Chapter

111 6 0
                                    

Nagising siAga ng tumunog ang cellphone niya. Si Lea ang tumatawag kaya agad niya itong sinagot.

"Babes! Help me please! Andrew is our house, me and the twins are hiding in the closet. Babes please come here I'm scared, he has a gun. Babes please..." Lea said while crying

Hindi na sumagot si Aga agad siyang tumayo sa hopital bed at tumakbo palabas.

"Sir! Hindi pa po kayo pwedeng umalis. Binilin po kayo sakin ng Doctor niyo." Pag-pigil sa kanya ng isang nurse

"Wala nakong oras mag-explain nasa panganib ang buhay ng mag-ina ko kailangan nila ako!" Sabi ni AGa at tsaka tumakbo muli palabas

Kahit tinatawag siya ng nurse ay hindi na siya lumingon pa dahil alam niyang nasa panganib ang buhay ng pamilya niya.

pagkalabas na pagkalabas niya ay huminto ang isang taxi sa harapan niya at agad siyang sumakay.

"Manong sa Alexandra village po blk 3.Paki-bilis lang po manong yung mag-ina nasa panganib!"Natatarantang sabi ni Aga

Hindi na sumagot ang driver at agad na pinatakbo ang sasakyan.

Matapos ang 2 oras na biyahe ay agad siyang bumaba sinabi rin ni Aga na hintayin lang siya ng driver.

"ANDREW! HAYOP KA!" Sigaw ni Aga ng makita niya si Andrew

"Oh buhay kapa pala?--Sige subukan mong lumapit dito kung hindi tutuluyan kita!" Sabi ni Andrew ng makita niyang pa-palapit si Aga sa kanya

"Nasan ang mag-ina ko?!" Galit na sabi ni Aga

"Huwag kang mag-alala iiwan ko naman ag kambal sayo eh, ang pakay ko lang naman dito ay si Lea." Andrew

"HAYOP KA?! ILABAS MO ANG MAG-INA KO!!" Bulyaw ni Aga

"Nako yun lang naman pala eh, wag kang ng magalit si Lea lang naman ang kailangan ko eh."Andrew

Umalis si Andrew at pag-balik niya ay kasama na niya si Lea.

"GAGO KA BITAWAN MO SI LEA!!!" Sigaw ni Aga ng makita niya si Lea

"Sige lumapit ka Aga ng makita ni Lea kung paano ka mamatay." Sabay tutok ni Andrew ng baril kay Aga

"ANDREW WAG! WAG MONG IDAMAY SI AGA DITO AKO! AKO NAMAN ANG KAILANGAN MO DIBA? WAG MO NA SIYANG SAKTAN ANDREW!" Umiiyak na sambit ni Lea

"Manahimik ka nga! Alam mo bang pag hindi ko pa pinatay yan, hindi ako tatantanan niyang lalaking yan. Kaya mas mabuting manahimik muna yan bago kita kunin." Andrew

"ANDREW PLEASE! WAG MO NA SIYANG SAKTAN!!" Sigaw ni Lea

"Hindi kaba talaga titigil?! Ang sabi ko manahimik ka!!" Sabi ni Andrew at sinampal si Lea

hindi naman naka-ligtas sa mga mata ni Aga ang nakita niya, nakita niya kung pano saktan ni Andrew si Lea. Nag-dilim na ang paningin niya ng makita niya yun.

Agad niyang sinugod si Andrew at tinulak dahilan upang bumagsak ito.

Nang bumagsak si Andrew ay agad na kinuha ni Aga si Lea, lingid sa kaalaman nila ay nakatutok na ang baril ni Andrew kay Aga.

Nakita ito ni Lea at agad na tinulak si Aga dahilan para saluhin niya ang bala na dapat ay tatama kay Aga.

"LEA!!" Sigaw ni Aga ng makita niyang bumagsak si Lea

"B-babes s-sorry ha? I-ikaw na ang ba-bahala sa kambal ha?" Lea

Maski si Andrew ay nagulat sa ginawa ni Lea agad siyang tumayo at lumabas ng bahay nila.

Again ?Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon