Red Room II

456 9 0
                                    

"Malas lang dahil pokpok ako. Imposible nang may magmahal pa sakin ng totoo"

-

Ilang taon ko na din itong ginagawa. Kaya lang minsan, hindi ko maiwasang maisip kung hanggang kailan ko ito gagawin. Mahirap din kasing maging ganito. Hindi laging mabait sa'yo ang magiging customer mo. Iba ibang klase din kasi ng tao ang makakasalamuha mo. May mga lalaking, malaki magbigay ng bayad, meron din namang sapat lang, kung minsan meron ding sex addict na sadista sa kama. Itatali ka, pipiringan ang mga mata, panglalaruan ang buong katawan mo, at kung minsan iba't ibang sex toys ang gagamitin sayo. Mahirap sobra.

Kaya naisip kong habang nagtatrabaho ako at kumikita ng malaki, sinamantala kong mag ipon ng pera para makapag aral ako. Gusto ko na din naman umalis sa trabahong ito at mabuhay ng normal gaya ng iba. Makapagtapos ng pag-aaral at  magkatrabaho, kahit na maliit ang sweldo at least marangal.

"Baklita tawag ka ni Miss Minchin" ang wika ni Jocie habang nagkakape ako sa silid namin. "Loka loka kapag narinig ka ni Mami Lolit maimbyerna sayo yon" sagot ko naman. Bakit kaya umagang umaga tinatawag ako? Imposible namang may customer na eh mamaya pang 5PM ang bukas ng bar namin.

Mabilis akong nagtungo sa opisina ni Mami matapos kong mag-agahan. "Mami, pinatawag nyo daw ako?" bungad ko sa opisina ni Mami Lolit habang nagbibilang ng perang kinita ng bar kagabi. "Oo echo. Nasabi mo kasi noong isang buwan sa akin na plano mong mag-aral hindi ba?" Ang deretsong tanong sa akin ni Mami. "Opo mami. Gusto ko kasing makapag tapos ng pag-aaral eh. Wag po kayong mag alala. Mag ttrabaho pa din naman ako dito pagkatapos ng klase dito na ako dederetso. Malaki ang utang na loob ko sa inyo dahil pinatuloy at binigyan nyo ako ng trabaho. Dahil sa inyo may naisusuot akong magandang dami at nabibili ko lahat ng kailangan ko. Pamilya na din ang turing ko sa inyo sa nagdaan na mga taon. Salamat Mami" ang wika ko dito. Tumayo siya sa kanyang pagkakaupo at niyakap ako nito ng mahigpit. "Pamilya na din ang turing ko sa'yo. Sa inyong lahat. Para ko na kayong mga anak. Kung yun ang gusto mo susuportahan ka naman namin. Masaya kami dahil sa inyong mga alaga ko, ikaw lang ang nagtuloy sa pag-aaral. Masaya ako para sa inyo" wika nito at niyapos aking ulo. 

...

Ilang buwan lang ang nakalipas ng magsimula na ang enrollment sa papasukan kong unibersidad. Pangarap kong makapasok sa Unibersidad na ito dahil sa ganda ng mga pasilidad. Sabi nga nila isang pribelehiyo ang makapasok dito. Mga anak ng politiko at negosyante ang mga nakakapasok dito. Isa ako sa mga masuswerteng iskolar ng paaralang ito. Mabuti na lamang at matataas ang mga grado ko noong highschool ako at nagtapos din ako ng may karangalan. Sagot ng Unibersidad na ito ang kalahati sa tuition fee dito hanggang sa matapos ako dito. Kapalit noon ay kailangan kong makakuha ng hindi bababa sa 2.0 na marka sa kada subject. Sisikapin kong huwag masira ang mga grades ko.

"Hanggang dito nalang muna tayo sa ngayon class. Huwag n'yong kalimutan ang mga activities at homeworks na binilin ko sa inyo. Next week ang deadline no'n so make sure na makapag-comply kayo. No late submission dahil it will be given a failing grade" ang bilin ng professor namin sa major subject namin na History of Architecture bago lumabas ng drafting room.

"Hey, wanna join us? Sa cafeteria lang" alok ni Ivor. Isa sa mga kaibigan ko. Half Chinese at Half Pinoy. Siya ang unang naging kaibigan ko dito sa Campus. Siya ang genius at isa sa mga ma-appeal sa klase kaya naman nagtataka din ako bakit niya ako naging kaibigan.

"Tara na Jericho. My tummy's complaining na. Oh look oh" maarteng wika nito habang hawak hawak ang tiyan. Siya naman si Xyren. Anak naman siya ng vice president ng University at isang lawyer. Bigtime kaya may pagka-maarte pero ang pagiging mapagbigay niya ang sobrang hinahanggang ko sa kanya.

"Okay, basta libre nyo ha?" ang biro ko sa mga ito habang inaayos ang mga triangles at t-square ko. "No problem. Sagot kita" ang sagot ni Ivor sabay kindat sa akin at taas baba ang kilay. Tinawanan ko nalang ito at umiling-iling

"Why naman me hindi mo nililibre? you should also pay for my food" busangot ni Xy. "Ikaw ba si Coco?" ang pang-aasar nito.

"Alam nyo tara na. Nagugutom na rin ako eh. Tama na 'yang asaran na 'yan" wika ko.

...

"Bro, siya ba talaga 'yan? Hindi kaya nag-kakamali ka lang? That man you saw sa bar is a prostutite, how come he's here and studying Architecture pa talaga huh? Bro let's stop this nonsense" ang panghihikayat ng kanyang kaibigan

"I'm sure he's the one I saw at the bar. Those smile, eyes and his hair. Di ako pwedeng magkamali. Kailangan siyang maging akin. Mababaliw ako kapag nakita ulit siyang may kasamang ibang lalaki bukod sakin. I'll make him mine and I'll do everything"  nakangising wika ng misteryosong lalaki na tila demonyo kung makatingin kay Jericho. Tila isang tigreng hayok sa laman ng isang tupa.

Ang usapan ng dalawang misteryosong lalaking nakatanaw sa katabing building at matiim na nakatingin sa kinatatayuan ni Jericho. Kung ano man ang kanyang plano, siguradong hindi iyon maganda.

...

"Guys why don't we hang out later? I know a good place where we can hang out. I'm sure mag-eenjoy kayo" ang pag-aya ni Xyren habang kumakain

"Nako, hindi ako pwede. Magagalit si mama. Alam nyo naman na strict ang parents ko diba? Kaya hindi ako makakasama mamaya" ang pagsisinungaling ko. "Don't worry I'll drive you home nalang so I can make paalam you to your parents and finally meet them na diba?" ang pagpipilit ni Xy.

"Kailangan kong mag-isip ng paraan para maibaling sa iba ang usapan. Hindi nila dapat malaman ang totoong buhay ko" ang usal ko sa aking sarili. Maya maya nagsalita si Ivor. "Don't force him Xy. If hindi siya pwede, hindi siya pwede. Maybe he has a good reason naman, Right, coco?" Tanong nito sa akin. Tanging tango na lamang ang akin naisagot.

Hindi ko man gusto ngunit wala akong magagawa. Hindi nila dapat malaman ang buhay ko lalo na ang trabaho ko. Dahil manganganib ako pati na ang lahat ng ka-trabaho ko sa Lotus. Tanda ko pa ang bilin ni Mami Lolit sa akin.

"Jericho, alam ko kung gaano mo kagusto na makapagtapos. Pero may gusto akong ibilin sa'yo, ayos lang ba 'yon?" tanong nito sa akin. "Oo naman mami ano ba 'yon?" Sagot ko rito. "Gusto kong itago mo sa lahat kung sino ka at anong klaseng buhay meron ka. Gusto ko lang na hindi bumaba ang tingin ng lahat sa'yo. Gusto kong magkaroon ka ng buhay na maayos at hindi tulad sa akin na nabubuhay sa pagbebenta ng laman at aliw sa kung sino sinong lalaki. Mahal na namin kaya ganito ang gusto kong gawin mo. Sana maintindihan mo ako. Ang gusto ko lang ang makabubuti sa'yo" ngumiti ako at muling niyakap si Mami Lolit. Siya na ang tumatayong magulang sa aming lahat ng nandidito.

"Ohhh ganun ba. Eh ikaw Ivor?"

"I can't. We have a family dinner eh. Friday ngayon kaya uuwi si papa for dinner with the family. Maybe next time Xy" ang wika naman ni Ivor. Ngumunot ang noo ni Xyren sabay wika, "Ano ba naman 'yan? Anong klaseng mga kaibigan kayo?" tumawa nalang kaming dalawa sa pag-iinarte ni Xyren
Ang usapan ng dalawang misteryosong lalaking nakatanaw sa katabing building at matiim na nakatingin sa kinatatayuan ni Jericho. Kung ano man ang kanyang plano, siguradong hindi iyon maganda.

Red Room (BXB 2020) Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon