CHAPTER 21

65 1 0
                                    

KEN'S POV

Ang bigat bigat lang sa pakiramdam
Ang sakit sakit pa rin

Bakit ganun na lang kadali para sa kanya na sabihan ako na hindi nya na ako mahal
Bakit ang dali nya na lang akong nakalimutan
Bakit Hindi man lang nya ko binigyan ng pagkakataon na ibalik yung dati
Bakit ganun ganun na lang

Nandito  ako sa labas ng mansion namin, hindi ako mapasok kasi  ayokong makita nila akong ganito

Tinawagan ko si Ke

"Hello" dinig ko matapos nyang sagutin
"Ke"
"Asan ka ba? Bakit bigla bigla ka na lang nawawala"
"Nagkausap kami ni Alieya" matamlay kong sabi
"Really?"excited na tanong nya
"Yeah"
"Anong nangyari? Bakit ang tamlay mo?"
"Saka ko na ikukwento sayo"mahinahong sagot ko
"Ahh sige nasan ka ba?"
"Nandito sa labas"sagot ko
"Ok Ok pupunta ako dyan"
"Sige hintayin kita"
"Amnn sige"
"Sige"
"Ok bye" sabi nya at binaba na nya

Hinintay ko sya pero 25 minutes na nakakalipas wala pa rin sya at naging maayos naman na pakiramdam ko

Nagdesisyon na kong pumasok pero bago yun ay tinawagan ko muna sya

"Sorry Ken natagalan may dinaanan pa ko eh" sabi nya matapos sagutin
"Ah okay lang, papasok na rin naman ako" sabi ko
"Okay ka lang?" Tanong nya
"Oo, sige na" sabi ko
"Sige"

At binaba ko na ang tawag

Nakita ko sila Max nanagkukwentuhan at nagtatawanan at nahagip ng mata ko si khate na nakangiti habang nakatingin sa cellphone  nya

'Bakit sya nandito? Magaling  na ba ang balat nya'

Nakita ko si kyle kausap si kuya troy

'Tss'

Hindi ko na lang sila pinansin at nagtuloy na ko papasok sa mansion naligo muna ako bago ako matulog

...

KINABUKASAN...

Nagising ako dahil sa ingay ng Alarm clock ko, minulat ko ang isa kong mata

5:00

Ang aga aga pa eh, wala namang pasok ipinikit ko ulit mata ko at pinilit makatulog pero kung ano ano na ang naiisip ko hindi pa rin ako makatulog

Nakasakay ako ngayon sa kotse at ang Nagdadrive ay si Dady, si Momy naman ay nasa airport na nag hihintay

"Dady can you please stop the car"sabi ko at tumingin sa tambayan namin ni kitkit

"Why son?"

Nakita ko si kitkit na nakaupo sa isang bench at nakahalumbaba mukhang inip na inip na sya kakahintay sakin..

Dyan ang tagpuan namin, dyan kami unang nagkakilala

Hindi ko sinagot si Dady at bumaba ako ng kotse at lumapit kay kitkit

Bago pa ko tuluyang makalapit ay napatingin na sya sa dereksyon ko, yung kaninang bored na mukha nya napalitan ng ngiti

Ngayon pa lang kasi ako magpapaalam sa kanya kasi hindi ko kinakaya magpaalam kahapon kasi masaya kami nun lalo na sya ayaw ko namang biglang maging malungkot dahil lang sa pagpapaalam ko

Tumayo sya at sinalubong ako

"Hi.. akala ko iindyanin mo na ko eh" masaya nyang sabi sakin

Pilit  akong ngumiti sa kanya

"Tara dun sa tree hous--" sabi nya at hinigit ako pero hindi ako nagpahigit sa kanya kaya napatigil ang pagsasalita nya

DREAM ON YOU  (Published On Wattpad)Where stories live. Discover now