako ay hindi ko pa nakakatabi sa pagkatulog kahit kailan.

"Hays. Tama na nga yan Leonara! Matulog ka na at panibagong araw na naman bukas. Kaya ko to!!." Pag paagaan ko sa loob ko. Syempre ako lang din mag papalakas ng loob ako wala akong masyadong  close dito e.
Yes naman! English na naman. HAHAHAHAHA.

Sabi ko nga mag papahinga na ako.

Pumikit na ako at hinayaang makatulog ang aking sarili.

Just Smile VWhere stories live. Discover now