Intro

13 0 0
                                    

Vynix's POV

Ako si Vynix Ysabelle Santos. Ang tinambalang isa sa mga pinaka marupok sa aming paaralan. Simple lang ang buhay ko. Tulog, kain, aral lang. Nagbago lang nung nademonyo ako ng mga kaklase ko lumandi.

Papakilala ko naman mga toxic at peke kong kaklase. Char.

"Vynix gawan mo ko front page, bili habang wala pa si Sir Tuazon,"

Siya si Gianelle Samonte. Ang pinaka toxic kong kaklase na laging pinag uusapan sa hallway at labas ng campus. Maganda siya, oo, ugali lang ang nag papangit sa kanya. Plastik plastikan lang ang bait niya sa harap mo, sa likod mo pinag sisiraan ka na sa kung ano anong di naman totoo.

Tsaka ka lang niya nakikilala pag may kailangan siya tungkol sa acads. Pero I feel bad din sa kanya, kasi turing sa kanya ng mga kaibigan niya mismo ay kaaway.

"Kami din ni Risa, hehe ang galing mo kasi mag callig,"

"Sige wait lang tatapusin ko yung kay Gianelle."

Sila si Risa Feriez at Yhna Taliz. Ang mga pekeng kaibigan ni Gianelle. Toxic din sila of course.

Si Yhna ang kilala kong pinaka pokpok. Kala niya kinaganda niya yung mga koleksyon niya ng mga nakalandian niyang lalake sa campus. Tas paiyak iyak pa siya tuwing di siya papansinin nung mga lalaking nilalandi niya, like putangina mo girl kasalanan ba nung mga lalake na alam nilang reserba lang sila? Tsk.

Si Risa yung tahimik tuwing may chismisan, kunyare wala siyang pake sa mga usapan niyo pero deep inside nalalaman niya na mga kahinaan niyo. Tsaka niya ibubunyag dumi mo pag may ginawa lang masama sa kanya or inirapan mo lang siya. Taray diba?

"Tigilan niyo nga yan, pinapagod niyo kaibigan ko, di pa nga yan nakakagawa ng front page niya 'e,"

"Ok lang sakin Thea."

"Hindi ok samin noh, tangina halos sila nalang lagi inuuna mo tas mas mataas pa mga grades nila? Di kami papayag don,"

Pumaligid ang mga tunay kong  kaibigan na sina Thea Lopez, Kiara Mendiola, Jhaine Perez at Shaina Daitana.

Si Thea naging kaibigan ko simula nung elem. Siya ang pinaka matagal kong naging kaibigan pero hanggang ngayon wala akong masyadong alam sa personal life niya. Lagi siyang umiiwas sa mga tanong ko ewan ko kung bakit. Overprotective siya sakin so I cherish her so much.

Si Kiara ang boyish saming magkakaibigan, naka tatlong jowa na siya na babae, di ko aakalain na ganon kagandang babae pumapatol din sa babae, sayang amp. Good listener siya sa mga kwento ko tsaka masaya siya kasama.

Si Jhaine ang pinaka makulit samin. Siya lang ang walang crush sa kinalaki ng mundong to jusko. So bale taga support nalang talaga siya tuwing may mga kafling kaming apat HAHAHA.

Si Shaina yung may jowa. Sana all nalang kami sa kanya palagi kasi 5 years na sila ng jowa niyang tiga Russia hshs. Oo, LDR sila, mahirap man e atleast umabot sila ng ilang taon diba? Daig pa mga pinagpalit sa malapit hehe.

"Excuse me po, is this 9 - modesty po?"
Tanong ng isang lalaking binuksan yung pinto sa room namin pagkatapos kumatok ng ilang segundo.

"Yes po, ano po need nila?" Sagot ng president namin mula sa dulo ng room.

"Mag ca campaign lang po, SSG officers po kami. Inexcuse na po namin kayo kay Sir Tuazon,"

"Sige po pasok na po kayo,"

"Thank you po,"

Shit. Ampogi nung lalaki.

----------
©TensionedRose








Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 16, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

𝙢𝙖𝙧𝙪𝙥𝙤𝙠 𝙘𝙮𝙘𝙡𝙚Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon