OO1

7 1 0
                                    

lia.

"hoy, ryujin. nakita mo si yeji?" tanong ko dahil simula kaninang umaga, i mean kahapon pa after nung tanggihan ko siya na-ilibre, di na nya ako pinapansin.

"hindi, eh." simpleng sagot niya tyaka kumagat sa burger na hawak-hawak niya. "nag-away nanaman kayo?" um-iling ako.

"eh, bakit di kayo nagpapansinan?" usisa nya kaya inirapan ko nalang siya. "wag mo na ngang ipaalala!"

"sus. nang-iiwas ng tanong. tch." bulong niya pero narinig ko.

inirapan ko siya at umalis na para hanapin si yeji. nakita ko siya sa may lockers, kausap si yeonjun, yung manliligaw niya.

"oo na, sinasagot na kita!" masayang sabi ni yeji.

nakita kong binuhat siya ni yeonjun na pa-bridal style, pagtapos ay hinalikan ng mabilis sa labi. pansin ko ang matinding pamumula ni yeji dahil sa ginawa ni yeonjun, at napapangiti pa ito.

"I LOVE YOU, HWANG YEJI!" sigaw ni yeonjun at binaba si yeji, pagtapos ay pinisil ang namumulang pisngi dahil sa kilig nito.

"I-I LOVE YOU TOO, C-CHOI YEONJUN!" nauutal na sigaw nya rin. mas lalo siyang namula at halatang nahihiya na kinikilig sa pinagagawa nila.

nagyakapan sila habang may malapad na ngiti sa mga labi. habang ako? umalis ako na nakayuko.

hindi ko alam, pero pakiramdam ko nasasaktan ata ako.

naiisip ko kasi....

paano na ngayon? yung pagkakaibigan namin? ung atensyon nya... kay yeonjun na ba lagi? pano na ung mga bonding namin every saturday? ngayon ba si yeonjun na lagi kasama niya?

ang daming tanong ang gumugulo sa isip ko... pero mas nakakagulo ito...

bakit parang nasasaktan ako?

maya-maya'y napangisi ako.

papansinin mo rin ako ulit, hwang yeji. tandaan mo 'yan.

mag-eeffort ako para sa'kin ulit ang atensyon mo... para sa bestfriend mo ulit ang atensyon mo... para sa bestfriend mong nagngangalang choi jisu.

TESTWhere stories live. Discover now