Red Room I

2K 22 3
                                    

"Ang pangongopya ay isang uri ng pagnanakaw"

-

Malakas na musika at hiyawan ng mga tao ang sasalubong sa'yo sa lugar na tinatawag nilang "Lotus" . Lugar na kung saan malaya, walang problema, puno ng kasiyahan at puno rin ng pagnanasa. Usok, alak, mga lalaking walang saplot na nagsasayaw sa saliw ng musika ang sasalubong sa iyo rito. Isang ekslusibong lugar ito para sa mga lalaking hayok sa kapwa nila lalaki. Hindi mo aakalain na ang mga lalaking nasa paligid ko ay pumapatol pala sa lalaki dahil sa kanilang kakisigan at kagwapuhan.

Tama nga ang sabi nila na, sa panahon natin ngayon hindi mo na masasabi kung sino ang totoo at kung sino ang nagbabalat kayo lamang. Ang mga lalaking astig kung umasta ay astig na lalaki din pala ang hanap.


Kung nagtataka kayo kung bakit at ano ang ginagawa ko sa lugar na ito, kahit ako man ay hindi ko alam.

"Coco ready ka na ba? Mukhang gusto kang itable nung afam sa gilid. Iba ka talaga mamshie ang lakas ng aura mo! Binabalik balikan ka niyan dito ah" ang wika ng manager ng bar na ito. Tama kayo. Isa akong bayarang lalaki. Pokpok sabi nga ng iba.

Madali akong lumabas at nagtungo kung nasaan ang afam na halos araw arawin ang pagpunta dito para laman ikama ako. Wala namang talo dahil bukod sa gwapo ay malaki rin kung magbayad at hindi lang iyon ang malaki sa kanya. Alam nyo naman kung ano ang tinutukoy ko tama?

"Hi! It's me again" ang nakangiting wika nito.

"Yeah it's you again. It seems like you really like how I perform huh?" Ang pilyo kong sabi sabay haplos sa kanyang hita.

Natawa siya at uminom ng alak bago nagsalita. "Hmm yeah. You know what, if you're not a prostitute, I will marry you. Anyone would be so lucky to have you" ang makahulugan niyang wika habang nakatingin sa akin mga mata. Nginitian ko lamang siya bilang sagot.

"Malas lang dahil pokpok ako. Imposible nang may magmahal pa sakin ng totoo" ang wika ko sa aking sarili.

"Inaaay!"

"Tulong! Tulungan nyo kami! Parang awa nyo na! Maawa kayo sa amin tulungan nyo kami" ang pagsusumamo ko habang hawak ang aking inang walang malay na nakahandusay sa kalsada. Kanina lamang ay masaya pa kaming nagkukwentuhan habang kumakain ng agahan.

Ang mahal kong ina. Na ngayon ay walang malay. Hindi ko alam ang gagawin ko.

Patuloy lamang ako sa pagiyak habang katabi ko ang aking ina sa isang tricycle patungo sa pinakamalapit na ospital.

Maraming pumapasok ngayon sa isip ko. Kung anong mangyayari kay inay at kung saan kukunin ang pambayad sa ospital. Kami na lamang dalawa ang magkatuwang sa buhay dahil ang ama ko, na hindi naman ako itinuring na anak ay sumakabilang bahay na. Sumama sa malanding kaibigan ng aking ina.

Ilang oras din akong nasa labas ng kwarto kung nasaan ang aking ina at naghihintay ng balita. Walang ikinukwento ang aking ina tungkol sa sakit niya at sa tuwing magkakasama naman kami ay wala siyang ibang pinapakitang kakaiba. Marahil ay matagal na niyang itinatagong may sakit siya at ayaw niya na mag-alala ako ng husto.

Red Room (BXB 2020) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon