Chapter 1

13 0 0
                                    

Diana's POV

Hinagis sa akin ni papa ang papel na ibinigay ko sa kanya bigla itong tumapon sa sahig at hinayaan ko syang magsalita ng magsalita

"No Diana you can not do this! Hindi ako papayag!"

Bigla namang lumapit si mama para pakalmahin si papa na alam kong konti nalang ay sasabog na sa galit, binigyan sya ni mama ng isang baso ng tubig para kumalma

"Di ako papayag na mag shi-shift  ka ng course"

Galit na galit si papa dahil mag shi-shift ako ng course, sya lang naman ang gustong maging doktor ako, simula pagka bata ay pina pabasa na nya kami ng mga medical books, na iingit nga ako sa ibang bata noon, kung sila fairytale at story book ang binabasa ,ako  isang maliit na libro tungkol sa pagiging doktor

"Ano bang pumasok sa utak mo Diana at bakit gusto mong mag shift ng course?"

"Sinabi ko na sayo nung umpisa dad! Ayokong maging isang doktor! Kaya gusto kong mag shift into Fine Arts dahil gusto kong maging painter"

Tinawanan lang ako ni daddy, napansin na nila na mula pagka bata ay magaling akong mag drawing at mag paint, pero nagalit si papa at sinunog nya lahat ng mga drawing book ko.

Akala ko kung susundin ko sya sa mga gusto nya ay mapag bibigyan nya ako sa gusto kong kunin na course, but its the biggest mistake that I have made, tiniis ko ang dalawang taon sa pagiging medical student, pero deep with me alam kong  gusto kong maging isang painter.

"Arts? Ano bang mapapala mo sa pag da-drawing ? Come on Diana ipagpapalit mo ang magandang trabaho dahil jan sa mga drawings mo?"

"Pwede ba pa! Let me deside my self, matagal ko na tong pinag isipan"

"Pwes Diana kung yan ang gusto mo lumayas ka dito at asahan mong puputulin ko ang credit card mo at wala kang matatangap na kahit anong tulong mula sa akin!"

"Alam kong yan ang gagawin mo pa! Fine aalis ako dito kung yan ang paraan upang makalaya ako sa bahay na to!"

Kinuha ko ang bag ko na nasa sahig at umakyat sa taas upang kunin ang mga  gamit ko, binuksan ko ang cabinet at kinuha ko ang maleta upang doon ipasok ang mga damit ko, hindi ko namalayan na pumasok pala si mama sa kwarto ko

"Diana I know malaki mana pero nagaalala ako para sayo! Alam kong gagawin ng papa mo ito, but please stay with us"

Sinabi sa akin ni mama habang naka hawak sa shoulder ko at bigla akong napa hinto sa pag iimpake

"No ma! all my life sinunod ko sa mga gusto nya,pero subra na hindi porket doctor si papa ay magiging doctor rin ako dahil magka iba kami"

At nagpa tuloy ako sa lag iimpake, si mama lang ang nakaka unawa sa amin ng kapatid ko, kabaliktaran sya ni papa, sobrang soportive ni mama at ramdam namin na gusto nya kaming maging masaya  pero dahil na rin sa walang  lakas ng loob si mama ay di nya masabi kay papa ang totoo

"Promise me mom na hindi nyo pababayaan ang sarili nyo! Kayong dalawa ni Aliyah dahil mahal ko kayo"

I give mama a big hug nakikita ko sa mga mata nya ang mga luha na babagsal na pero pinipigilan nya. Kinuha ko ang maleta and go downstairs, pero may biglang nagsalita sa likoran ko

"Diana kung aalis ka make sure na di kana babalik pa!"

Di ko pinakinggan si papa at lumabas ako ng bahay dala-dala ang mga isang malaking maleta na naglalaman ng gamit ko at isang backpack kung saan nakalagay ang mga importanteng mga papeles

In my 20 years of existence ngayong ko lang naramdaman na malaya ako, waka sya mga batas at utos ni papa. Parang masaya ako dahil alam ko na kakayanin kong mabuhay mag isa

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Jan 12, 2020 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Tommorow With YouTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon