Chapter 3 Dream (2)

9 0 0
                                    

  Nagising ako sa yugyug sa akin ni mama. "Pia gumising ka na at tanghali na" Marahang paggising sakin ni mama. Nagtaka naman ako dahil hindi ako madalas na gisingin nito.

"Ma naman, wala akong ganang pumasok sa school, alam niyo naman ang nangyari kay Nathan hindi ba?"

" Anong walang gana? Alam mo namang exam niyo ngayon tapos bigla kang mawawalan ng gana pumasok? Nababaliw ka na ba? At tyaka sinong Nathan at anong nangyari sa kanya? Ah basta, maligo ka na at magbihis nang makakain ka na ng almusal sa baba at marami pa kong gagawin"

Sunod non ay dire-diretso ng lumabas ng kwarto ko si mama at naiwan aking hindi manlang nakapag salita.
Anong nangyari kay mama at bakit hindi niya kilala si Nathan? Umaakto ba siya na ganon para hindi na ko mag kulong sa kwarto ko katulad kahapon? Kikilos na sana ako ng muli ay naalala ko si Nathan at biglang nawalan ako ng gana na kumilos. Mga ilang minuto rin akong nakahiga. Ngunit dahil hindi na ako makabalik sa pagtulog ay minabuti kong maligo na. Halos kakatapos ko lang maligo ng kumatok muli si mama sa pinto.

" Pia ano ba? Sinabi kong male- late ka na, bakit ang bagal mo kumilos?" Medyo pasigaw at galit ng sabi nito.

" nagbibihis na ko ma!" Sagot ko rito.

" bumaba ka na at kumain ng maka alis na kayo.

Nang makababa ako ng sala at pagdating ko sa hapag ay nagulat ako sa nakita ko.

" Papa? Bakit narito kayo?" Takang tanong ko dito.

" Ano yun Pia? Bakit mo naman ako tatanungin kung bakit ako narito sa sarili kong pamamahay?"

" ha? Anong?" Hindi konna natuloy ang sasabihin ko ng mapatingin ako kay mama ay napansing pareho sila ng expresyon sa mukha ni papa at tila ako pa ang hindi nila maintindihan.

Tyaka palang tila pumasok sa utak ko ang mga nangyayari. Nananaginip yata ako. Nasabi ko sa sarili ko tyaka ko kinurot ang braso ko.

"Aray ko" napahiyaw ako sa sakit. Peke naman pala yung sinasabi nila na kailangan mo lang kurutin ang sarili mo kapag nananaginip ka.

Bigla ay sinapo ako ni mama sa noo at leeg. " may sakit ka ba Pia? Kanina pa ko nagtataka sa mga ikinikilos mo"

" ah wala ma" nasabi ko nalang. Hinintayin ko nalang matapos itong panaginip ko at naisipan ko nalang na enjoyin ito.

Matapos naming kumain ay ihinatid na ko ni papa sa school namin.

Tama nga ang sabi ni mama na araw nga ng exam ngayon kaya naman medyo nag alala ako dahil baka wala akong maisagot sa mga tanong. Pero ng maibigay na ang mga papel at napansin ko na medyo madali ang mga tanong ay nawala na ang pag-aalala ko. Hindi naman ako nagdalawang isip na hulaan ang ibang mga tanong na hindi ko maintindihan dahil panaginip lang naman ito.

Sa kalagitnaan ng exam ay nagtaka ako ng bigla kaming pinalabas sa classroom at pinapunta sa stage ng school.

Doon ay naalala ko na mayroon palang event noon at may mga artistang magpe-perform sa stage.

Naging malakas ang mga hiyawan ng mga tao dahil talaga namang mga sikat ang mga artista sa harap namin.

Ngunit hindi ko alam kung bakit hindi ko gaanong na enjoy ang mga performance. Dahil siguro sa ibang tao ang gusto kong mapanood sa harap ng stage.

Narinig ko na malapit ng matapos ang Event at isang tao nalang ang hindi pa nakakapag perform kaya naman naisipan ko nang umalis.

Ngunit napahinto ako ng marinig ko ang pangalan ng gaong huling mag pe-perform. "Nathan Sparks" malakas na sabi ng host at naghiyawan ang mga tao. Napatingin akong muli sa stage at tama nga ang hinala ko. Ito siguro ang dahilan kung bakit ako naririto.

The FangirlWhere stories live. Discover now