Ika-apat

4 1 0
                                    

ADRIELLE'S POV

"I'll take you home" pagpepresinta ko pa. Bakas sa mukha niyang nagaalala siya. Baka pagagalitan ito ng magulang niya.

Tumango lang ito sakin bilang tugon.

'tss. Pagod na nga'

Naging tahimik ang biyahe, walang sinuman samin ang umiimik, nagsasalita lang ito kapag ituturo niya na ang daan. Hindi gaanong traffic kaya narating namin agad ang bahay niya.

Nagpark lang saglit ako at pinagbuksan na siya ng pinto. Mapupungay na ang mga mata, antok na siguro.

"Thank you Icy" pagod man ngunit kinaya pang magbiro.

"Sa uulitin anny" sagot ko rito. Pinaikling annoying. Siya kasi ang nagdrama ng nagdrama, nagkwento ng nagkwento kaya ganyan ang pagod niya. Kawawang anny.

"Kung mauulit. Hahaha, thankyou sa pagsama"ngumiti ito sakin kaya nginitian ko nalang rin siya.

Umikot nako at sumakay ng kotse ko, kinawayan ko ito bilang paalam.

"goodnight" hindi ko na inintay pa ang sagot nito at nagmaneho na ako pauwi. Sa biyahe ay inaatake narin ako ng antok.

Mabilis at sobrang tulin ng pagmamaneho ko dahil maluwag ang karsada. Ilang minuto lang rin at narating ko na ang bahay ko.

Pagkapasok na pagkapasok palang ay sinalubong na ako ni chichi, My chowchow.
  I went to my wardrobe and look for pajama. Sanay akong matulog ng walang pangitaas.

Pagkatapos nuon ay umupo muna ako sa'king kama at akmang hihiga na ngunit..

*RING!*RING!*RING!*RING!*RING!*RING!*

'Unknown number?'

"Hello" sinagot ko nalang.

"Remember me?" tanong agad nito sakin. Pamilyar iyon saking tenga ngunit gusto ko ng kumpirmasyon. Sa tagal ng pagkatahimik ko ay nagsalita muli ito.

"Nalingat lang ako saglit... Kasama mo na si aliyah, tch! Ibang klase" Tama ang hinala ko sa likod ng pamilyar na boses na iyon, Si steve matalik na kaibigan ko dati. Hindi ko alam kung paanong nakuha nito ang number ko, tsh! Malamang kay ella.

At mas naguguluhan ako kung bakit kilala nito si aliyah?mas lalong paano nalaman nito na kasama ko nga si aliyah?

"Oh bakit?" pormal kong tugon. Narinig ko kung paanong humugot muna ito ng malalim na hininga bago nito ako sagutin.

"Stay away from her" maybahid ng utos sa matitigas na salitang binitawan niya.
Pero bakit?

'whut?? Did I do something wrong? Im not even flirting her, wtf'

"Look bro, I don't know why and how are you connected to aliyah but she's a friend of mine, Nasa iyo na ella pati ba naman ito pakikielaman mo?" sagot ko naman dito.

"Labas dito si ella adrielle, Si aliyah ang pinaguusapan dito"

"So?" nanghahamong tanong ko, Parang unti unti ko ng nalalaman kung anong koneksyon nito kay aliyah. Psh! Two timer.

Ramdam kong sa kabilang linya ay nagiigting na ang panga nito at marahil ay nasalo ko na ang kamao niyang papunta sa mukha ko.

"Ok let's make a deal. Ibabalik ko si ella sayo at ibibigay mo sakin si aliyah" nangmarinig ko iyon ay lalong naginit ang ulo ko.

'ano bang klase ng lalaki 'to?'

"fvck you bro! Anong akala mo sa babae? Laruan?" pinipigilan ko ang maglapat ng sobrang emosyon baka kung anong masabi ko. Humugot ako ng malalim na hininga at nagsalita ulit..

Until I Became Your SubjectWhere stories live. Discover now