emotions left unsaid

22 1 0
                                    

           Isa to sa mga short stories na nasulat ko na. Naisip ko lang i-try na ilagay dito sa wattpad.

Super short story lang. :-)

    Ayan na naman siya. Papalapit sa kinatatayuan ko. Kailangan ko ng tumakbo at umalis na ngayon din, dahil oras na tuluyan siyang makalapit sa akin baka hindi na ko makaahon pa sa kumunoy na kinalulubugan ko ngayon.

                Ngumiti siya. Nginitian niya ako. Tila nanlamig ang pakiramdam ko. Para bang may sariling isip ang aking mga paa at hindi ko sila maigalaw papalayo. Tagatak na ang pawis ko. Ang aking mga kamay ay naginginig na at wala akong magawa para pigilan ang mga ito. Ilang dipa na lang ang layo niya sa akin. Masama ito. Kailangan ko ng maigalaw ang mga paa ko. Bakit ba ganito? Bakit ba ayaw makisama  ng katawan ko sa akin?

                Habang papalapit siya’y lalong lumuwang ang ngiti niya. Ah. Wala na. lalong lumakas at bumilis ang kabog ng dibdib ko. Natakot akong baka marinig niya iyon. Nang sa wakas ay naipihit ko na rin ang aking mga paa para tumakbo palayo ay siya namang…

                “ Hi Jam, ang snob mo naman. Aalis ka agad?” bati niya sa akin. Nakagat ko na lang ang ibabang labi ko. Kaysarap pakinggan ng pagbigkas niya sa aking pangalan. Wala akong magawa para pigilan ang sarili kong humarap sa kanya.

                Ngumiti ako. Muli ko na namang natitigtan ang maganda niyang mukha at nagwala na naman ang sistema ng buong katawan ko.

                “ May ga-gawin pa kasi a-ako M-Mia” utal kong sagot sa kanya. Ano ba yan pati sarili niyang dila ay hindi na rin ata makapag-isip ng maayos. Namimilipit ng mag-isa.

                “ Ah ganon ba, sayang naman magpapasama pa naman sana kami ni Derick sayo dun sa waterfalls na malapit dito. Di ba kabisado mo ang daan papunta doon?” halatang disappointed ang boses nito at ikinaalarma niya iyon. Ayaw niyang magdamdam sa kanya si Mia.

                Si Mia ang tanging babaeng nagpatibok sa puso niya. Ang korning pakinggan pero oo. Korni nga siya. Dahil kay Mia. Nung una pa lamang niya itong makita ay naisip niya agad na ito ang babaeng gusto niya. Kaya lang may problema. Nobya ito ng pinsan niyang si Derick. Kaya niya nakilala ang babae ay dahil na din sa ipinakilala ito ng huli. Mula noon ay palihim na siyang sumusulyap dito. Palihim siyang nagseselos tuwing magkasama ito ang kanyang pinsan. Nagtataka nga siya kung bakit hindi napapansin ni Mia ang laging pamimilipit ng dila niya tuwing magkakausap sila. Nahihiya siya tuwing magkakatinginan sila at hindi niya kayang tumingin dito ng diretso dahil pakiramdam niya’y namumula siya at ayaw niyang mahalata nito ang lihim niyang pagtingin dito. Ilang beses na niyang sinabi sa kanyang sarili na iiwasan na niya ito para kahit papano’y unti-unting maglaho ang nararamdaman niya dito pero hindi niya magawa. Tulad ngayon, heto siya at kasama nilang papunta sa waterfalls. Nasa unahan siya ng dalawa at dinig na dinig niya ang paglalambingan ng dalawa. Sa totoo lang ay nabibingi na siya. Kung pwede lang tumakbo pabalik. Inaliw na lang niya ang sarili sa pagpitas ng kung anu-anong dahon na nadadaanan nila. Nang  sa wakas ay narating na din nila ang kanilang sadya. Napakaganda ng tanawin. Tamang-tama para sa mga magkasintahan. Napasimangot siya. Kung pwede lang sipain pabalik ang pinsan niya nang sila na lang dalawa doon ni Mia. Napangiti siya sa naisip. Hindi pa man ay kinilig na siya.

Nakita niyang masayang-masaya ang dalawa kaya naglakad lakad na lamang siya. Iniisip niya kung paano niya maiiwasan si Mia dahil hirap na hirap na siya.

                Nang mapagod siya ay nagpasya siyang bumalik na lang sa kinaroroonan ng dalawa. Napansin niyang si Derick na lang ang nadoon. Tinatanaw tanaw niya si Mia subalit hindi niya talaga ito makita. Naisip niya kung saan na kaya iyon nagpunta. Bakit pinabayaan ni Derick na umalis ito mag-isa. Delikado pa naman doon.

                Bahagya siyang napatalon nang may kumulbit sa kanya. Pagharap niya ay nag-init bigla ang kanyang mukha. Si Mia nakangiti sa kanya.

                “ Oh Jam, para ka namang nakakita ng dyosa nyan, gulat na gulat ka ha.” Anitong lalong ngumiti. Pakiramdam niya’y nalusaw na naman ang puso niya at nakalimutan na naman ang planong pagkalimot dito. Bigla-bigla ay nagdesisyon siyang sabihin dito ang nararamdaman niya. Napalunok siya ng ilang beses. Pampalakas loob.

                “ Jam?” muli itong nagsalita at tila natauhan siya.

                Huminga siya ng malalim at nagumpisang magsalita. It’s now or never.

                “ Mia, alam mo ba nung una pa lang kitang nakita ay nainlove na agad ako sayo. Nanghinayang ako dahil nobya ka na ng pinsan ko.tuwing makikita kita ay sumasaya ako pero kapag kasama mo si Derick ay sobra ang selos ko. Pinilit kitang iwasan dahil alam kong walang patutunguhan itong nararamdaman ko para sayo pero napakiharap gawin non. Mahal na kita at wala kong magawa para pigilan iyon. Ito lang ang gusto ko masabi ko sayo ang nararamdaman ko. Wag kang mag-alala hindi ko kayo sisirain ni Derick”. Dire-diretso na siyang nagsalita. Napangiti siya pagkatapos. Napansin niyang tila naluluha ito.

                “ Jam, kasi.. kasi nung una din kitang makita ay nainlove din ako syao, natakot lang ako dahil nobyo ko na noon si Derick. Pero ang saya ko ngayon. Parehas pala tayo ng nararamdaman. Mahal din kita Jam” anitong mangiyak ngiyak pa.

                Hindi makapaniwala si Jam sa narinig. Niyakap niya si Mia at saka hinalikan sa pisngi. Sa wakas mahal din pala siya ng babaeng mahal niya. Para siyang nakalutang sa alapaap. Nagtatalon siya sa tuwa ng di sinasadya ay nadulas siya sa batong kinatatayuan niya at bumagsak sa mga naglalakihang bato ang kanyang ulo. Nawalan siya ng ulirat. Naririnig niyang tinatawag siya ni Mia.

                “ Hoy Jam! Gago gumising ka na nga! Binabangungot ka!”

                Napabalikwas siya. Kinapa niya agad ang ulo niya.Wala naman itong dugo. Napatingin siya sa paligid niya. Nasa loob siya ng kwarto niya. Si Derick ang kaharap niya at hindi si Mia.

                “ Babe, gising na ba si Jam? Pwede na ba tayong magpasama sa kanya?” si Mia. Nilapitan nito si Derick at niyakap sa likod. Nanlumo siya. Tama. Hanggang panaginip na lang ang sa kanila ni Mia.

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: Nov 20, 2014 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

His StoryTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon