👑2-Classmates

1 0 0
                                    

Chapter 2-New Classmates

Danica's POV
Pagpunta namin doon ay pumasok kami sa loob at naabutang nag babatihan ng papel yung mga lalaki at yung mga babae naman nag ce-cellphone. Hindi nila kami napansin kaya pumunta kami sa natitirang vacant seat, sa 4th Row nalang yung may tatlong vacant kaya dun na kami umupo.

Few minutes passed at dumating na ang teacher namin sa loob."Good morning class, So today I was Informed by the Principal na may bago kayong Classmates, so please stand up and introduce yourselves." Nagtinginan lang kaming tatlo at tumayo at pumunta sa harapan.

"Ako si Danica Mae Alvarez"

"Kristine Lim"

"I'm Yhvanna Claire Montalban"

Ngumiti kaming tatlo at pumunta na sa upuan namin. Uupo na sana kami nang bigla ko silang pinigilan. Teka lang," Ano Toh?" Turo ko sa upuan naming may liquid, nilagay ni Yhvanna yung daliri niya at inamoy." Glue??" Patanong na sagot ni Yc at pinunas agad sa table yung daliri niya." Miss Lim, Miss Alvarez, Miss Montalban, May Problema ba?" Tumigil si Ma'am sa pagtuturo at tumingin sa aming tatlo." Bakit pa kayo nakatayo?" Tumingin lang si Tin sa kin at sumagot." Miss, may naglagay po ng glue sa mga upuan namin." Tinignan naman kami ng mga babae sa harapan namin at binulungan kami." Naku, ate buti nalang hindi kayo umupo diyan. Mukhang napagtripan kayo ng Tatlong 'Hari ng kabalastugan' dito." Sinabi Niya at tinuro yung mga katapat namin na mga lalaki, at kung sini-swerte ka nga naman,kaklase ko pa yung bakulaw na bumangga sa akin kanina at teka nga, anong tawag sa kanila nung babae?? Hari ng Kabalastugan?? Sila??. Ughhh epal talaga yung mga lalaking yun.


Nilapitan kami ng teacher at Halata sa mukha niya na kilala niya kung sino ang naglagay ng glue sa upuan namin. Humarap siya sa mga lalaking katapat namin at Sinamaan sila ng tingin." Looks like I'm gonna see You three in Detention later." Kumuha nalang ng tissue si Maam at binigay sa amin yun." I hope these will help, ako na ang nag so-sorry sa inyo, lagi talagang may ganitong nangyayari sa Klaseng ito kaya sana masanay kayo." Bumalik na siya sa harapan at tinuloy ang pagtuturo, habang kami naman ay pinupunasan ang upuan namin,Ilang segundo rin ang tinagal bago namin malinis yung upuan at umupo na.


****
"Class, dismiss!" Nagtayuan na kami at nagliligpit na ng gamit nang may biglang nagbato ng papel sa ulo ko. Tumingin ako sa likod ko at nakita si mokong na nakangisi habang may hawak na papel." Ano bang problema mo??!" Sigaw ko sa kanya pero di siya kumurap, instead palapit lang siya ng palapit saken habang naka tinitignan ako ng diretso sa mata ko." Diba ikaw si Danica?"

"Bakit, may kailangan ka ba sakin?"

"Oo. Meron nga."

"At ano naman yon?"pumamewang pa ako sa harapan niya habang hinihintay siyang sumagot.Lumapit pa siya lalo sakin hanggang sa halos magkalapit na yung mga mukha namin.

"Akin na nga yan papel na hawak mo!" Sabay kuha doon sa papel na hawak hawak ko at tinalikuran na ko habang tumatawa ng mahina at lumabas na sila.

Kapal talaga ng mukha nun, kala mo naman talaga pang mukhang Hari yung itsura eh mukha namang Homo Erectus!" Hoy sis tara na!" Sigaw sa akin ni Yhvanna at dali dali naman akong pumunta at hinila na niya ako papuntang canteen.

Nang makarating naman kami don ay naabutan namin si kristine na nakaupo sa isang table at kumakaway sa amin kaya pumunta na kami agad sa kaniya at umupo sa tabi niya." May nabili ka na bang food natin?" Tanong ko sa kanya at tumingin nalang siya sa table namin." May Nakikita ka bang pagkain?" Pilosopo pa tong babaitang toh, porket ikaw yung pinakamatalino sa ating tatlo kung mag taray ka wagas.

"Gusto mo isampal ko sayo toh?"tinuro ko sa kanya yung book bag ko at ngumiti nalang siya.

"Ito naman di mabiro oh, Si Jasmine nalang daw yung oorder ng pagkain natin."

"Aayos ka rin naman pala eh." Inirapan ko nalang siya at kinuha yung phone ko sa bulsa at nakinig nang music.Di ko man lang namalayan na napapakanta na rin ako, nakapikit kasi ako eh.

🎵 Do you love the rain, does it make you dance
When you're drunk with your friendsata party
What's yourfavorite song, does it make yousmile
Do you think of me
When you close your eyes, tell me, what are you dreamin'
Everything, I wanna know it all🎵

Bigla naman akong nakarinig na parang may nakikanta kaya dumilat ako at nakita si Yhvanna na parang tumatambol ng onti." Bat ka tumigil?? Ganda kaya ng boses mo, para kang prinsesa!" Binola pa talaga ako ni Tin kaya naman tumawa ako at nang patuloy sa pagkanta.

🎵 I'd spend ten thousand hours and ten thousand more
Oh, if that's what it takes to learn that sweet heart of yours
And I might never get there, but I'm gonna try
If it's ten thousand hours or the rest of my life
I'm gonna lov-

"Wag ka ngang kumanta baka bigla pang umulan eh, kala mo naman ganda ng boses!" Pagpaparinig ng isang lalaki kaya Tumingin ako sa paligid at napansin ang isang table na malapit sa amin, puro lalaki ang nakaupo dun at malamang nandun din ang mga pesteng mga Lalaki na yun.


Di ko nalang sila pinansin kahit umiinit na talaga dugo ko sa kanila, baka kasi makagawa pa ako ng gulo ng wala sa oras.Tinapik nalang ni Kristine yung balikat ko,"Wag kang maniwala sa kanila Dani. Sadyang pinanganak lang talaga silang pa-epal." Diniinan pa niya talaga yung huling word na I'm sure na narinig nung mga lalaki.

****
Kristine's POV
Bigla nalang tumayo yung mga lalaki at pumunta sa table namin, at yung isang lalaki naman nilapit niya yung mukha niya kay Kristine." Pinaparinggan mo ba kami?" Tinignan lang siya ni Kristine at nagsalita,"Hindi naman kasi lahat ng patama tungkol sayo, sadyang natatamaan ka lang naman kasi feel na feel mo masyado." Tinuro ko ang noo nung lalaki at sabay inurong nang malakas ang mukha niya kaya natumba siya bigla. Ha! Buti nga sa kaniya.

"Aray!!" Hinimas himas pa niya yung pwet niya bago siya tumayo."Gray,Ok ka lang ba?" Tanong pa nung lalaking katabi niya at tinulungan siyang tumayo. Gray pala pangalan niya, bagay na bagay sa kanya, kasing kulay ng ugali niya eh."Yan ang bagay sayo." Bulong ko sa sarili ko pero mukha narinig niya," Hoy Ikaw! Kilalanin mo kung sino yung binabangga mo. Baka magsisi ka pa na binabangga mo ang isang tulad ko."Binantaan pa talaga ako nitong lalaking to ah.


"Tin let's go na." Sabi sakin ni Danica at sinubukan akong hilain pero pinigilan ko siya." Mamaya na,Dani. Babarahin ko muna tong animal na to." Hinarap ko si Gray at umirao sa kanya." FYI, di ko kailangan malaman kung sino ka kasi wala akong pakialam, And I don't regret saying this to you because as I said." Lumapit ako sa kanya lalo at tinignan siya sa mga mata niya." I.don't.give.a damn.shit.about.you."Hinila ko na sila Danica at Yc at pumunta sa Classroom.

Wow.Medyo nasobrahan ata ako sa lalaki na yon ah. Ugali ko naman talagang mambara at mang I-snob ng tao. Pero hindi ko masyadong pinapairal tong side ng ugali ko kaya ok lang namin kila Danica pati kay Yhvanna.

Pagkapasok namin ay sakto palang nakasunod na pumasok yung teacher, Si Sir Arsenal ata yun.Ay Shit! That means History class na pala. Hays nakakatulog pa naman ako pag dating sa ganitong mga subject, nakakaboring kasi eh.

Sinubukan kong makinnig sa lesson ni Sir kahit na kanina pa ako hikab ng hikab, 'Para na rin toh sa grades, Kristine, Diba pinangako mo sa sarili mo pati na sa mga parents mo na magiging Valedictorian ka sa graduation.' Sinabi ko sa isip ko kaya naman nakinig ako sa lesson ni Sir, I checked the time,23 minutes pa bago mag ring ang bell.

Hay nako! Nag pa-quiz pa talaga si Sir, Buti nalang may naintindihan pa ko kahit papaano. Habang dini-dictate ng Teacher yung mga tanong may tumatawag sakin sa tabi ko. Nako si Gray Suplado pala. Ano nanaman bang kailangan nito sakin?!!" Pstt. Pstt. Huy Kristine." Kanina pa niya tinatawag yung pangalan ko kaya humarap ako sa kanya." Ano ba?!!!" Bulong ko sa kanya at tinitingnan niya yung papel ko." Pakopya ako." Tama ba ang narinig ko? Anlakas naman niya magsabi ng ganyan matapos niya kong Bantaan kanina, Tss asa naman siya." Ayoko nga, tingin mo sayo sini swerte?"

Humarap nalang ulit ako sa papel ko nag lagay na ng sagot ko. Pero hindi pa den siya tumigil sa kakatawag sakin,'Hindi ka talaga titigil ha??'

****
Song Title:10,000 hours (Dan+Shay, Justine Bieber)

Maiden RoyaltiesWhere stories live. Discover now