JSV1

13 1 0
                                    

Leonara's POV

"BILI NA MGA SUKI! FRESH NA FRESH ANG MGA TALONG AT PECHAY KO! KASING FRESH NG MGA MUKHA NYO KAYA BILI NA! MURANG MURA PA KAYA MGA SUKI, MGA PEOPLES BILI NA KAYO DYAN!" sigaw ko habang nag titinda ng mga gulay gulay.  Kanina pa ako dito nagsisigaw mula umaga kasi mukhang wala akong mabebenta pag di ako gumawa ng paraan. 

Mukhang hindi present mga suki ko ngayon ah.

"Tita bili na po kayo ng mga gulay! Oy ikaw ganda bili ka na! Pogi bili na po kayo fresh na fresh pa po parang ikaw!" Umupo na muna ako at uminom ng tubig. Nakakapagod sumigaw dito sa palengke. Kailangan talagang lakasan boses ko kase nga nasa palengke kaya madaming tao.

Hays..

Bago nga pala ang lahat , ako si Maria Leonara Mandaragal. Bunso sa apat na magkakapatid. 19 taong gulang na. May dalawa akong ate at isang kuya. Ang panganay ay si Ate Jasmine na 22 na taong gulang. Sunod si Kuya Jack na 21 na sunod si ate Jane na 20 taong gulang at ang panghuli ay ako. Kung mapapansin nyo lahat sila nagsisimula sa letter j ako lang talaga naiba. Siguro kase may galit saken si mama nung pinangalanan nya ako.  

Charot lang!! Alam ko naman na mahal ako ni mama kahit hindi nya pinapakita saken ni mama.

Ang mama ko naman ay si Josephine. Ang aking papa ay si Jared. Na namatay  noong ako ay bagong silang pa lang. Hindi ko man lang nakita sa personal ang aking ama.

Sad.

Ang hirap lumaki ng walang ama sa totoo lang. 

Napabalik ako sa reyalidad nung may bumili saken.

"Ganda pabili nga ako ng 30 pesos na talong mo saka 2 tali ng petchay." sabi nung ale.

"Ay ate masyado naman kayong honest! I like you po!" pabirong sabe ko sa ale.

"Ay ineng I like you too din. Ay sya ibalot mo na ang aking binibili at baka maihambalos ko pa sayo yan." Pabirong sabi din ng ale.

Ay aba aba. Ang hard naman ni Ate.

"Ito na po oh. Bilisan nyo din po ang pagbabayad at baka maihambalos ko din po sayo. " ganti ko kay ate. Anong akala nya papatalo ako. HAHAHAHA No way!

"Oh ito na. Una na ako at hinihintay pa ako ni mister. Salamat!"

"Thank you din po ate! Sa uulitin po!."sigaw ko kay aleng naglalakad na palayo.

"Okay na siguro to para sa pangkain ko mamaya." Binibilang ko ang mga perang napagbilihan ko ng mga talong at pechay kanina. 

Pagkatapos kong magbilang ay niligpit ko na ang aking mga paninda. Saka ako naglakad sa terminal  ng mga tricycle papunta sa bahay. Habang nag aabang ay kumalam ang aking sikmura.

"Gutom na ako. Sana naman ay may tinira sila saken ng kanin"sabi ko sa sarili ko.

Nang biglang may dumating na tricycle at sumakay na ako.


Just Smile VWhere stories live. Discover now