Chapter 1」Once Favorite | 2003

10 0 0
                                    

"Marami kang magiging kaibigan sa amin" - my papa once said before they took me to their place.

It was my Lola's death. I was three when they took me. Dapit hapon  naglalaro ako sa bakuran ng Bahay namin. Simple lang Ang buhay, mahirap lang kami noon pero mayaman sa pagmamahal  ng magulang. I remembered that day mag- isa akong naglalaro ng bigla akong tawagin ng aking mama.

"Anak si lolo mo nandyan, tama na yan hinahanap ka niya". Kaya naman dali- dali akong naglinis Ng kamay dahil napupuno ito ng lupa. Saad pa ng stepfather ko "maligo kana nak ! Hinihintay kana ng lolo mo", "Opo" - sagot ko naman at nagmadaling pumasok ng banyo para maligo. Hindi ko maiwasang mapakanta habang nagkukuskos ng katawan.

Kalaunan pagkatapos magbihis ay pinaupo na ako ni lolo sa tabi niya, Niyakap niya ako at kinandong sa hita niya. Kaya naman hindi ko mapigilang mapangiti habang hawak ang aking favorite na na teddy bear.

Sambit niya "sumama kana sakin Ng lola mo anak ko". Kaya naman nagtataka na ako at dahan- dahang tinitigan ang mama at papa ko. "Marami kang makakalaro doon at  marami kang magiging kaibigan"- dagdag pa ng aking lolo. Hindi na ako nakapag- isip non at ngumiti na lamang sa lolo at Lola ko....

Victory Liner
Time check : 4:30 pm
Location: Subic Zambales

Pagkatapos ng tatlong oras na byahe ay nakarating na rin ako sa bahay ng lolo ko. Napakasaya ko dahil totoo nga . Napakaraming bata Ang sumalubong sakin. Sa pagkakatanda ko nasuot ako ng white dress habang bitbit Ang manika na dala ko galing manila.

"Hello, ikaw ba si Mesiah ?" - Saad Ng ateng noon ay Hindi ko pa Kilala. Mahiyain ako at palagi lang nakangiti kaya naman. Tumango lang ako at ngumiti sa kanya. Habang sunod- sunod na atensiyon na Ng iba't - ibang bata Ang lumapit sa akin.

Gusto raw kasi nila akong maging kaibigan. Kaya naman Hindi na ako nag atubili na makipaglaro sa kanila at natapos ang araw  na puro kami tawanan na tila walang hangganan. At parang ayoko ng tigilan.

Napakasarap namang balikan dahil sa kanila ko pala unang naramdaman ang una at tunay na kaibigan. Subalit akala ko puro nalang kasiyahan Ang pwedeng maranasan kapag kasama Ang kaibigan.

Hindi ko pa pala kilala ang totoong mundo. Sabagay sino nga ba ako ? Isa lamang akong paslit mg mga panahong ito. Isang inosenteng bata na walang muang sa tunay na mundo. 

Kaya kung may ipapayo man ako sa kabataan ngayon. Wag niyo sanang masyadong alalahanin ang mundo. Mag enjoy at matuto lang kayo na maging Isang mabuting tao. Huwag niyo muna sanang limitahan Ang kakayahan na meron kayo.

Kaya naman para sa mga kapwa ko na maagang namulat sa mundo. Iparanas niyo sana sa mga bata ang buhay ng walang panghuhusga at pasakit na maari nilang madalas sa mga susunod na panahon pa. Sa mga magulang , wag niyo sanang iparanas sa kanila Ang pagiging ulila na sobrang kulang sa aruga. Maramdaman sana nila tunay na pagmamahal habang bata pa.

The Inconvenient Me Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon